CHAPTER 34

6.6K 124 4
                                    

(KYLE'S POV)

Magsasampung minuto na kong naghihintay dito kay Nicole sa loob ng kotse. Kainis na naman. Ano naman ngayon ang inaarte nya at kahit sa almusal hindi sya sumalo. Nagpahatid lang sa kwarto niya.

Sumilip ako sa bintana ng kotse.

"Randy! Ano ba? Hanggang kelan tayo maghihintay dito? Pinuntahan mo na ba sa kwarto nya?" Medyo mataas na ang boses ko.

"Kamahalan, H-hindi pa po e. Sige po pupuntahan ko na po sya." At nagmamadaling umalis.

Pero bago pa sya makalayo, bumalik ulit sya.

"Ano na?!"

"Nandyan na po sya." At sabay turo kay Nicole na naglalakad papalapit sa kotse.

Nakaface-mask pa. Ano naman ang drama nito? Pumasok na sya.

"Pasensya na sa paghihintay."

"Bakit ba ang tagal-tagal mo?"

"May tinapos pa kasi—"

"Teka, Wag ka ng magpaliwanag. Nakakairita."

"Tinatanong mo ko tapos ayaw mo kong magpaliwanang." Pabulong nya.

"Anong binubulong bulong mo dyan?" Naiilang ako sa face mask nya kaya hinila ko yung pababa. Nagulat sya at dali-daling tinakpan ang bibig nya ng mga kamay nya. "Bakit ka ba nagtatakip dyan? Di ka ba nagtoothbrush kaya ka nagtatakip?"

"ASDFGHJKL."

Hindi ko sya maintindihan kaya tinanggal ko ang dalawang kamay nya na pinantakip nya sa bibig nya.

"Prince Kyle naman e!" 

"Oh? Wala naman palang tinatago dyan e. Bakit ka ba nagtatakip?" Habang hawak-hawak ko ang dalawang kamay nya. Napatingin ako sa may rear mirror nakatingin si Randy samin at nakangiti.

"Randy! Magdrive ka lang dyan. Wag mo kaming panoorin." Tumingin ulit ako kay Nicole.

"Nakakainis ka naman e. M-Masakit kasi ang ngipin ko. Bitawan mo na ko."

Binitiwan ko na sya. Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang libro nya.

"Oh." Inabot ko ang libro nya ng di tumitingin sa kaniya."Nakalimutan mo kunin kagabi. Tinapos ko na nga pala yan."

Kinuha naman nya.

"S-Salamat."


(NICOLE'S POV)

"Astig mo Nicole ah. Akalain mong perfect mo ang assignment na binigay ni Mr. Peppermint. Tuwang-tuwa ang bakla nung makaperfect ka." Laurie.

"Oo nga. Tapos may solution ka pa ah. Akala ko worst 3 words sayo ang SHOW YOUR SOLUTION e. Di pala. Iba ka na ah. Anong secret mo?" Pamela.

Kina Laurie at Pamela ako sumabay ngayon ng lunch. Ayoko kasing makita si Prince Kyle. Naiilang ako. Lalo na sa nagawa ko. Di man lang nya alam yun. Buti na lang talaga.

Siniko ako ni Laurie na katabi ko lang.

"Uy, friend. Kanina pa kami nagsasalita dito tapos, dinededmabells mo lang kami. Ano na naman yang iniisip mo?"

"Ha?"

"Ay? Talagang di ka nakikinig? Teka nga. Ano bang nangyari? Alam mo nagtataka na ko sayo e. Simula kaninang umaga, wala ka sa sarili mo. Di ko alam kung nabaliw ka sa kakasagot ng assignment na binigay ni Peppermint kaya ka ganyan ngayon." sabi ni Laurie.

My Little Miss PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon