(NICOLE'S POV)
"Thank you my dear Professors! And Congratulation again to all of us!" Natapos na si Prince Kyle sa speech nya at nagpalakpakan lahat ng mga professors, schoolmate, parents, at mga estudyanteng nag-aabang sa mga crush, boyfriend nila para abutan ng flowers.
Napangiti na lang ako habang tinitignan si Prince Kyle na kinakamayan ng mga Professors. Kitang kita ko sa kaniya na sobrang saya nya ngayon. Pero hindi ko parin maalis maging malungkot. Ito ang pinakahuling araw na makikita ko sya sa Royal Academy. Hindi ko lubos maisip na ditto ko masisimulan buuin ang mga pangarap ko. Pangarap na hindi ko aakalaing unti-unting natutupad. Nagsilabasan na ang mga Graduates. Medyo nagkagulo na dahil yung mga kasama kong nag-aabang ditto, sumugod na para sunduin yung mga inaabangan din nila. Haaay! Hindi ko na makita si Prince Kyle, tumingkayad na ko para lang makita sya. Pero hindi ko talaga sya makita. Nasan na yun? Nakakainis naman kasi ang daming tao. Tapos, nabubunggo at nasisingitan pa ako. Baka dinumog nayun. Hindi lang naman din kasi ako ang magbibigay ng flowers e. Nandito din kasi ang fansclub nyang "Prince Kyle Neil Hoffman Forever" E ang dami pa naman nila. Tsk! Mamaya na nga lang ako. Lumabas ako ng Theater kung san ginanap ang graduation. Paglabas ko, nakita ko si Laurie may dala ding flowers para kay Anthony. Bigla naman syang nilapitan ni Anthony at iniabot ang flowers sa kaniya. Haaay. Nakakatuwa naman sila. Alam kong magugutuhan din sya ni Anthony. Mabait si Anthony. At hindi sya basta-basta nananakit ng feelings ng babae. Hindi ko na sila nilapitan. Aasarin lang ako ni Laurie kapag nakita nya kong ganito ang itsura ko na hindi ko pa nahahanap si Prince Kyle. Papunta na ko sa may bench ng makita ko na si Prince Kyle. Pero may iba syang sinalubong, Huh? Ang ganda at ang sexy nung babaeng sinalubong nya. >__< Tignan mo, di pa nga nakakapasok sa university, nakakita na kaagad ng iba. Tumalikod na ko.
"Nicole!" Narinig kong tinawag ako ni Prince Kyle. Pero tuluy-tuloy parin ako sa paglalakad habang dala-dala ang bulaklak na ibibigay ko sana sakaniya. "Nicole!" May humawak sakin sa braso. Pagharap ko si prince Kyle, kasama nya yung babaeng sinasabi ko. "San ka ba pupunta? Kanina pa kita tinatawag e."
"Oh eto, para sayo. Congrats!" Sabay tumalikod ulit ako. Pero pumunta sya sa harapan ko.
"Teka, ano bang problema mo?" Hinawakan nya ko sa mga kamay ko. "Ah!" Parang nagets na nya. Kung ano ang problema ko. Niyakap nya ako. At Iniharap dun sa babaeng nakita ko kanina. Teka? Kilala ko to ah. "Nicole, si Dana. Actually, nakita na kita kanina pa. Nung nagsspeech pa ako. Lalapitan nasana kita ng lumapit sakin si Dana."
Oo nga, si Dana nga. Nawala nga si Dana after nung nangyari sa Hongkong. Pero bakit bumalik ulit sya? Lumapit sya sakin.
"Hi Nicole." Hinawakan nya ko sa kamay. Medyo napasimangot ako. Syempre hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa nya sakin nun, kaya nagalit si Prince Kyle ng todo. Pero dahil dun, nalaman ko rin na mahal din pala nya ako. "About dun sa nangyari—"
"Okay na." Ngumiti ako sa kaniya. "Matagal na kitang napatawad Dana. Alam ko naman na nagmahal ka lang kaya mo nagawa yun. Pero, sakin, okay na." Napahawak ako sa braso ni Prince Kyle. "Pero, sa susunod na gawin mo yun, hindi na talaga kita mapapatawad." Natawa sya sa sinabi ko.
"Haha! Yes. Hindi ko na talaga gagawin yun. Actually, I finally Found him. My Prince. Kaya lang hindi ko sya nasama ditto, dahil may importante syang ginagawa sa London."
"Talaga? May boyfriend ka na?"
"Yup, actually, fiancé na nga e. Pinakilala sya sakin nina Mom and Dad nung sobrang depress ako sa mga nagawa ko. Sya yung tumulong para makalimot. At the same time, napamahal narin sya sakin. At nagpaplano kami magpakasal after college."
BINABASA MO ANG
My Little Miss Princess
Novela JuvenilSi Nicole ay isang 14y/o na commoner highschooler sa isang pinakasikat at pinakaluxurious na school sa kanila. Ang Royal Academy, kung saan ang mga anak ng mga pinakamataas at iginagalang na tao sa lipunan ay doon nag-aaral. Isang chef/tagapagluto s...