Anjo’s POV
“MAY brain tumor ang wife mo, Mr. Chavez. Grade 3. Grade 3 brain tumors are cancerous and contain actively dividing abnormal brain cells. It grows quickly at pwedeng madamay ang ibang tissues sa brain niya… May mga treatment akong isasagawa sa kaniya para hindi lumala ang kalagayan niya pero kailangan ninyo ng malaking halaga ng pera…”
May awang humaplos sa puso ko habang pinagmamasdan ko ang mukha ni Lally. Nakasandal siya sa aking balikat at mahimbing na natutulog. Nakasakay kami sa bus at pauwi na kami sa bahay. Kita ko sa mukha niya ang pagod. Galing kami ng ospital sa bayan at pina-check up ko siya dahil ilang linggo nang sumasakit ang ulo niya. Hindi lang basta-basta sumasakit. May pagkakataon pa na sa sobrang sakit ng ulo niya ay naglalaway siya at nawawalan ng malay. Natakot na ako kaya kahit ayaw niya ay dinala ko siya sa ospital para magpatingin sa doktor. At iyon nga. Na-diagnose na meron siyang Grade 3 brain tumor.
“Doon na kita dadalhin sa private hospital, Lally…” sabi ko bago kami pumunta sa bayan.
Umiling siya. “Anjo, huwag na doon. Mahal ang check-up doon, e. May alam akong maliit na ospital. Kaibigan ng tatay ko ang doktor doon kaya pwede tayong makahingi ng discount…” aniya.
“Pero mas maganda kung sa maayos na ospital—”
“Anjo, sige na. Doon na lang. Alam kong kapos na tayo ngayon. Marami pa tayong babayaran sa katapusan ng buwan, 'di ba?”
At dahil sa naisip ko rin ang mga bayarin namin ay sa tinutukoy ni Lally na ospital na lang kami nagpunta ng araw na iyon. Parang hindi nga iyon ospital kundi isang clinic lang.
Habang hinihintay namin ni Lally ang result ng mga test sa kaniya ay panay ang dasal ko na sana ay normal na sakit lang iyon ng ulo. Ngunit halos gumuho ang mundo ko nang malaman ko ang totoong kalagayan ng aking asawa. May sakit siya na maaari niyang ikamatay at kailangan namin ng malaking halaga ng pera para sa pagpapagamot niya.
Saang kamay ng Diyos ako kukuha ng pera para sa sakit ni Lally?
Hindi ko na nga alam kung paano ko pagkakasyahin ang kinikita ko bilang waiter sa isang restaurant. Puro na ako OT sa trabaho pero kapos pa rin kami. Ang dami naming kailangang bayaran every month. Upa sa bahay, kuryente, tubig at ibang utang. Pang-araw-araw pa na pangangailangan namin tapos 'eto pa, may sakit pa ang asawa ko. Hindi naman kami pwedeng humingi ng tulong sa pamilya namin dahil kahit sila ay hirap din sa buhay.
Kung noon ay ninanais kong magkaroon na kami ng anak, ngayon ay parang ipinagpapasalamat ko pa na hindi muna kami niyon binibigyan ng Diyos. Dahil baka hindi ko rin maibigay ang maginhawang buhay sa anak namin dahil sa sitwasyon namin ngayon.
Nagtatrabaho din noon si Lally sa isang salon. Nagme-make up siya doon. Pero nang magsimula nang sumakit ang ulo niya ay hindi na siya nakapasok. Hanggang sa tanggalin na siya ng mag-ari ng salon dahil naaapektuhan na ang negosyo nito sa hindi pagpasok ni Lally.
Magtatlong taon na kaming kasal ni Lally. Nagkakilala kami sa birthday ng pinsan niya na girlfriend ng isa kong kaibigan. Isinama ako ng kaibigan ko. Inuman daw sa bahay ng nobya nito. Sumama ako ng araw na iyon dahil wala naman akong gagawin sa bahay. Doon ko nakilala si Lally. Kami ang pinagtabi dahil kapwa kami single. Biniro-biro. Tinuksu-tukso.
Maganda si Lally. Maputi, makinis ang balat at palaging nakaayos. Hindi ganoon katangkad pero maganda. Nagustuhan ko ang pagiging masayahin niya. Malakas siyang tumawa at walang arte sa katawan. Sa inuman pa lang ay naramdaman kong gusto ko na siya.
Bumuhos ang alak ng gabing iyon. Hindi na namin kayang umuwi ng kaibigan ko kaya doon na kami natulog. Ang natatandaan ko ay sinundan ko si Lally sa kwarto na pinuntahan nito. May nangyari sa amin ng gabing iyon. Walang sisihan dahil kapwa namin ginusto.
![](https://img.wattpad.com/cover/200508985-288-k515927.jpg)
BINABASA MO ANG
Cheaters
RomanceNaghiwalay noon sina AVA at ANJO dahil sa kagustuhan ni Ava na makapagtapos sa pag-aaral. At sa paglipas ng maraming taon ay muli silang nagtagpo. Ngunit hindi na pwede ang lahat sa kanilang dalawa. Kapwa sila nakatali na ngunit hindi masaya sa kani...