Chapter 15

9.3K 165 20
                                    

Ava’s POV




OO nga. Monthsary nga namin ngayon ni Renzo! Sa dami ng mga ginagawa ko ay nakalimutan ko na. Kung kailan naman nag-effort pa siya ay saka ko pa nakalimutan ang importanteng araw na ito sa buhay naming mag-asawa.

Sinundan ko si Renzo sa paglabas ng kwarto. “Renzo, sorry. Ang dami ko kasing ginagawa kaya nakalimutan ko!” sabi ko habang nakasunod sa kaniya pababa ng hagdan.

“Talagang magkasama pa kayo ng ex mo sa araw ng monthsary natin, ha!” sagot niya. Hindi niya ako nililingon. Pabalang siyang umupo sa sofa. Inabot ang remote ng TV at binuksan iyon. Nilakasan niya ang volume.

Hindi ko alam kung tatabi ba ako sa kaniya kaya mas pinili ko na lang na tumayo sa may gilid niya. “Pasensiya na talaga. Hindi ko intensiyon na makalimutan ang monthsary natin. Sana maunawaan mo na marami lang talaga akong ginagawa,” patuloy pa rin ako sa paghingi ng tawad sa kaniya. Hindi na niya ako pinapansin. Nakatutok lang ang mata niya sa telebisyon.

Feeling ko tuloy ay wala akong kwentang asawa.

“Ano bang gusto mong gawin para mapatawad mo ako, Renzo? Magsabi ka lang…”

Tumingin siya sa akin. Walang ekspresiyon ang mukha niya. “Sige. Kung gusto mong makabawi sa akin, kumpletuhin mo ngayong linggo ang pambayad ko sa utang na kalahating milyon! Kaya mo?” Natigilan ako saglit sa sinabi niya.

“P-parang imposible naman yata iyan, Renzo. Ilang araw na lang at matatapos na ang week na ito.”

“Hindi mo kaya?”

“Renzo…”

Inilagay niya ang dalawang kamay sa likod ng ulo. “Okay. Hindi mo pala kaya. So, magtiis ka na hindi kita kakausapin. Kinalimutan mo ang monthsary natin, 'di ba? Pwes, iyan ang parusa mo!” sabay patong ng dalawang paa niya sa center table.

Ayokong hindi na ulit niya ako kakausapin. Kasalanan ko rin naman kung mangyayari iyon. Alam kong masakit sa kaniya na nakalimutan ko ang monthsary namin kaya ganoon ang mga nasasabi niya. Nag-effort pa siya sa pagbili ng bulaklak at cake para sa espesyal na araw na ito. Halos ubusin na ako ng konsensiya ko ng sandaling iyon.

Huminga ako ng malalim at tumango. “Okay, sige. Gagawan ko ng paraan ang kulang sa kalahating milyon hanggang matapos ang linggo na ito. Ako ang bahala,” sabi ko kahit hindi ako sigurado.

Lumiwanag ang mukha ni Renzo. “Talaga?” Tumango ako. “Iyon naman pala, e. Edi, tapos ang usapan. Okay na sa akin kahit nakalimutan mo ang monthsary natin. Ilabas mo nga 'yong mga beer sa ref. Gusto kong uminom ngayon. Saka magluto ka na rin ng pulutan.”

“Beer? Sa pagkakatanda ko ay naubos na. Gusto mo ibili na lang kita sa tindahan?”

“Bumili ako kanina. Marami iyon. Saka bumili din ako ng pangsisig. Lutuin mo.”

May sayang umusbong sa puso ko. “Mag-iinom tayong dalawa? Magce-celebrate tayo dito sa bahay? Sabagay, mas tipid iyon kesa sa lumabas tayo at—”

“Hindi. Papunta na mga katrabaho ko. Mag-iinom kami dito sa bahay kaya magluto ka na at nakakahiya kung pagdating nila ay wala pang pulutan.”

“Ganoon ba? Sige…” Parang bula na pumutok sa hangin ang nangyari sa kasiyahan ko.

Ang akala ko pa naman ay kaming dalawa ang mag-iinom. Iyon naman pala ay sila ng mga katrabaho niya. Pero baka gusto lang niyang mag-alis ng stress.

Kumilos na ako. Nagpunta na ako sa kusina para lutuin ang sisig na request ng asawa ko.


-----ooo-----


CheatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon