Chapter 13

9.3K 179 12
                                    

Ava’s POV









“BAKIT ang kalat dito?” May kunot sa noo na tanong ni Renzo nang pumasok siya sa kusina namin. Kakauwi lang niya mula sa trabaho. Puro harina ang ibabaw ng lamesa, maraming disposable tupperware ang naroon at tambak ang hugasan sa lababo.

Ngumiti ako sa kaniya at sinalubong siya. “Nag-aral kasi akong gumawa ng graham cake at graham balls sa Youtube para ibenta ko online. May mga orders na agad at bukas ay idi-deliver ko. Pandagdag din natin sa iniipon nating pera…” sagot ko kay Renzo.

Tumango lang siya. Halata ang pagod sa mukha. “Ganoon ba? May hapunan na ba tayo?” Walang gana niyang tanong matapos umupo.

“Meron na. Nagluto ako ng tortang talong. Iyong kanin ay paluto na. Magpalit ka muna ng damit mo tapos maglilinis na ako dito. Para makakain na tayo.”

Hindi na umimik si Renzo. Tumayo siya at bagsak ang balikat na lumabas ng kusina.

May awang humaplos sa puso ko habang pinapanood siyang umakyat ng hagdan. Hindi niya maikakaila na malaki ang problemang dinadala niya. Alam ko iyon dahil asawa ko siya. Ilang taon na rin kaming magkasama. Natatakot din ako sa pwedeng mangyari sa kaniya kapag hindi kami nakaipon ng sapat na pera upang pambayad sa utang niya. Kaya ginagawa ko talaga ang lahat para kumita ng pera. Sa ngayon ay kulang na lang kami ng one hundred thousand at meron na lang kaming isang linggo para makahanap ng ganoong pera.

Talagang hindi ako nagdalawang-isip na tulungan si Renzo dahil ako ang asawa niya. Kahit pa sinasaktan niya ako noon ay mas nanaig pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya. Isa pa, nauunawaan ko na kung bakit niya ako nasasaktan noon. Iyon ay dahil sa malaki ang problemang dala niya. Mabuti na lang at nalaman ko iyon. Dahil kung hindi ay baka hindi na siya talaga makabayad.

Huwag kang mag-alala, Renzo. 'Andito lang ako palagi sa tabi mo… bulong ko nang mawala na siya sa mata ko.

Huminga ako nang malalim at inumpisahan na ang paglilinis ng lamesa. Naghain na ako ng aming hapunan. Eksaktong pagbaba ni Renzo ay nakahain na ang aming pagkain. Pagkaupo niya ay sinimulan ko na siyang asikasuhin. Nilagyan ko ng kanin at ulam ang pinggan niya. Ang baso niya ay sinalinan ko ng malamig na tubig. Siya talaga ang inuuna ko bago ako kumain.

Umupo na rin ako pagkatapos at nagsimulang kumain.

Hanggang sa napansin ko na parang wala siyang ganang kumain dahil kakaunti lang ang subo niya. Nakayuko pa siya na para bang tinatamad.

“Hindi ba masarap ang tortang talong ko? Maalat ba?” tanong ko.

Umiling ito. Nakayuko pa rin.

“E, bakit parang ayaw mo ng ulam natin? Paborito mo iyan, 'di ba?”

Ibinagsak niya ang kutsara’t tinidor sa plato. “Hindi ko kayang kumain ng maayos! Paano ako makakain kung isang linggo na lang ay kailangan ko nang makabayad kay Mr. Salazar?! Shit!” Natutuliro nitong sabi.

“Kumikilos naman tayo, 'di ba? Gumagawa naman ako ng paraan. Lahat nga ng gamit ko ay naibenta ko na halos. Pati pagbebenta ng pagkain ay ginagawa ko na, Renzo. Ang gusto ko lang ay huwag kang panghinaan ng loob—”

Napapitlag ako nang malakas na hinampas ni Renzo ang ibabaw ng lamesa. “Anong gusto mong sabihin?! Na utang na loob ko sa iyo 'yang ginagawa mo?! Bakit?! Kusang loob kang nagprisinta na tulungan ako, 'di ba?! Bakit parang sinusumbatan mo ako, Ava?!” galit na bulyaw niya.

Nalilito akong umiling. “R-renzo, hindi…” Iniisip ko kung may mali ba akong sinabi para magalit siya bigla ng ganoon.

“Hindi, e! Masyado kang mapagmalaki!” dinuro pa niya ako.

CheatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon