Lally’s POV
NASA banyo ako habang tumatae nang maisipan kong makipag-video call kay Chonna. Kanina pa kasi ako bored na bored dito sa bahay dahil wala akong magawa. Hindi naman ako makaalis dahil nandito sa bahay si Anjo. Off niya kasi ngayon kaya maghapon kaming magkakasama at hindi ako makakatakas sa kaniya. Gusto ko pa naman sanang uminom ngayon.
“O, nasaan ka? Leche ka! Tumatae ka ba?” Natatawang sabi ni Chonna nang makita niya na nasa banyo ako. Naka-earphone ako kaya hindi maririnig ni Anjo ang mga sinasabi ni Chonna. Saka abala iyon sa pagluluto ng tanghalian namin mamaya.
“Gaga! Oo, natae nga ako. Hindi naman tayo makakapag-usap ng ganito kapag wala ako sa banyo, 'di ba?” Halos pabulong kong sabi dahil baka marinig ako ni Anjo.
“Sabagay. May tama ka! E, bakit ka napatawag?”
“Bored kasi ako. Gusto kong mag-inom.”
“Ay, naku. Bawal dito sa bahay. Nandito ang mudra ko. Alam mo naman iyon. Bawal pakitaan ng alak at baka bumalik sa pagiging lasenggera ng taon!” Adik kasi dati sa alak ang nanay ni Chonna at kakalabas lang nito ng rehab.
Napasimangot ako. “Ganoon ba? Saan kaya pwede?”
“Diyan sa inyo!”
“Baliw! Nandito si Anjo. Bawal dito.”
“Edi, paalisin mo. Tama, paalisin mo siya para makapag-inom tayo. I challenge you na paalisin ang asawa mo ngayon!” Humagalpak ng tawa si Chonna habang ako ay nag-iisip. “Ay, hindi mo kaya? Ang weak mo naman pala, Lally. Akala ko ba ay strong girl ka. 'Di naman pala!”
“Gaga ka talaga! E, pa’no kung magawa ko? Anong kapalit?”
“Hmm… Sagot ko na ang alak at pulutan!”
“Sabi mo 'yan, ha! Sige. Ganito. Gusto kong makita mo ang power ko over sa aking uto-utong asawa kaya pumunta ka na ngayon dito. Papalabasin ko lang siya saglit para makapuslit ka dito. Okay?”
“Bet ko iyan! Para may pruweba ka na under mo talaga si Anjo. Baka kasi chika lang iyon, e!”
“Gaga ka! Pumunta ka na dito. Bilisan mo!”
Tinapos ko na ang video call namin ni Chonna pati na ang pagtae ko. Paglabas ko ng banyo ay nasa kusina pa rin si Anjo at naghihiwa ng gulay. Nilapitan ko siya at tiningnan ang kaniyang ginagawa.
“Anong lulutuin mo?” tanong ko.
“Pinakbet. Gusto mo 'yon, 'di ba?”
Tumango ako. “Wow! Salamat, Anjo!” Isang mabilis na halik ang iginawad ko sa pisngi niya. “Teka, magsasaing na rin muna ako para sabay na maluluto iyang ulam at kanin.”
“Kaya mo ba?”
“Kaya ko. Hindi mabigat na gawain ang pagsasaing.”
Hinayaan na lang ako ni Anjo. Naglagay ako ng bigas sa kaldero. Nilahat ko na dahil hindi na iyon ganoon karami. Kaya wala na kaming bigas sa lagayan namin. Itinapat ko na sa gripo ang kaldero at pinuno iyon ng tubig. Nang mapuno ay ibinuhos ko sa lababo ang lahat ng bigas na nasa kaldero at hinayaang nakabukas ang gripo. “Ay!!!” Malakas kong tili pero kunwari lang.
“Anong nangyari?” Kinakabahang lumapit sa akin si Anjo at natigilan siya nang makita ang bigas na natapos sa may lababo.
“S-sorry… D-dumulas kasi sa kamay ko 'yong kaldero. H-hindi ko sinasadya…” Mangiyak-ngiyak kong turan.
“Okay lang. Huwag kang umiyak,” aniya.
“P-pero iyan na lang kasi ang bigas na meron tayo tapos itinapon ko pa.”
BINABASA MO ANG
Cheaters
RomansaNaghiwalay noon sina AVA at ANJO dahil sa kagustuhan ni Ava na makapagtapos sa pag-aaral. At sa paglipas ng maraming taon ay muli silang nagtagpo. Ngunit hindi na pwede ang lahat sa kanilang dalawa. Kapwa sila nakatali na ngunit hindi masaya sa kani...