Chapter 03

13K 234 13
                                    


Ava’s POV








ALMOST three weeks…

Tama. Almost three weeks na pala kaming hindi nagsisiping ni Renzo. E, kasi naman pag-uwi niya ay pagod siya. Ako naman ay pagod din sa maghapong pag-aasikaso kay Eris at paggawa ng mga gawain dito sa bahay. Gustuhin ko man na mag-sex kami ay kapwa na kami pagod at mas pipiliin na lang namin na magpahinga at matulog. Hindi kaya iyon ang reason kung bakit mainit palagi ang ulo ni Renzo sa akin?

Baka kulang lang siya sa… sex?

Tinapos ko agad ang paghuhugas ng aming pinagkainan. Nilinisan ko na si Eris at inilagay sa crib niya. Nang kampante na siya sa pagdede sa bote ay sarili ko naman ang isinunod kong asikasuhin.

Before ako pumasok sa banyo para maligo ay nasa salas pa si Renzo. Nanonood ng palabas sa telebisyon. Hindi pa siguro siya inaantok kaya may oras pa ako para maghanda.

Pagkapasok ko sa banyo ay naghubad na ako ng aking damit at isinampay iyon. Binuksan ko ang gripo na may timbang nakasahod. Ugali ko na ang maligo bago matulog dahil ito lang talaga ang time ko para maglinis. Hindi na kasi ako nakakaligo maghapon dahil sa pagbabantay sa anak namin.

Nag-shampoo ako. Nagsabon at nagkuskos ng balat. At hindi lang basta-bastang sabon ang ginamit ko ngayon. Iyong imported na roses ang scent. Binilisan ko na lang at baka antukin na si Renzo. Siyempre, hindi ko nakalimutan ang mag-toothbrush at mag-mouthwash.

Lumabas ako ng banyo na nakatapis ng tuwalya. Nasa salas pa rin si Renzo.

“Pakidala ng tuwalya ko sa banyo. Liligo na rin ako,” utos niya.

“Okay.” Matipid kong sagot sabay punta sa kwarto.

Oo. Gusto kong makipagtalik ngayong gabi sa aking asawa. Baka kasi iyon ang dahilan kung bakit mainit ang ulo niya sa akin kasi hindi ko na siya masyadong napagbibigyan. Baka kapag naging madalas ang aming pagsi-sex ay bumalik ang dating init ng aming pagmamahalan.

Sana lang ay maging effective ang naiisip kong ito!

Kinuha ko na ang tuwalya ni Renzo. Pero dahil alam kong hindi pa niya iyon gagamitin ay nagbihis muna ako. Isang kulay red na bikini panty ang isinuot ko. Hindi na ako nag-bra. Pinatungan ko na lang iyon ng sobrang nipis na nighties na kulay white. Hanggang hita ko ang haba. Sa nipis niyon ay aninag talaga ang aking katawan lalo na ang aking red bikini panty. At siyempre ang aking dibdib.

Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin na nakalagay sa dingding. May kurba pa ang aking beywang. Hindi kasi masyadong nagbago ang katawan ko kahit nanganak na ako. Sa tingin ko ay kaakit-akit pa rin naman ako.

Huminga ako nang malalim. Kinuha ang tuwalya ni Renzo at naglakad na ako papunta sa banyo.

Kumatok ako. “Renzo, nandito na ang tuwalya mo,” sabi ko.

Hindi siya umimik. Bumukas ang pinto ng banyo at kapwa kami napanganga nang makita ang isa’t isa. Si Renzo, alam ko kung bakit. Iyon ay dahil sa suot ko. Ako naman ay dahil sa walang saplot si Renzo. Ngayon ko lang yata ulit nakitang hubo’t hubad ang asawa ko. Nakabitin ang kamay niya na aabot sa tuwalya.

Napansin ko ang pagkabuhay ng pagkalalaki niya nang makita ang aking ayos.

Napalunok ako. May kalakihan kasi ang kay Renzo. Sa totoo lang.

“R-renzo… Tuwalya mo?”

Imbes na ang tuwalya ang hawakan niya ay ang kamay ko ang ginagap ni Renzo. Impit akong napasigaw sa gulat nang hilahin niya ako papasok ng banyo at isinara ang pinto.

Isinandal niya ako sa dingding. Titig na titig siya sa mukha ko.

“Renzo…” anas ko.

Bigla niya akong sinibasib ng halik. Doon na ako tuluyang nilamon ng apoy. Nilabanan ko ang mapanuksong halik ni Renzo. Nagsalo ang aming mga laway. Naglaban ang aming mga dila. Talagang makikita sa halik namin ang pagkasabi sa isa’t isa.

CheatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon