Chapter 20

9.1K 170 22
                                    

Ava’s POV









ILANG minuto pa lang ang nakakalipas pero parang kaytagal na niyon. Matapos kausapin ng lalaki sa cellphone si Jessa Benitez ay umupo ito sa kabilang dulo ng sofa. Nasa tabi nito ang isang mini table na may nakapatong na dalawang kopita at isang bote ng alak.

Nagsalin ang lalaki ng alak sa dalawang kopita. Kinuha nito ang isa at iniumang sa akin. “Wine?” alok niya habang titig na titig sa akin.

“H-hindi ako umiinom. Ayoko po,” iling ko.

“Come on! Hindi ito nakakalasing. Gusto ko lang ipatikim sa iyo kung gaano kasarap ang wine na ito. Sige na. Take it,” alok pa rin nito kahit tumanggi na ako.

Naiilang akong umiling. “Hindi po talaga.” Hindi na ako komportable kaya naisipan kong umalis na lang. Pipilitin kong buksan ang pinto. Bahala na. Basta ayokong nasa iisang kwarto kami ng lalaking ito na kung makatingin ay parang hinuhubaran ako.

“What are you doing?”

“Aalis na po muna ako. Babalik na lang ako kapag nandito na si Ma’am Jessa.”

“Papunta na siya. Hindi mo ba kayang maghintay kahit kaunting minuto pa?”

Wala akong pakialam kung kabastusan na ang gagawin ko pero hindi talaga aki kumportable. Hindi ko siya sinagot at nagtuloy lang ako sa paglalakad papunta sa pinto. Inikot-ikot ko ang door knob. Hinila iyon pero ayaw talagang mabuksan. Kinatok ko na iyon nang malakas pero walang tumutugon sa akin. Malakas ang pakiramdam ko na ini-lock iyon mula sa labas no’ng lalaking sumalubong sa akin sa gate.

“Tumigil ka na. Hindi mo iyan mabubuksan kahit anong gawin mo.”

Napahinto ako sa pagpihit sa door knob sa sinabing iyon ng lalaki. Naroon pa rin siya sa may sofa at umiinom ng alak nang mapalingon ako sa kaniya.

“A-ano?”

Inilapag niya ang kopita sa mini table at umiling-iling habang tumatayo. Habang naglalakad siya palapit sa akin ay nakangisi siya na parang isang aso. Napaatras ako at napasandal sa pinto nang sinubukan niyang idikit ang sarili niya sa akin. Huminto siya na halos isang dangkal na lang ang pagitan naming dalawa.

“Totoo nga ang sabi sa akin ng mga tauhan ko… Mas maganda ka sa personal kesa sa mga picture, Ava,” paanas nitong turan. Sumampal sa mukha niya ang mainit nitong hininga na medyo amoy alak.

Paano niya nalaman ang pangalan ko? Sa pagkakatanda ko ay hindi naman ako nagpakilala sa kaniya kanina. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Itinuon niya ang dalawang kamay sa pinto kaya nasa pagitan ng braso niya ang mukha ko. Tinitigan niya ako kaya ipinaling ko sa kanan ang aking mukha. Nakakatakot siya!

“A-anong picture?”

“Mga stolen shot na ipinakita sa akin ng mga tauhan ko. Maganda ka sa litrato pero ngayong kaharap na kita ay napatunayan kong mas maganda ka sa personal. Napaka swerte sa iyo ni Renzo. Biruin mo, gabi-gabi ka niyang katabi sa kama at kahit anong oras ay pwede ka niyang maka-sex!”

Nanlaki ang mata ko sa tinuran niya. Labis akong nabastusan kaya buong tapang ko siyang itinulak at sinampal. “Wala kayong karapatan na kausapin ako ng ganiyan! Bastos ka!”

Hinimas-himas ng lalaki ang nasaktang pisngi pero hindi nawawala ang nakakatakot na ngisi sa mukha nito. Bigla niya akong sinugot at isinandal sa pinto. Hinawakan niya ang mga kamay ko at mariin iyong itinuon sa pinto habang ako ay napasigaw na lang sa gulat at takot.

“Bitiwan mo ako! Ano ba?!” Pilit kong tinapangan ang sarili sa pagbulyaw sa kaniya.

Sinasabi ko na nga ba. Hindi katiwa-tiwala ang lalaking ito! May masama siyang balak sa akin!

CheatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon