Chapter 01

24.6K 302 30
                                    

Ava's POV








"IPINAPANGAKO ko sa harap ng Diyos na aalagaan kita, Ava. Hindi kita sasaktan, hindi ako gagawa ng bagay na ikakasakit ng iyong damdamin. Pangako, araw-araw kitang mamahalin. Lagi mong tatandaan iyan. Mahal na mahal kita, Ava. Mahal na mahal..."

May luhang pumatak sa aking mga mata nang maalala ko ang bahagi na iyon ng wedding vow ni Renzo sa akin dalawang taon na ang nakakalipas. Nakaupo ako sa harapan ng salamin sa kwarto namin ni Renzo at pinagmamasdan doon ang aking sarili.

Two years ago ay ikinasal ako kay Renzo Madriaga. Isang simpleng kasalan na ginanap sa simbahan dito sa bayan ng Calamba. Ngunit kahit simple lang ang kasal namin ni Renzo ay napakasaya ko pa rin ng araw na iyon. Pakiramdam ko ay ako ang pinaka maswerteng babae sa buong mundo. Ganoon pala kasi iyon... Kahit hindi engrande ang kasal mo, kapag ikinasal ka sa taong mahal mo talaga ay ayos lang sa iyo. Ang importante ay ang araw na iyon, katabi mo ang taong gusto mong makasama habangbuhay at pinag-iisa kayo ng pari sa ngalan ng Diyos.

Twenty six years old ako nang ikasal habang si Renzo ay twenty nine. Ang totoo niyan ay hindi pa kami handa. Wala pa sa balak namin ang pagpapakasal pero nabuntis na ako. Nalaman iyon ng mga magulang ko at hindi sila pumayag na hindi ako papanagutan ni Renzo.

Biglaan ang kasal. Isang buwan lang ang preperasyon. Ayaw kasi ng magulang ko na maglalakad ako sa simbahan na malaki na ang tiyan.

Nagtatrabaho ako noon sa isang BPO company sa Sta. Rosa, Laguna. Team leader ako. Habang si Renzo ay isang electrical engineer sa malaking manufacturing company dito din sa Laguna.

Wala kaming ipon nang ikasal kaya hindi na ako nag-expect na magiging engrande ang aking kasal. Inisip ko na lang ang mga magulang ko. Ayaw kong mapahiya sila. Mag-isa lang akong anak at alam kong malaki ang expectation nila sa akin.

Masama ang loob ko sa aking sarili. Hindi ko kasi natupad ang pangarap ko para sa mga magulang ko na maipaayos ang aming bahay. Huminto na kasi ako sa pagtatrabaho nang unti-unting lumobo ang tiyan ko. Nahihirapan na akong kumilos. Pinayuhan na din kasi ako ng nanay ni Renzo na huminto na sa pagtatrabaho at maging housewife na lang.

Ayaw ko sana. Gusto ko sana ay mag-maternity leave lang. Ang balak ko ay bumalik sa pagtatrabaho kapag nakapahinga na ako after kong manganak. Kaya lang inisip ko rin ang sasabihin ng nanay ng asawa ko. Sa kanila kami nakikitira ng mga panahon na iyon at nahihiya akong suwayin siya. Wala pa kasi kaming sariling bahay ni Renzo. Nag-iipon pa siya ng pang-downpayment sa bahay na balak namin na kunin.

"Huwag ka nang bumalik sa pagtatrabaho kapag nanganak ka na, Ava. Paano na lang ang anak ninyo ni Renzo? Hindi ko aalagaan iyan! May edad na ako at mag-isa na lang sa bahay na ito. Huwag niyo na akong bigyan pa ng responsibilidad!" Mataray ang nanay ni Renzo. Masakit magsalita. At isa iyon sa dapat kong tanggapin dahil pinakasalan ko ang anak niya...

Kinausap ko si Renzo tungkol sa bagay na iyon pero...

"Pumayag ka na lang sa gusto ni mama. Para din naman sa atin iyon," sagot ni Renzo.

"Pero, Renzo, mag-isa ka na lang na magtatrabaho. Magiging mas mabilis ang pagkuha natin ng bahay kung dalawa tayong kumikita ng pera. Please, kausapin mo ang mama mo. Sabihin mo sa kaniya na hindi ko kailangang huminto sa pagtatrabaho."

"Ano ka ba naman? Sundin mo na lang si mama. Okay? Nakikitira na nga lang tayo dito, e!" singhal pa nito.

Doon ko na napansin ang pagiging sunud-sunuran ni Renzo sa nanay niya. Only child din kasi ito katulad ko. Patay na ang tatay nito na isang retired na pulis. May pension na nakukuha ang nanay niya kaya hindi na nito kailangang magtrabaho pa. Pero bakit ako? Mag-isang anak lang din ako pero hindi naman ako palaging oo sa mga magulang ko. Sumusunod ako pero hindi katulad ni Renzo na parang walang sariling desisyon. Palaging nagtatanong sa nanay niya.

CheatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon