Last Chapter (Part One)

9K 147 18
                                    

NOTE: Hinati ko po sa two parts ang LAST CHAPTER dahil medyo mahaba. Salamat :)








Ava's POV






MAS lalo akong nakinig sa usapan nina Dr. Mario at Lally. Hanggang sa pangalawang pagsilip ko ay nakita ko sila sa aktong magtatalik na. Hindi ko na kinaya ang mga nakita ko kaya napaatras ako. At sa pag-atras ko ay hindi ko nakita na may upuan pala sa likuran ko. Naurungan ko iyon at umusog iyon. Kinabahan ako dahil baka narinig nila sa loob ang ingay na nilikha ko lalo na at bahagyang nakaawang ang pinto.

Kailangan ko nang makaalis dito! Tili ng utak ko.

Pagtalikod ko ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. "Mrs. Madriaga, nandito ka na pala!" Napahinto ako nang marinig ang boses ni Dr. Mario mula sa aking likuran. Hindi ko alam kung haharap ba ako sa kaniya o magpapatuloy na lang sa pag-alis.

"O-opo, dok. Napaaga po yata ako," kabado na ako ng sandaling iyon.

"Ah! Iyong vitamins nga pala ni Baby Eris. Kukunin mo na ngayon, 'di ba?" Marahan akong humarap sa kaniya. Siya lang ang nakita ko at wala si Lally. "Teka lang, ha. Nasa stockroom kasi sa ibaba. Kukunin ko lang. Hintayin mo na lang ako dito."

"Hindi na po!" Mabilis kong sagot. "Paalis na rin kasi ako, dok. Dumaan lang talaga ako para sabihin na hindi ko na kailangan iyong vitamins na ino-offer ninyo. May nakuha na kasi akong magandang vitamins para kay Eris." Pagsisiningaling ko para makaalis na ako. Hindi ko alam pero nararamdaman ko na may hindi magandang mangyayari.

Kahit alam kong kasama niya sa loob ng silid na pinanggalingan niya si Lally ay nagulat pa rin ako nang lumabas mula doon si Lally. "Bakit naman aalis ka agad, Ava? Kunin mo na iyong vitamins ni Dr. Mario. Sayang ang pagpunta mo dito. 'Di ba, dok?" Nagkatinginan ang dalawa at ngumiti sa isa't isa.

Sigurado ako, alam nilang narinig ko ang pinag-usapan nila sa loob at nakita ko ang ginagawa nila. Kung ganoon ay niloloko din ni Lally si Anjo!

"W-wala kasing kasama si Eris-"

"Wala akong pakialam! Walang aalis, Ava! Dito ka lang." Walang anu-ano'y biglang naging mabalasik ang mukha ni Lally. "Nasabi na naman siguro sa iyo ng asawa ko na inaahas mo na alam ko na ang ginagawa ninyo, 'di ba? Nakakadiri ka! Mamaya ka na umalis. Gusto ko pa ng... confrontation scene!" Ngumiti pa siya sa akin.

Natigilan ako sa sinabi niya. Sinasabi ko na nga ba, ganito ang mangyayari kapag nagharap kami ni Lally.

Pilit kong tinapangan ang aking mukha at pagsasalita. "At bakit, Lally? Anong pinagkaiba ng ginagawa namin ni Anjo sa ginagawa ninyo ni Dr. Mario? Mas nakakadiri ka dahil nanghihingi ka pa talaga ng pera sa kaniya! Pokpok ka, girl?" pang-aasar ko.

Siguro kung mas malinis siya sa akin ay magpapakumbaba pa ako. Hahayaan kong saktan niya ako. Hubaran pa niya ako at ibalandra sa labas. Kaya lang, mas madumi pa pala siya kesa sa akin. Tapos kung makapagsalita siya ay parang nakalimutan na niya ang gagawin sana nila ni Dr. Mario kanina!

"Hindi ako pokpok!"

"Kahit ano ka pa, malalaman ni Anjo ang lahat ng ito, Lally! Lalo na iyang pagpapanggap mo na may sakit ka! Hindi ka na naawa sa asawa mo. Halos makuba na sa pagtatrabaho para lang pangtustos sa sakit mong hindi naman totoo! Kaya humanda ka oras na sabihin ko kay Anjo lahat ng sikreto mo!" Matapang kong sabi sabay talikod upang lumabas na ng clinic.

"Hayop kang kabit ka!" gigil niyang sigaw.

Naramdaman ko na lang ang paghablot ni Lally sa buhok ko. Hinila niya ako pabalik at nawalan pa ako ng balanse. Paupo akong bumagsak sa sahig. Hindi na ako nakaumang nang hawakan niya ako sa magkabilang braso.

CheatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon