Chapter 19

8.4K 149 13
                                    


Ava’s POV









NAPAGKASUNDUAN namin ni Renzo na pumunta sa mama niya ngayon kahit puno pa siya ng mga pasa at sugat. Alam kong napipilitan lang siya pero wala na rin naman siyang pagpipilian. Ito na lang ang paraan na naiisip ko para makakuha agad kami ng malaking halaga ng pera. Marahil magagalit si Gloria kay Renzo ngunit ina pa rin ito at hindi nito makakayang tiisin ang nag-iisa nitong anak.

Habang nagbibihis ako sa kwarto ay biglang pumasok si Renzo. Isang bestidang kulay baby pink ang napili kong isuot. Bagsak ang balikat ni Renzo habang papalapit sa akin.

Nagsusuklay na ako sa harap ng salamin. “Bakit hindi ka pa nakabihis? Aalis na tayo pagkatapos ko,” tanong ko. Naka-pambahay pa rin kasi siya. Akala ko ay naliligo na siya sa ibaba pero mukhang hindi pa pala.

“Hindi na tayo pupunta kay mama,” aniya na ikinagulat ko.

Huminto ako sa pagsusuklay ng buhok. “Renzo, akala ko ba ay nakapag-usap na tayo kanina? Wala na tayong choice kundi humingi ng tulong sa mama mo. Lunukin mo na lang muna 'yang hiya mo. Sana naman ay makinig ka sa akin kahit ngayon lang,” nanghihina kong sabi.

“Hindi na natin kailangan ang tulong niya.”

Napakunot-noo ako. “Anong ibig mong sabihin?” Nagtataka kong tanong.

“Dahil may tutulong na sa akin. May magpapahiram sa akin ng kalahating milyon.”

“Ha? Totoo? Sino naman?”

“Kaibigan ko noong college.”

“Baka problema lang ang dala niyan, ha. Baka katulad lang iyan ni Mr. Martin na tuso at gigipitin ka.”

“Hindi, Ava. Mabait ang taong iyon. Magkaibigan kami noon pa. Nagpunta lang siya sa Canada kaya hindi na kami nagkikita pero umuwi siya noong isang araw at sinabi ko sa kaniya kanina ang problema ko. Tutulungan daw niya ako. Handa siyang pahiramin ako ng perang kailangan ko.”

Matiim kong tiningnan si Renzo sa mata. Sa tingin ko ay nagsasabi siya ng totoo. Tumango-tango ako. “Mabuti pala kung ganoon. Edi, hindi na tayo pupunta sa mama mo?” Umiling siya bilang sagot. “Sige. Magpapalit na ako ng pambahay.”

Paalis na ako sa harap ng salamin nang pigilan niya ako. Hinawakan niya ako sa isang braso. May pagtataka akong napatingin sa kaniya.

“'Wag ka nang magpalit dahil may kailangan kang puntahan,” aniya.

“Ako lang? Bakit? Saan?” Hindi ko siya maintindihan.

Tumango si Renzo. “H-hindi ko kasi kayang lumabas ng ganito ang hitsura ko kaya sinabi ko doon sa kaibigan ko na ikaw na lang ang kukuha ng pera. Ngayon lang kasi siya pwede dahil bukas ay may lakad na siya. Nakakahiya naman kung siya pa ang mag-a-adjust sa atin, e, tayo ang may kailangan sa kaniya…”

“Bakit kailangang ako? Hindi ko nga kilala ang kaibigan na sinasabi mo, e.”

“Ibibigay ko sa iyo ang pangalan niya at address. Heto…” Isang maliit na papel ang iniabot ni Renzo sa akin na kinuha ko agad.

Binasa ko sa aking isip ang nakasulat sa papel. Isang Jessa Benitez ang nakalagay at isang address ng isang private resort sa Pansol, Laguna ang nakalagay. “Bakit sa resort ako pupunta?” takang tanong ko.

“Nagbabakasyon siya doon. 'Wag kang mag-alala dahil kasama niya ang asawa at mga anak niya. Hindi ka matatakot na magpunta doon.”

Huminga ako nang malalim. May alinlangan pa rin kasi ako sa iniuutos ni Renzo sa akin. “Pero pwede bang samahan mo pa rin ako? Kahit mag-face mask ka na lang at cap. Hindi na makikita ng ibang tao iyang—”

CheatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon