Ava’s POVNAGDADALAWANG-ISIP pa rin ako kung sasabihin ko na ba kay Anjo o huwag muna na nandito na ako ngayon ulit sa bahay namin ni Renzo. Baka magalit siya sa akin at umayaw na agad siya. Pero kung papatagalin ko pa ito ay baka mas magalit siya kasi hindi ko agad sinabi sa kaniya.
“Hayaan mo, ipagdadasal ko na sana ay maging okay na si Eris. Uso kasi talaga iyang dengue. Kahit dito sa lugar namin ay maraming tinatamaan niya,” ani Anjo. “Ah, Ava, pwede bang magkita tayo mamaya? Kahit pagka-out mo sa work mo?”
“Anong oras ba ang out mo ngayon? Gusto ko sana na ngayon na tayo magkita, e,” turan ko.
“Pwede namang mag-out na ako ngayon. Papayagan naman ako. Teka, na-miss mo ako, 'no? Ikaw talaga! Miss na rin naman kita. Miss na miss! Sobra!”
Hindi ko magawang ngumiti sa paglalambing niya. “Sige. Ngayon na lang. May sasabihin kasi ako sa iyo na importante.”
“Ganoon ba? Okay. Sa bahay ninyo na lang kita pupuntahan o sa labas tayo?”
“Hindi. Dito mo ako puntahan sa bahay namin ni Renzo. Nandito ako ngayon… Ibibigay ko sa iyo ang address.”
“Ha? Bakit diyan? Anong ginagawa mo diyan?” Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sobrang kaba. Halata sa boses ni Anjo na parang naiinis siya ng kaunti. “Ava?” untag niya sa hindi ko pagsagot.
Huminga ako nang malalim. “B-basta pumunta ka na lang dito. Hihintayin kita, Anjo. Bye…” At pinutol ko na ang tawag na iyon.
Nanghihinang napasandal ako sa upuan sabay buga ng hangin. Ito na ang kinakatakutan ko. Sana naman ay maintindihan ni Anjo ang desisyon kong bumalik sa poder ni Renzo. Hindi ko naman ito ginawa nang wala lang. Ginawa ko ito para sa buhay ng anak ko…
Maya maya ay tumayo na ako at naligo. Bago iyon ay ti-next ko na rin kay Anjo ang address ng bahay namin pati na ang direksyon ng pagpunta dito. Matapos maligo ay nagpalit na ako ng malinis na damit. Eksaktong tumawag ulit si Anjo at sinabi niyang nasa labas na siya. Nagmamadali ko siyang pinuntahan at pinagbuksan ng gate. Palinga-linga pa muna ako at baka may makakita sa amin. Mahirap na. Baka magsumbong pa kay Renzo. Kapansin-pansin ang nakabusangot na mukha ni Anjo. Alam kong hindi maganda ang mood niya dahil sa sinabi ko na dito kami magkikita.
“Tuloy ka…” sabi ko pagkabukas ko ng gate.
Pumasok siya at saka ko isinara ang gate. Nagpatiuna ako sa paglalakad habang siya ay nakasunod. Sa salas sana kami mag-uusap pero nandoon pa ang mga ginamit ko sa paglilinis kaya naisipan kong sa kwarto sa itaas na lang. Inaya ko doon si Anjo. Walang imik siyang sumunod.
Pagdating sa kwarto ay isinara ko ang pinto pero hindi ko na ni-lock. Pagharap ko ay nakatayo lang si Anjo at diretsong nakatingin sa akin.
“Ano 'yong sasabihin mo at bakit kailangang dito talaga sa bahay ni Renzo?” seryoso niyang tanong. Malamig ang tono ng pananalita niya.
Nilapitan ko siya at hinawakan ang dalawang kamay. “Anjo, sana ay maintindihan mo ang mga sasabihin ko sa iyo. Sana ay maging malawang ang pang-unawa mo. Ayokong magsinungaling sa iyo at ayokong patagalin pa ito…” huminto ako saglit upang humugot ng lakas ng loob. “D-dito na kasi ulit ako nakatira—kaming dalawa ni Eris!” Pag-amin ko.
Kumunot ang noo ni Anjo. “Anong sabi mo?” Hindi makapaniwalang bulalas niya. “Bakit? Ang akala ko ba ay hiniwalayan mo na si Renzo? Paano natin maaayos ang sa ating dalawa kung binalikan mo na pala siya? Ano pang silbi ng nangyari sa atin, Ava?!” May halong pagdaramdam niyang wika.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa mga kamay niya. “Makinig ka muna sa paliwanag ko, please. Nang magkasakit si Eris ay kailangan namin ng pera. W-wala kami ng nanay at tatay ko. Si Renzo ang nilapitan ko. Magbibigay daw siya pero may kondisyon siya at iyon ay ang pagbabalik ko dito—”
BINABASA MO ANG
Cheaters
RomanceNaghiwalay noon sina AVA at ANJO dahil sa kagustuhan ni Ava na makapagtapos sa pag-aaral. At sa paglipas ng maraming taon ay muli silang nagtagpo. Ngunit hindi na pwede ang lahat sa kanilang dalawa. Kapwa sila nakatali na ngunit hindi masaya sa kani...