Chapter 33

6.9K 135 7
                                    

Ava’s POV










KANINANG pagkauwi ko mula sa ospital hanggang sa ngayon papasok na ulit ako sa aking trabaho ay hindi pa rin mawala sa isip ko na posibleng kumalat ang video namin ni Anjo habang may ginagawa sa fire exit ng ospital. Kaya kung anu-ano na lang ang naiisip ko na pwedeng mangyari. Nakaka-paranoid lang.

Ayaw ko na ngang mag-open ng aking Facebook account dahil baka mabaliw ako kapag nakita kong kalat na doon ang video scandal naming dalawa ni Anjo at pinagtatawanan na iyon ng marami. Hindi na rin ako nakatulog ng maayos at nakakain.

Mabuti na lang at may trabaho si Renzo at wala siya sa bahay kanina kaya hindi niya mapapansin ang pagiging balisa ako. Paniguradong uusisain niya ako kung bakit ako ganoon.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang sa ngayon ay gusto ko na lang na magtago dahil malaki ang posibilidad na magdala ako ng kahihiyan sa aking pamilya. Iniisip ko rin si Lally. May sakit siya. Hindi makakabuti sa kaniya ang bagay na iyon kapag nalaman niya. Baka makasama pa sa kaniya at sisihin ko pa ang sarili ko habangbuhay oras na may mangyaring hindi maganda sa asawa ni Anjo.

Oras na kumalat ang video na iyon ay handa ba ako sa panghuhusga ng mga tao? Ano na lang ang sasabihin nila sa akin o sa amin ni Anjo? Malalandi at makakati kami? Hindi marunong makuntento. Mga kabit! Makasalanan!

Hindi ko kaya iyon.

Pinagsisisihan ko na talaga kung bakit pa namin ginawa ni Anjo ang bagay na iyon sa lugar na iyon. Nagpadala kami sa bugso ng aming damdamin. Hindi namin naisip na pwedeng may CCTV camera pala doon. Kung pwede ko lang ibalik ang oras ay gagawin ko para mabago ang pangyayaring iyon.

Naglalakad na ako papunta sa lugar kung saan pwedeng maghintay ng jeep nang biglang tumunog ang aking cellphone. Napakunot ang aking noo dahil isang unregistered number ang nakita kong tumatawag sa akin. Hindi iyon pamilyar sa akin. Wala sana akong balak sagutin pero nang maisip kong baka sa trabaho ko iyon ay sinagot ko na rin.

“Hello?” sabi ko pagkasagot sa tawag.

Walang sumagot sa kabilang linya pero may naririnig akong malalalim na paghinga.

“Sino po ito?” Muli akong nagsalita. Wala pa ring nagsasalita. Hindi kaya nanloloko lang ito o wrong number? “Kung hindi ka magsasalita ay puputulin ko na itong—”

“Arnold!” Isang babae ang nagsalita sa kabilang linya.

“Sinong Arnold?” Nagtataka kong tanong.

“M-may kilala ka bang Arnold?”

“Wala akong kilalang Arnold. Sino ba ito?”

Hindi na ako nakakuha ng sagot mula sa babaeg tumawag dahil pinutol na niya ang linya. Napaisip na lang tuloy ako kung sino ba iyon at ang bastos naman niya para pagbabaan ako. Pero baka nga wrong number lang. May mga ganoong pagkakataon naman talaga na nangyayari.

Kaya lang parang pamilyar sa akin ng boses ng babaeng iyon. Hindi ko nga lang maisip kung saan ko siya narinig.

Nang nasa hintayan na ako ng jeep ay nawala na sa isip ko ang babaeng tumawag. Lalo na nang may dumating agad na jeep na pwede kong sakyan. Pinara ko iyon at sumakay. Kakaunti lang ang pasahero ng jeep. Dalawang babae na nasa kahanay ko. Hawak nila ang kani-kanilang cellphone at abala doon. Nasa may unahan ko sila. Sa kabilang upuan naman ay mag-ina lang.

Inilabas ko ang wallet ko at kumuha ng barya. “Pasuyo naman po ng bayad,” sabi ko at iniabot ko sa dalawang babaeng nagsi-cellphone ang bayad ko.

Kinuha iyon agad ng isa at iniabot sa driver. Nagpasalamat ako sa kanila.

Ipinikit ko muna ang aking mata upang umidlip sana nang marinig ko ang usapan ng dalawang babae na nasa unahan ko.

CheatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon