Ava’s POV
KINABUKASAN ay isang hindi inaasahang bisita ang dumating sa aming bahay. Si Cheska. Iyong president sa klase namin noong fourth year high school ako. Nagulat na lang ako na kumakatok siya sa gate namin ng umagang iyon. Wala na si Renzo sa bahay. Pumasok na ito sa trabaho kaya kami na lang ni Eris ang naroon.
“Cheska! Kumusta ka na?” ani ko nang pagbuksan ko siya.
“'Eto, maganda pa rin! At super sexy!” biro ni Cheska. May katabaan kasi ito. “Teka, papasukin mo naman muna ako, Ava. Ang init, e. Uhaw na uhaw ako. Ang hirap kasing puntahan itong bahay mo.”
Napapahiyang pinapasok ko si Cheska sa loob ng bahay. Na-excite kasi ako nang ko ang dati kong kaklase. Si Cheska kasi ang masasabi kong bestfriend ko noong nag-aaral pa kami. Palagi kaming magkasama at mataba na rin siya noon. Kung siya ang president ay ako naman ang muse ng aming klase.
Nauna nang umupo si Cheska.
“Ano palang gusto mo? Tubig? Juice? Pagkain?”
“Grabe naman sa pagkain, Ava! Pero, sige. Ano bang meron sa kusina mo?”
“May fried rice pa. Saka tuyo at itlog. Tira namin kaninang agahan.”
“Ay, bet ko iyan. Ikuha mo na ako, please…”
Natatawa na lang ako kay Checka. Hindi pa rin kasi siya nagbabago. Mahilig pa rin siyang kumain gaya noon. Ikinuha ko siya ng pagkain. Ipinagtimpla ko na rin siya ng kape para terno sa kakainin niya. Pagbalik ko sa salas ay idinulot ko na agad sa kaniya ang pagkain.
Nilantakan niya agad ang pagkain na akala mo ay gutom na gutom. “Pasensiya ka na, ha. Namiss ko kasi ang ganitong food. Actually, I’m on a diet!” pakli nito sabay higop sa kape. “Ay! Ang init!”
“Diet? Pero bakit ang lakas mo kumain?”
“I-a-advance ko na ang cheat day ko kahit sa weekend pa iyon!” tawa nito.
“Cheat day?”
“Oo. Cheat day! Paulit-ulit lang, Ava? Iyon 'yong araw na pwede mong kainin kahit anong gusto mo. Cheat day. Ang boring kaya kapag walang cheat day, 'no.”
Tumango-tango ako. Pinatapos ko muna si Cheska sa pagkain bago ko siya ulit kinausap. “Bakit ka nga pala napunta dito?” tanong niya nang maubos na nito ang pagkain.
“Eto na nga. Magkakaroon kasi tayo ng reunion na magkakaklase noong fourth year high school! Bongga, 'di ba?”
Napangiwi ako. Sa pagkakatanda ko kasi ay nagkaroon ng reunion ang batch namin last year. Iyon nga lang, hindi ako nakapunta dahil sa pagkakatanda ko ay malapit na akong manganak kay Eris. Kaya hindi ako pumunta dahil baka doon pa ako mapaanak.
“Na naman?”
“Yes! Na naman. Pero wait! Hindi lang ito basta reunion. This is for a cause. May tutulungan daw tayong classmate natin kaya magkakaroon ng reunion. Ball daw ang ganap, e. Tapos may ticket na worth one thousand pesos.”
“Bukod sa ticket ay may ambagan pa ba sa venue at food?”
“Wala na. Sagot na iyon ng vice-president natin. Remember mo ba si Oprah? Aba, mayaman na ang gaga! Nakapangasawa ng negosyanteng Hapon sa Japan. Sagot na daw niya ang venue at food kaya iyong one thousand pesos na ticket na lang ang babayaran natin. Gusto din i-push ni Oprah kasi hindi siya naka-attend last year sa reunion dahil nasa Japan siya, 'di ba?”
“Sino bang classmate natin ang tutulungan?”
“Hmm… Hindi ko rin alam. Ako lang ang nautusan ni Oprah na sabihan ang mga kaklase natin na hindi active sa Facebook. At isa ka doon kaya personal kitang pinuntahan dito. Ang sabi ni Oprah ay sa mismong event na lang sasabihin. Surprise daw doon sa kaklase natin na kailangan ng financial help.”
BINABASA MO ANG
Cheaters
RomanceNaghiwalay noon sina AVA at ANJO dahil sa kagustuhan ni Ava na makapagtapos sa pag-aaral. At sa paglipas ng maraming taon ay muli silang nagtagpo. Ngunit hindi na pwede ang lahat sa kanilang dalawa. Kapwa sila nakatali na ngunit hindi masaya sa kani...