Lally's POVPATULOG na kami ni Anjo ng gabing iyon. Nakahiga na ako sa kama habang siya ay kinukuha pa ang mga gamot na dapat kong inumin bago matulog. Dumating siya na dala na ang mga gamot at isang basong tubig. Ang basong ginamit niya ay ang baso na sinasabi kong paborito ko. Hindi iyon transparent at babasagin. Plastic lang iyon na kulay pink. Iniabot niya ang mga iyon sa akin.
"Inumin mo na ito para makatulog na tayo," aniya.
"Salamat..." Inilagay ko na sa loob ng bibig ko ang tatlong piraso ng gamot at nagkunwaring umiinom ng tubig. Pero ang totoo ay iniluwa ko sa loob ng baso ang mga gamot. Kaya ang basong iyon ang sinasabi ko kay Anjo na gamitin niya tuwing magpapainom ng gamot sa akin ay upang hindi niya makita na iniluluwa ko lang ang mga gamot sa loob ng baso.
"Akin na 'yan," tukoy niya sa baso.
Umiling ako. "Humiga ka na. Ako na ang magbabalik nito sa kusina. Hindi ka pa rin ba sanay sa akin? 'Di ba, ako palagi nagbabalik nito?" Kailangang ako talaga ang magbalik para hindi niya mabuking ang ginagawa ko sa mga gamot.
Nagpunta ako saglit sa kusina para itapon sa lababo ang gamot. Madali din naman kasing mapaniwala si Anjo. Katulad na lang no'ng mga bote ng alak na nakita niya. Hindi na niya ako inuungkat tungkol doon sa takot niya na sumakit ulit ang ulo ko at mawalan na naman ako ng malay. Ang galing kaya ng acting ko do'n! Paniwalang-paniwala talaga siya sa akin kapag nagda-drama ako.
Pagbalik ko sa kwarto namin ay tumabi na ako sa kaniya. Nakatagilid siya sa gawi ko kaya niyakap ko siya mula sa kaniyang likuran. "Thank you, Anjo! Salamat at hindi mo ako iniiwan..." sabi ko sa kaniya at ipinikit ko na ang mata ko para matulog.
Kailangan ko ring matulog agad dahil alam ni Anjo na nakakatulog ako ng mahimbing kapag ininom ko ang mga gamot na iyon. Kaya lang hindi ko alam kung bakit hindi ako dalawin ng antok ng gabing ito. Gising na gising ang diwa ko. Parang gusto kong lumabas pero hindi pwede.
Hanggang sa sumapit na ang hatinggabi ay gising na gising pa rin ako. Naririnig ko ang mahinang hilik ni Anjo. Mabuti pa siya, nakatulog na. Samantalang ako, hindi pa.
Hay! Nakakainis naman!
Lumipas pa ang ilang oras. Saka lang ako nakaramdam ng antok kung kailan madaling araw na. Ipinikit ko na ang mata ko. Naramdaman ko na bumangon si Anjo mula sa pagkakahiga. Iminulat ko nang kaunti ang aking mata para makita ko kung bakit siya bumangon.
Nakaupo siya sa gilid ng higaan. Hawak ang cellphone at parang mag tini-text. O baka meron siyang ka-text? Sino naman kaya ang iti-text niya ng ganitong oras? Sobrang aga naman!
Hanggang sa tumayo siya at lumabas ng kwarto. Tahimik akong tumayo at sumilip sa pinto at nakita ko siya na nasa salas at parang may tinatawagan. Nakalagay kasi sa tenga niya ang cellphone niya, e. Baka sa trabaho lang. Masyado naman akong nagduda kay Anjo. E, alam kong hindi ako kayang lokohin ni Anjo dahil sa kalagayan ko na akala niya ay meron akong sakit at malapit nang mamatay.
Makabalik na nga lang ulit sa higaan para makatulog na ako!
"Gusto mo bang pumunta ako diyan ngayon?" Natigilan ako sa pagbalik ko sa higaan nang marinig ko ang pagsasalita ni Anjo. Kahit pabulong pa ang pagsasalita niya ay nadinig ko pa rin iyon dahil sobrang tahimik ng paligid. "Tulog na si Lally. Uminom siya ng gamot at kapag umiinom siya niyon ay inaantok siya. Mahimbing ang tulog niya. Side effect 'yon ng gamot niya."
Sandali... Sino ang kausap niya na pupuntahan niya?
Mas lalo akong nakinig nang mabuti...
"Oo. Gusto ulit kitang makita, e. Saka itutuloy natin iyong kanina! E, nabitin tayo kanina. Saka baka hindi muna tayo makapagkita sa mga susunod na araw gawa ng trabaho ko. Alam mo naman na umaga ang trabaho ko tapos sa iyo ay gabi."
BINABASA MO ANG
Cheaters
RomanceNaghiwalay noon sina AVA at ANJO dahil sa kagustuhan ni Ava na makapagtapos sa pag-aaral. At sa paglipas ng maraming taon ay muli silang nagtagpo. Ngunit hindi na pwede ang lahat sa kanilang dalawa. Kapwa sila nakatali na ngunit hindi masaya sa kani...