Chapter 37

6.5K 129 15
                                    

Lally’s POV









NANGINIG ang buong katawan ko sa katotohanang sumampal sa mukha ko. Gusto kong kunin ang cellphone ni Ava at sagutin ang text ni Anjo. Gusto kong sabihin na alam ko na ang lahat ng panggagago nila sa akin ng haliparot niyang babae!

Ang buong akala ko ay mabubwisit ko si Ava kaya ako sumama sa bahay niya pero iyon naman pala ay ako ang mabubwisit sa aking natuklasan. Hindi lang bwisit kundi galit at poot!

Si Ava ang kabit ng asawa ko! Kulang na lang ay sumabog ako sa sobrang galit ng sandaling iyon. Gusto kong sugurin si Ava sa itaas at saktan para iparamdam sa kaniya ang nararamdaman ko ngayong sakit. Gusto ko siyang pagsalitaan ng masama pero pinigilan ko ang aking sarili. Umuusok na talaga ako sa galit!

Dahil sa pangamba ko na baka kung ano ang magawa ko kapag nakita ko ulit si Ava ay umalis na lang ako ng bahay niya ng walang paalam. Pero bago ako umalis ay isinalang ko muna iyong tubig, asukal at saging. Nilakasan ko ang apoy. Talagang itinodo ko!

Bahala na iyon. Sana ay masunog iyon at sumabog. Pagkatapos ay magkaroon ng sunog sa bahay niya at hindi na siya makalabas. Para naman may idea na siya kung anong mangyayari sa kaniya sa impyerno. Sigurado ako na doon ang punta niya.

Sobrang sikip ng dibdib ko. Oo, iniisip ko na may gusto pa rin si Ava sa asawa ko pero kahit minsan ay hindi sumagi sa isip ko na pwedeng siya ang kabit ni Anjo. Naaasar ako sa kaniya pero hindi ganoong babae ang tingin ko sa kaniya. Puta! Totoo nga ang sabi ng iba na huwag magpapaloko sa panlabas na anyo ng isang tao. Akala mo kung sinong anghel pala itong si Ava kung magsalita at kumilos. Ubod ng hinhin! Iyon pala ay hinhin-dutin ang putang babae na iyon!

Hayop siya! Sobrang kati niya!

Alam naman niyang may asawa na si Anjo pero pinatulan pa rin niya. Maging siya ay may asawa. Hindi ba siya tinatablan ng konsensiya niya? Kung demonyo ako, mas demonyo pa pala sa akin ang Ava na iyon!

Wala akong ideya kung paano ako nakarating sa bahay namin. Sobrang gulo ng utak ko. Tila may makapal na ulap na nakatakip sa aking paligid. Pagkapasok ko ay malakas kong isinarado ang pinto. Sa lakas ay nalaglag ang wedding picture namin ni Anjo na nakasabit malapit sa pintuan. Nabasag ang salamin niyon nang tumama sa semento.

Napatingin ako doon habang hinihingal. Walang anu-ano’y pumatak ng kusa ang aking mga luha. Naglandas iyon sa aking pisngi papunta sa aking leeg.

“Mga hayop kayooo!!!” Napopoot kong sigaw. Wala akong pakialam kung marinig ako ng mga kapitbahay. Ang gusto ko lang ay mailabas ko ang nasa dibdib ko—ang galit at sakit.

Nanghina ang mga tuhod ko. Nawalan iyon ng lakas kaya napaupo ako sa sahig habang humahagulhol. Ganito pala kasakit kapag nalaman mong may ibang babae ang asawa mo at nakumpirma mong totoo. Pinagtatawanan ko dati iyong napapanood ko sa telebisyon na ang OA ng reaksyon nila kapag nahuhuli nilang may iba ang kanilang asawa. Ngayong ako na ang nakakaranas ay totoo pala iyon. Iiyak ka talaga. Manghihina ka talaga.


-----ooo-----


Ava’s POV









DAHIL sa hindi na mapatahan si Eris sa pag-iyak ay kinarga ko na siya. Nagugutom na yata siya. Ipagtitimpla ko muna siya ng gatas sa ibaba. Bumaba ako habang karga siya. Nasa hagdan pa lang ako ay parang may naaamoy na ako na parang nasusunog. Dahil doon ay nagmadali akong bumaba.

“Lally, nasusunog na yata iyon niluluto mo!” Malakas kong sabi. Kaya lang hindi ko siya nakita sa kusina. Kahit sa banyo ay wala siya.

Pinatay ko ang apoy sa gas stove. Sunog na sunog na iyong saging. Nangingitim na iyon.

CheatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon