Chapter 07

11.2K 189 24
                                    


Ava’s POV









AWKWARD. Iyan ang isang salita na pwede kong gamitin na pang-describe sa sitwasyon ko ngayon. Katabi ko si Anjo sa unahan ng sasakyan habang mahimbing na natutulog ang asawa niyang si Lally sa backseat. Simula nang patakbuhin ni Anjo ang sasakyan ay hindi na ako nagsalita pa. Ano naman kasi ang sasabihin ko sa kaniya? Kumusta? Alam kong hindi siya okay ngayon dahil sa may sakit ang kaniyang mahal na asawa. Nakapag-sorry na ako sa kaniya at hindi na pala siya apektado sa nangyari sa amin noon. Ako lang talaga itong nag-iisip na hindi pa siya nakaka-move on.

Kanina, sa ball night ay nakita ko ang pagluha ni Anjo sa labis na kasiyahan nang malaman niyang ito at ang asawa nito ang tutulungan ng batch nila. Nakita niya ang pagmamahal nito kay Lally. Lalo na nang tinitingnan nito si Lally noong nasa stage na ito. Naalala ko, ganoon niya ako tingnan noong kami pa. Puno ng pagmamahal. Sa mata lang ay kaya niyang ipaalam sa akin na ako lang ang babae sa puso niya.

Hindi ko maiwasang mainggit kay Lally dahil siya na ang nakakaranas kung gaano kasarap magmahal si Anjo. Mas lalong lumala ang inggit ko dahil hindi ko iyon nararanasan kay Renzo. Walang ibang ipinaparamdam ang asawa ko sa akin kundi sakit sa puso at katawan.

Habang nakatutok sa daan si Anjo ay pasimple ko siyang tiningnan. Sulyap lang sana ang gagawin ko pero nang makita ko ang gwapo niyang mukha ay parang hindi ko na kayang ialis ang mata ko sa kaniya.

May nakapa akong panghihinayang sa aking puso…

Ano kaya ang buhay ko ngayon kung hindi ako nag-aral sa Cebu at si Anjo ang aking pinili? Kami pa kaya hanggang ngayon?

Siguro, oo… sagot ko sa sarili kong tanong.

Pero pinili ko lang ang tama noon. Naging isip-bata lang si Anjo at pinapili niya ako.

Sana hindi mo na lang ako pinapili, Anjo. Sana hinintay mo na lang ako. Sana ay tayo pa hanggang ngayon… Puno ng lungkot na hayag ko sa aking sarili habang nakatingin sa kaniya.

“May dumi ba ako sa mukha?”

Napakurap ako nang mabilis nang biglang magsalita si Anjo. Saka ko lang napansin na palipat-lipat ang tingin niya sa unahan at sa akin.

“H-ha?” Iyon lang ang nasabi ko sa pagkabigla.

Mukhang nahuli niya akong tinititigan siya. Nakakahiya!

Nag-init ang magkabila kong pisngi at iniiwas ang tingin sa kaniya. Inilipat ko sa may bintana ang aking mata at napapahiyang tiningnan ang dinaraanan namin. Nasa express way na pala kami. Hindi ko na napansin dahil iba ang pinatutuunan ko ng pansin.

“Parang kanina ka pa kasi nakatingin sa akin. Baka kako may dumi sa mukha ko.” Kinabahan tuloy ako sa lakas ng boses ni Anjo. Baka magising si Lally sa likuran at marinig ito. Kung ano pa ang isipin ng asawa niya sa akin.

“A-ako? Hindi, a. Dito kaya ako nakatingin sa bintana. Baka lumagpas ako,” pangangatwiran ko.

“Ibig kong sabihin ay kanina. Nakatitig ka sa akin na parang may mali sa mukha ko.”

Talagang hindi siya titigil? 'Di ko napigilang tingnan si Lally sa may rearview mirror. Salamat sa Diyos at tulog pa rin siya. Nakahiga pa rin siya sa may likuran. Dahan-dahan lang ang pagpapatakbo ni Anjo dahil alam kong iniingatan nito ang asawang natutulog.

“Akala ko magbabayan-bayan ka. 'Buti nag-expressway ka. Mabilis lang ang biyahe.” Pag-iiba ko ng usapan. Wish ko lang ay huwag na do’ng ibalik ni Anjo ang topic. Matakot naman siya kay Lally!

“Hindi na. Pagod na kasi si Lally. Kailangan na niyang makauwi agad saka iinom pa siya ng gamot tapos ibabalik ko pa itong sasakyan sa pinaghiraman namin,” sagot niya. Mabuti at hindi na niya ako muling tinanong tungkol sa pagtitig ko sa kaniya.

CheatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon