Chapter 25

9.3K 146 12
                                    

Anjo’s POV










PUPUNGAS-PUNGAS ako nang magising ng umagang iyon. Sandaling bumukas ang mata ko pero pumikit din agad dahil sa mabigat ang pakiramdam ko. Medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kagabi. Para sa akin ay madami na ang isang bucket ng beer at isang bote ng hard na drinks. Hindi kasi ako sanay uminom.

Sa totoo lang, ayaw ko talagang uminom kagabi kaya lang wala rin kasi akong gagawin at hindi ako makatulog. Kaya uminom na lang din ako. Pinagbigyan ko lang din talaga si Lally sa gusto niyang iwanan ko muna siya kahit ang weird lang ng sinabi niyang kailangan naming mag-isip na dalawa. Kasi ako, wala akong dapat pag-isipan. Kahit nahihirapan ako sa pag-aalaga sa kaniya lalo na’t ako lang mag-isa ang gumagawa niyon ay kinakaya ko para sa kaniya.

Pero teka, nanaginip ako kagabi. Napanaginipan ko si Ava at ang weird lang na sa panaginip ko ay nagtatalik kami. Parang totoo nga ang lahat kasi ramdam ko iyong balat niya, ang halik niya… basta lahat-lahat ay parang totoo. Bakit kaya ako nanaginip ng ganoon? Ah, baka dahil sa palagi ko siyang iniisip nitong mga nakalipas na araw. Kaya lang hindi ba pwedeng nag-uusap kami sa panaginip ko o hindi kaya ay namamasyal? Kailangang nagtatalik talaga?

Haaay… Anong oras na ba? Saka parang wala ako sa higaan namin ni Lally. Iba ang pakiramdam ko sa kwartong kinaroroonan ko.

Doon ko na ibinukas ang aking mga mata at nagulat ako nang malamang wala nga ako sa kwarto namin ni Lally kundi nasa parang isang motel. Tama! Ito yata iyong motel na pinagdalhan ko noon kay Ava noong makita ko siya sa isang private resort. Ibig sabihin ay hindi ako umuwi kagabi at dito ako dumiretso? Wala akong matandaan, e!

Bumangon na ako at napa-aray ako nang kaunti nang kumirot ang ulo ko. Ito ang problema kapag naparami ang inom ko, e. Hang over… Pagtanggal ko ng kumot na nakabalot sa ibabang bahagi ng katawan ko ay doon ko napagtanto na wala akong saplot.

Paglinga ko sa paligid ay nakita ko ang damit ko na nakasampay sa tapat ng electric fan. Ano ba talaga ang nangyari kagabi?

Ipinilig ko ang ulo ko at napabaling sa kaliwa ang aking mata.

Parang sasabog ang ulo ko nang may makita akong babae sa tabi ko! Nakatagilid siya at nakatalikod sa gawi ko kaya hindi ko makita kung sino siya.

Shit! Shit! Anong ginawa ko?! Naguguluhang tanong ko sa aking sarili.

Mas lalo akong kinabahan nang gumalaw ang babae at pumaling paharap sa akin. Ganoon na lang ang pagkagulantang ko nang malaman kong si Ava ang babaeng katabi ko sa kama. Sa pagkakabalot niya ng kumot sa kaniyang katawan ay parang katulad ko rin siyang walang kahit na anong suot.

Nang ibukas niya ang mata niya ay wala akong nakitang gulat bagkus ay lungkot ang aking nakikita. Kung ganoon, hindi panaginip ang pakikipagtalik ko kay Ava?!


-----ooo-----


WALA kaming imikan ni Ava habang nagbibihis. Magkatalikuran kaming dalawa habang nakaupo sa may gilid ng kama.

Ngayon ay nag-si-sink in na sa utak ko ang lahat ng nangyari kagabi. Nagkaroon na rin ng linaw ang lahat sa akin. Natatandaan kong lasing na lasing akong lumabas ng bar kung saan nagtatrabaho si Ava. Madaling araw na iyon. Pagkatapos ay napasandal ako sa poste ng ilaw at nakita ako ni Ava. Tinulungan niya ako at dinala sa motel na ito. Natatandaan ko din na tumayo ako para umihi at magmumog. Bumalik ako sa kama pero napadagan ako kay Ava at nangyari na ang hindi dapat mangyari.

“D-dinala kita dito dahil hindi ko alam kung saan ka nakatira,” basag ni Ava sa katahimikan.

“S-salamat, Ava.” Matipid kong tugon.

CheatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon