Ava’s POV
MAS lalong naging mariin ang pagkakahawak ni Renzo sa mga kamay ko. Nanlilisik na ang mga mata niya at natatakot na talaga ako sa kaniya. Isa-isang bumalik sa alaala ko ang lahat ng pananakit niya sa akin.
“Asawa kita, Ava! Obligasyon mo ito at dapat mo akong pagbigyan! Naiintindihan mo ba?!” Bulyaw niya sa akin.
Hindi ko na nagawa pang magsalita sa sobrang takot. Patuloy sa panginginig ang buong katawan ko. Napahagulhol na lang ako. Para bang naparalisado ako at hindi ko na kayang manlaban pa. Takot na takot ako ng sandaling iyon. Kung ano man ang gustong gawin sa akin ni Renzo ay wala na akong lakas ng loob para lumaban. Wala na akong nagawa kundi ang lumuha.
“A-ava?” tawag sa akin ni Renzo. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko sabay alis sa ibabaw ko. Hinila niya ako paupo at niyakap nang mahigpit. “Sorry, Ava! H-hindi ko sinasadya. Nawalan ako ng kontrol sa sarili ko. Sorry! Huwag kang magagalit sa akin, ha.”
Patuloy lang ako sa paghagulhol. Ipinagtulakan ko siya hanggang sa makawala ako sa kaniya. “Hayop ka! Akala ko ba ay nagbago ka na? Ganoon ka pa rin, Renzo! Hindi ka na magbabago!” Umiiyak kong sigaw sa kaniya.
“Patawarin mo ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko—”
Itinuro ko ang pinto. “Lumabas ka! Ayokong makatabi ka sa pagtulog!” “Ava—” “Lumabas ka na lang, please!” utos ko.
“Hindi ako lalabas hangga’t hindi mo ako napapatawad! Nawalan ako ng kontrol. Ava, hindi mo naiintindihan. Meron akong—”
“Meron kang demonyo sa katawan mo!” putol ko sa sasabihin niya. “Hindi kita kayang patawarin, Renzo! Demonyo ka! Ayaw mong lumabas? Sige, kami ni Eris ang lalabas ng kwartong ito! Hindi ko kayang makasama ka sa iisang kwarto. Naiintindihan mo ba iyon?!” Tumayo ako at naglakad papunta sa crib ni Eris pero humarang si Renzo sa harapan ko.
“Okay. Ako na ang lalabas. Sorry talaga.”
Bagsak ang balikat at nakayukong lumabas ng kwarto si Renzo.
Nang wala na siya ay tinakbo ko ang pinto at isinara iyon. Ini-lock ko rin dahil baka pumasok muli si Renzo. Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kaba ko. Wala ka nang pag-asa, Renzo!
Kasinungalingan iyang sinasabi mong magbabago ka na! sigaw ko sa aking utak.
-----ooo-----
Lally’s POV
“ANJO, kailangan ko palang magpa-check up ngayon kay Dr. Mario. Schedule ko sa kaniya ngayon, 'di ba? Kailangan ko ng pera. Saka pambili na rin ng gamot kasi paubos na iyong nandiyan ko,” sabi ko habang nag-aalmusal kami ng aking asawa ng umaga na iyon.
Walang imik na hinugot niya ang wallet sa bulsa ng pantalon niya. Papasok na siya at kumakain lang. Pagbukas niya ng wallet ay napansin ko ang bahagya niyang pagngiwi. Naglabas siya ng perang papel at inabot sa akin.
Binilang ko iyon. “Six thousand lang? Kulang ito…” Disappointed kong sabi.
“Iyan na lang ang meron ako dito, Lally. Pasensiya ka na.”
Hayop ka! Siguro, inuubos mo sa babae mo ang pera mo! Gigil kong sabi pero sarili ko lang ang nakakarinig.
“'Yong perang nakuha natin sa charity ball?”
“Iyan na nga iyon. 'Yan na lang ang natira. Ang mahal din kasi ng mga gamot at check up mo kahit pa may discount tayo. Hayaan mo at palagi na akong mag-o-overtime para malaki-laki ang sasahurin ko sa susunod—”
BINABASA MO ANG
Cheaters
RomantizmNaghiwalay noon sina AVA at ANJO dahil sa kagustuhan ni Ava na makapagtapos sa pag-aaral. At sa paglipas ng maraming taon ay muli silang nagtagpo. Ngunit hindi na pwede ang lahat sa kanilang dalawa. Kapwa sila nakatali na ngunit hindi masaya sa kani...