Ava’s POV
KAY bilis ng tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin ni Anjo. Huminto ang mata niya sa akin. Parang bumalik kaming dalawa sa nakaraan—iyong kami pang dalawa. Sa panahon na nangangarap pa lang kami. Ngayon ay magkaiba na ang landas na aming pinuntahan. Hindi ko inaasahan na may asawa na pala siya. Ang buong akala ko ay hindi na siya nagkaroon ng relasyon nang magkahiwalay kaming dalawa noon.
Ang ganda mo naman kung ganoon, Ava! Sabi ko sa sarili.
Bakit ko ba iniisip na single pa rin siya hanggang ngayon? Dahil ba baka may pag-asa pa kaming dalawa? Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito. May asawa na ako!
Ano ba kasing nakakapagtaka na may asawa na siya ngayon? Malamang, nasaktan ko siya noon. Maghahanap siya ng taong magpapahilom sa sugat na iniwan ko. Doon niya siguro nakilala ang asawa niya ngayon. At doon na rin ako tuluyang nabura sa puso niya.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib nang maisip kong hindi na ako ang mahal ni Anjo.
Iniiwas ko ang mata ko sa kaniya at tumingin ako kay Renzo. “Pupunta lang ako sa CR,” pagpapaalam ko.
Pagtango niya ay nagmamadali na akong tumayo at halos patakbong tinungo ang daan papuntang CR. Pagpasok niya ay pumunta agad siya sa isang cubicle. Isinara niya iyon at humihingal na napaupo sa toilet bowl. Napahawak siya sa dibdib dahil parang hindi niya kayang pabagalin ang kabog niyon.
“Ano ba ito? Hindi ko dapat ito nararamdaman. Hindi…” bulong ko.
Marahil ay wala kaming closure ni Anjo kaya ko ito nararamdaman. Pero hindi ibig sabihin ay mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Si Renzo na ang mahal ko. Siya ang pinakasalan ko. Iyong amin ni Anjo ay matagal nang natapos. Mga bata pa kami noon.
Pumikit ako at nag-inhale at exhale nang mabagal. Inulit-ulit ko hanggang sa bumalik na sa normal ang tibok ng aking puso. Saka ako tumayo at lumabas ng cubicle.
Natigilan ako saglit nang paglabas ko ay may isang babae akong naabutan na nakaharap sa salamin at nag-aayos ng make up niya. Nakita niya ako sa pamamagitan ng salamin at ngumiti siya. Natatandaan ko siya. Siya iyong asawa ni Anjo na naka-wheel chair. Nakita ko siya na katabi ni Anjo sa inalisan nitong upuan nang umakyat ito sa stage.
“Hi!” Ang babae ang unang bumati sa akin.
Napalunok ako ng laway. “H-hello.” Hindi naman niya siguro alam kung sino ako sa buhay ng asawa niya noon, 'di ba? Hindi naman siguro ako naikukwento ni Anjo sa asawa niya.
Lumapit ako sa kaniya at tiningnan ang sarili ko sa malaking salamin. Inilabas ko ang aking compact powder sa handbag na bitbit ko. Nagpawis kasi ako kanina at medyo naging oily ang mukha ko kaya kailangan kong mag-powder.
“Maganda ang gown mo.”
Muli akong napahinto sa sinabi niya. “Salamat! 'Yong sa’yo rin… maganda.” Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko.
“Isa ka ba sa classmates ni Anjo?” tanong niya.
Sinasabi ko na nga ba. Siya 'yong asawa ni Anjo. In all fairness, maganda siya. Para ngang walang sakit sa unang tingin. Medyo payat nga lang. Bigla tuloy akong na-insecure dahil mas payat siya sa akin. Simple lang ang gown niya pero litaw na litaw ang ganda niya.
“Ah, oo.” Matipid kong sagot.
Sa totoo lang, naiilang ako. Ex kasi ako ni Anjo tapos kinakausap ko ang asawa niya. Ang awkward lang tingnan. Kung hindi nga lang kabastusan ay hindi ko na siya sasagutin. Dedma na lang. Bahala siyang magsalita nang magsalita. Pero nakakaawa din naman kasi. May sakit nga pala siya. Kaya nga tutulungan siya ng batch namin, e.
BINABASA MO ANG
Cheaters
RomanceNaghiwalay noon sina AVA at ANJO dahil sa kagustuhan ni Ava na makapagtapos sa pag-aaral. At sa paglipas ng maraming taon ay muli silang nagtagpo. Ngunit hindi na pwede ang lahat sa kanilang dalawa. Kapwa sila nakatali na ngunit hindi masaya sa kani...