CHEATERS' SOUNDTRACK
Unfaithful (Rihanna)Renzo’s POV
TAPOS na akong makapagbayad ng kasalukuyang hospital bills ni Eris. Ipinalipat ko rin siya sa isang private room dahil kanina ay nasa ward siya. Binantayan ko siya doon ng ilang minuto kasama ang nanay ni Ava na tila naiilang akong kausapin. Pero sinabi niya na masaya siya na bumalik na si Ava sa akin. Sa pakikitungo niya sa akin ay mukhang hindi sinabi ni Ava sa kaniya ang mga ginawa ko noon. Iyong pananakit ko sa kaniya at iyong ginawa ko siyang pambayad ng utang ko. Kasi kung sinabi iyon ni Ava ay baka sinaktan na ako ng nanay niya. Kahit papaano ay nagpapasalamat pa rin ako kay Ava dahil doon.
Sa mg araw na wala si Ava sa bahay ay doon ko napagtanto ang kahalagahan niya sa buhay ko. Doon ko na-realize na mahal na mahal ko siya at sobrang sama ko para saktan niya ng sobra noon. Tama lang na tawagin niya akong demonyo dahil iyon naman talaga ako.
Naging malungkot ang bawat pagdaan ng mga araw at parang wala akong ganang kumilos nang umalis siya noon dito sa bahay namin. Basta gigising lang ako at kakain at pagkatapos ay babalik na sa pagtulog. Parang walang saysay ang mabuhay nang wala siya. Alam kong hindi pa ako magaling sa sakit ko pero ginagawa ko ang lahat para gumaling na. Para hindi ko na siya masaktan kapag umiinit ang ulo ko. Talagang ginagawa ko ang lahat para makapagbago at ma-win back ang aking asawa.
Kaya lang nakakalungkot na malaman na gusto na niyang ipa-annul ang kasal naming dalawa. Iyon ang naging motivation ko na mas ipakita sa kaniya na nagsisikap akong magbago. Baka sa sandaling makita niya na nagbago na nga ako ay magbago ang isip niya at hindi na niya ituloy ang balak niyang annulment.
Medyo nainip na ako sa paghihintay kay Ava na dumating sa ospital. Ang sabi niya kasi ay pupunta siya doon upang bisitahin kahit saglit si Eris at pagkatapos ay didiretso na siya sa kaniyang trabaho pero hanggang ngayon ay wala pa siya.
Umalis na ako sa ospital dahil medyo nag-aalala na rin ako kay Ava. Tini-text ko siya kung nasaan na siya pero wala siyang reply. Nang subukan kong tawagan ang cellphone niya ay busy naman. Mukhang may kausap siya. Kaya nagdesisyon na lang ako na umalis ng ospital at tingnan kung nasa bahay pa siya.
Pagdating ko sa bahay ay nagtaka ako dahil hindi naka-lock ang gate. Ibig sabihin ay nandito pa siya. Hindi pa siya nakakaalis.
Dire-diretso ako hanggang sa makarating ako sa main door. Pati iyon ay hindi naka-lock kaya nabuksan ko agad iyon. Luminga ako sa paligid pero hindi ko nakita si Ava.
“Ava? Nasaan ka?” Medyo nilakasan ko ang pagsasalita upang marinig niya.
Walang sumagot.
Una kong pinuntahan ang kusina at banyo pero wala siya doon. Ah, sigurado na ako. Nasa itaas siya sa kwarto namin. Umakyat na ako at nang bubuksan ko na ang pinto ng kwarto ay napakunot-noo ako dahil naka-lock iyon. Kumatok ako pero walang nagbubukas mula sa loob.
Inilabas ko na lang ang sarili kong susi at nang ipasok ko iyon sa keyhole ay natanggal na ang pagkaka-lock. Pero nang itulak ko iyon ay hindi pa rin nabuksan. Sa tingin ko ay naka-double lock iyon sa loob. Nasa loob si Ava. Imposible naman na wala siya doon dahil sino ang mag-do-double lock ng pinto.
Mahina kong kinatok ang pinto. “Ava, pakibukas naman.” Hula ko ay natutulog siya.
Wala pa ring sumasagot. “Ava?” Muli kong tawag na may kasamang pagkatok. Sa pagkakataon na ito ay medyo nilakasan ko na.
BINABASA MO ANG
Cheaters
RomanceNaghiwalay noon sina AVA at ANJO dahil sa kagustuhan ni Ava na makapagtapos sa pag-aaral. At sa paglipas ng maraming taon ay muli silang nagtagpo. Ngunit hindi na pwede ang lahat sa kanilang dalawa. Kapwa sila nakatali na ngunit hindi masaya sa kani...