Chapter 08

10.7K 190 63
                                    


Ava’s POV









PAGKAALIS ni Renzo ng bahay para pumasok sa trabaho ay nag-asikaso na rin ako ng aking sarili. Naligo ako at nagbihis ng malinis na damit. Susunduin ko na kasi si Eris sa bahay ng nanay ni Renzo.

Kahapon ko dapat siya kukunin kaya lang ang sabi sa akin ni Renzo ay nakiusap ang nanay niya na doon muna si Eris ng isa pang araw. Hindi naman sa ipinagdadamot ko ang anak ko sa lola nito pero kahapon pa lang ay gusto ko na siyang kunin. Miss na miss ko na kasi ang anak ko. Siya na lang kasi ang nagpaparamdam sa akin ng pagmamahal ngayon. Siya rin ang malaking dahilan kung bakit hindi ko binibitawan si Renzo. Ayokong lumaki si Eris na merong wasak na pamilya. Gusto kong lumaki siya na merong normal at masayang pamilya. 'Yong may nanay at tatay siya at kaming dalawa iyon ni Renzo.

Pagkatapos kong gumayak ay umalis na ako ng bahay. Nag-tricycle na lang ako papunta sa bahay ng nanay ng aking asawa. Pagdating ko doon ay nakita ko agad si Eris na kalaro ang lola niya sa harapan ng bahay. Nagtatakbo si Eris habang may nilalarong laruang eroplano.

“Eris! Baby!” Tawag ko sa aking anak. Sinabayan ko iyon ng pagkaway.

Nasa may gate pa ako. Nakasarado pa iyon kaya hindi pa ako makapasok sa loob. Nakita kong wala naman iyong kandado kaya ipinasok ko ang isa kong kamay at binuksan.

“Eris!” Muli kong tawag. Walang pagsidlan ang kasiyahan ko nang makita ko si Eris.

Wala pang dalawang araw na hindi ko siya nakita ay miss na miss ko na talaga siya. Ganito naman yata talaga ang isang ina sa kaniyang anak, 'di ba?

Normal na kay Eris na kapag nakikita niya ako ay masaya siya at tumatakbo agad palapit sa akin. Pero labis akong nagtaka nang imbes na tumakbo siya sa akin ay sa lola niya ito tumakbo na parang takot na takot nang makita ako.

“Bad! Bad! Bad!” Iyon ang narinig kong paulit-ulit niyang sinasabi nang lumapit ito sa nanay ni Renzon at yumakap sa binti. Itinago pa ni Eris ang mukha nito sa akin na parang ayaw akong makita.

Buong pagtataka na nilapitan ko silang dalawa. Nagmano ako sa nanay ni Renzo. “Mano po, Mama Gloria…” Pagbibigay ko ng galang. “Kukunin ko na po si Renzo, mama, kaya po ako nandito.”

“Kukunin mo? Paano mo kukunin, e, halatang takot sa iyo ang bata, Ava!” Matalim ang matang sagot niya sa akin.

Ngumiti ako. “Baka po hindi lang ako nakilala.” Yumukod ako para magkatapat kami ni Eris. Nakasubsob pa rin ang mukha niya sa binti ng lola nito. Hinawakan ko siya sa likod. “Eris, ako ito… si mama mo. Uuwi na tayo sa bahay. Nandoon din si papa…”

“Ayaw! Bad mama!” ungot nito.

“Eris…” Bigla tuloy akong nalungkot sa inasal ng anak ko. Hindi na ba ako agad nakikilala ni Eris? Pero ilang araw lang naman niya akong hindi nakita, a. Imposibleng hindi na niya agad ako natatandaan sa ganoong kaikling panahon.

Sinubukan ko siyang kunin at buhatin pero umatungal lang siya ng iyak.

“Nakita mo na, Ava? Ayaw pang umuwi ng apo ko. Dito na muna siya,” ani Gloria. Kinarga nito si Eris at niyakap.

Tumayo na ako at malungkot na tiningnan si Eris. “Ilang araw na po kasi siya dito sa inyo. Miss na rin namin siya ni Renzo. Saka nakakahiya na po na kayo ang nag-aalaga sa kaniya,” sambit ko.

“Wala sa akin ang pag-aalaga kay Eris. Apo ko siya. Saka mo na lang siya kunin kapag sasama na siya sa iyo. Umalis ka na.” Kung itaboy ako ni Mama Gloria ay para bang hindi ako asawa ng anak niya.

“Hindi po talaga pwede, 'ma. Uuwi po ako ngayon na kasama si Eris,” giit ko. “Ang mabuti pa po siguro ay sa loob muna tayo. Medyo mainit na po. Siguro naman po ay sasama na sa akin si Eris.”

CheatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon