Lally’s POV
WHAT the fuck! Ano ang ginagawa ng Ava na ito sa clinic ni Dr. Mario?
Actually, pina-plastik ko lang naman siya kaya mabait ako sa kaniya. Kung alam lang niya, iritang-irita ako sa pagmumukha niya dahil feeling ko ay may gusto pa rin siya kay Anjo hanggang ngayon. Napapansin ko iyon sa mga palihim na tingin niya sa asawa ko lalo na noong kumain siya sa bahay namin noon.
Pagkatapos naming mag-shopping ni Chonna ay kumain na kami. Matapos iyon ay naghiwalay na kami dahil gusto na niyang umuwi. Kaya ko na lang ang nagpunta dito sa clinic ni Dr. Mario. Nandito ako para gawin ang suggestion ni Chonna. Malay ko nga naman kung pumayag si Dr. Mario, 'di ba?
“Kumusta ka na, Lally?” Nilapitan niya ako sabay upo sa tabi ko.
“'Eto, may sakit pa rin. Anong ginagawa mo dito?”
“Pina-check up ko lang ang anak ko pero pauwi na rin kami.”
“Ganoon ba? Sayang naman… Aayain pa sana kitang magkape sa labas o kaya milk tea. Kwentuhan tayo. Na-miss kaya kita!” Ang balak ko kasi ay inisin si Ava. Mag-uusap kami pero iinggitin ko lang siya. Parang ang sarap kasing mang-inis ngayon lalo na’t hindi ko pa rin nalalaman kung sino ang kabit ng asawa ko. Sa kaniya ko na lang ilalabas ang sama ng loob ko.
“Sayang. Gusto ko sana kaya lang may kasama akong bata, e,” aniya.
“Edi, doon na lang tayo sa bahay ninyo. Okay lang naman siguro doon, 'di ba?”
Sandali siyang nag-isip saka ngumiti na parang nag-aalinlangan. “S-sige. Doon na lang. Hintayin ka na lang namin…”
“'Ayan! Kukuha lang ako ng gamot. Mabilis lang ako. Promise! Wait lang, ha?” Isang plastik na ngiti ang pinakawalan ko bago ako pumasok sa office ni Dr. Mario.
“Kilala mo pala iyong babae na iyon? Kaano-ano mo siya?” tanong sa akin ni Dr. Mario pagkatapos niyang isarado at i-lock ang pinto.
Maarte kong itinirik ang aking mata. “Oo! Ex iyon ng asawa ko. Nakakaasar nga, e!” Nilapitan ko ang lalaking doktor at binigyan agad siya ng halik sa labi. “Na-miss kita, dok!” Malandi kong anas habang namumungay ang mga mata.
“Aba… Bakit parang ang lambing mo yata ngayon, Lally? Anong meron?”
“Wala lang. Miss lang kita!” Kinuha ko ang dalawa niyang kamay at ipinatong sa aking dibdib. Ipinalamas ko iyon sa kaniya at nang dakmain ko ang kaniyang pagkalalaki at matigas na agad iyon. “Alam ko, na-miss mo rin ako!” Isang pilyang ngiti ang sumilay sa aking labi habang dahan-dahan akong lumuluhod sa harapan niya.
“Oo naman, Lally! Miss na rin kita!”
“Dok, ako muna pasyente mo today, ha. I-inject-an mo ako, please!” Malandi kong turan.
Pagkaluhod ko ay binuksan ko ang zipper ng pantalon niya. Inalis ang sinturon at ibinaba ko ang pantalon at brief niya.
-----ooo-----
MATIIM kong pinagmamasdan si Dr. Mario habang nagbibihis siya. Kakatapos lang namin magtalik at sinigurado kong ginalingan ko. Tapos na akong magbihis. Pagkatapos niya ay nilapitan niya ako at ngumiti siya ng malaki.
“Iba ang perfomance mo ngayon, a. Lumampas yata ako sa langit sa sarap!” puri niya sa akin.
“Talaga?” Bumubwelo lang ako para sabihin sa kaniya ang pakay ko.
“Oo. Kung ganiyan ka lagi, matutuwa ako lalo sa iyo. Teka, kukuha ka ng gamot mo, 'di ba?”
Idinikit ko ang sarili ko sa kaniya. “Oo sana…” Pinalambing ko ang aking boses. Ipinatong ko ang mga kamay ko sa magkabila niyang balikat. “May sasabihin sana ako sa iyo.”
BINABASA MO ANG
Cheaters
RomanceNaghiwalay noon sina AVA at ANJO dahil sa kagustuhan ni Ava na makapagtapos sa pag-aaral. At sa paglipas ng maraming taon ay muli silang nagtagpo. Ngunit hindi na pwede ang lahat sa kanilang dalawa. Kapwa sila nakatali na ngunit hindi masaya sa kani...