Chapter 39

8.3K 163 12
                                    

Ava’s POV









PARANG pinagbagsakan ako ng langit at lupa nang tumawag sa akin si Anjo upang sabihin na alam na ni Lally ang tungkol sa aming dalawa. Mabuti na lang ay nasa kwarto ako habang nasa salas si Renzo nang tumawag siya kaya hindi niya narinig ang pag-uusap namin ni Anjo. Kasama niya doon si Eris. Umakyat agad ako nang tumawag si Anjo.

Sinasabi ko na nga ba, tama ang hinala ko na may alam na si Lally. Inaasahan ko nang darating ang araw na ito kaya lang hindi ko inaasahan na ganoon kabilis. Hindi pa ako handa. Lalo na at malaki ang posibilidad na malaman na rin ni Renzo ang lahat. Paano kung idemanda niya kami ni Anjo? Pwedeng-pwede niyang gawin iyon kung gugustuhin niya. Nang malaman ko na alam na ni Lally ay natakot ako sa mga susunod na mangyayari. Kaya naisip ko na itigil na namin ni Anjo ang relasyong meron kami ngayon. Sa tingin ko kasi ay iyon ang pinaka magandang gawin naming dalawa. Kaya lang ayaw niyang makipaghiwalay sa akin. Ayaw niyang itigil namin ito dahil pinanghahawakan niya ang ipinangako namin sa isa’t isa.

Pero paano kung tama ako na pinagtagpo kami para ma-realize na wala na kaming pag-asang dalawa? Pagkaputol ni Anjo sa tawag niya ay eksaktong bumukas ang pinto at pumasok si Renzo na buhat si Eris. Medyo nagulat pa ako dahil hindi man lang siya kumatok.

“Napatulog ko na pala si Eris…” Nakangiting sabi ni Renzo.

Maingat niyang inilagay ang anak namin sa crib. Hindi pa umalis si Renzo sa tabi ng crib. Masuyo niyang pinagmasdan ang natutulog na si Eris. Parang ngayon ko lang nakitang nagawa niyang patulugin ang anak namin. Magiliw naman siya noon kay Eris pero ito ang first time na nagtiyaga siyang kargahin at patulugin si Eris.

“Hindi ko na alam kung kailan ang unang beses na napatulog ko si Eris. Nakakatuwa pala na magpatulog ng anak,” ani Renzo. Hindi niya inaalis ang pagkakatingin sa anak namin.

Nakatitig lang ako kay Renzo. Kung naging mabuting asawa kaya siya dati at nagtagpo kami ulit ni Anjo, mahuhulog pa kaya ulit ako kay Anjo? Isang katanungan na parang hindi ko kayang sagutin.

Siguro, kung ikukwento ko sa ibang tao ang kwento namin ni Renzo at kung bakit ko nagawang magkaroon ng ibang lalaki ay maiintindihan ako ng marami. Baka sabihin pa nila na tama lang na hiwalayan ko si Renzo at sumama na lang kay Anjo dahil hindi mabuting asawa si Renzo. Pero gaya nga ng sinabi ko, ang mali ay mali. Oo, alam ko ang tama at mali pero kapag puso na ang kalaban mo ay malaki ang posibilidad na mas piliin mo ang mali kasi doon ka masaya.

Biglang tumingin si Renzo sa akin kaya iniba ko ang direksyon ng mata ko. “M-maliligo na muna ako. Sa salas na lang ako matutulog. Ikaw na lang dito sa kwarto basta bantayan mo na lang nang maayos si Eris,” sabi ko.

“Hindi ba pwedeng magtabi na lang ulit tayo? Promise! Hindi na mauulit iyong nangyari noong isang gabi.”

“Mas gusto ko sa salas. Kasya naman ako sa sofa.”

“Okay. Sige.” Itinaas niya ang dalawang kamay at ibinaba din. “Ako na doon sa salas at ikaw na dito sa kwarto. Doon muna ako matutulog hangga’t hindi mo ako napapatawad. Iyon ang parusa ko sa ginawa ko sa iyo.”

“Good!” sabi ko at lumabas na ako ng kwartong iyon para maligo sa ibaba.

Balak kong matulog na agad pagkatapos kong maligo upang maaga akong magising bukas ng umaga. Aagahan ko kasi ang pagpunta sa clinic ni Dr. Mario para kunin iyong vitamins ni Eris.



-----ooo-----


Lally’s POV









MARAHAN kong ibinukas ang aking mga mata. Ang puting kisame ang una kong nakita. Mahina akong umungol dahil parang hindi ko pa magawang igalaw ang aking katawan. Para bang may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa aking buong katawan. Ang tanging naigagalaw ko lang ay ang bilog ng aking mata. Hindi ako pwedeng magkamali—nasa clinic ako ni Dr. Mario.

CheatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon