Chapter 32

7.4K 145 8
                                    

Lally’s POV








“PAKYU silang dalawa! Huwag lang sila magpapahuli sa akin dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa kanila! Mga hayop sila! Lalo na ang babaeng iyon kung sino man siya! Kakarmahin din siyang lintek siya!” Gigil na gigil kong sambit habang nasa bahay ako ni Chonna.

Nag-iinom kami ng umagang iyon. Kailangan ko kasi talaga ng mapaglalabasan ng sama ng loob ko at ang pag-inom ang alam kong makakatulong upang makalimot ako saglit. Pagkaalis ni Anjo sa bahay para matrabaho ay agad kong inaya si Chonna na mag-inom. Mabuti na lang at wala na ang nanay niya sa apartment niya kaya nakakapag-inom kami ngayon dito.

Naikwento ko na agad sa kaniya ang mga nangyari.

Tinagayan ako ni Chonna sa shot glass. Pagkabigay niya niyon sa akin ay diretso kong ininom agad. Wala nang chaser-chaser!

“Friend, bakit ka ba nagagalit? 'Di ba, ikaw din naman, niloloko mo si Anjo with that Dr. Mario? Parehas lang kayong naglolokohan!” Pairap-irap na sabi ni Chonna.

Nainis ako sa sinabi niya kaya hinila ko ang buhok niya.

“Ouch naman!” igik niya.

“Pasmado din 'yang bunganga mo, e! FYI, magkaiba kami ng reason, 'no. Ginagawa ko lang iyon para hindi niya ako iwanan!”

“Okay. Sabi mo, e! So, ano na ang plano mo ngayon, friend?”

“Edi, ano pa ba? Kung hindi alamin kung sino ang babae ni Anjo. Sigurado na talaga ako na meron siyang kabit, e. Ang kailangan ko na lang gawin ay ebidensiya at malaman kung sino ang kabit niya!” Kulang na lang ay umusok ang ilong ko sa sobrang galit.

“Ay, bet ko iyan!” Malakas na pumalakpak ang kaibigan ko. “Kapag susugod ka, isama mo ako, ha. Ivi-video ko ang pagsasabunutan ninyo ng kabit ng hubby mo. Iu-upload ko sa Facebook para mag-trending. Dadami na ang followers ko!” Tuwang-tuwa na ininom ni Chonna ang tagay niya.

“Tama! I-video mo kung paano ko kalbuhin ang babaeng iyon para makita ng buong mundo na napakalandi at kati niya!” Naniningkit ang mata na sabi ko.

“Pero, friend, ang sabi mo ay hindi mo napigilan si Anjo noong nagpunta siya sa ospital. Sa tingin mo ba ay doon niya kinita 'yong kabit niya?”

“Malamang! Tanga ka ba, Chonna?! Kaya nga gigil na gigil ako kasi paniguradong nagchuk-chakan silang dalawa doon! Mga walang pang-motel! Sa ospital pa talaga! Talagang humanda sa akin ang babaeng iyon! Hayop siya! Maninira siya ng pamilya—” Napangiwi ako nang may maramdaman akong kirot sa bandang tiyan ko.

Para akong sinuntok ng malakas sa parteng iyon. Napakapit tuloy ako nang mahigpit sa braso ni Chonna dahil mas tumitindi ang sakit.

“O, friend, anong nangyayari sa iyo?” takang tanong niya.

“A-ang sakit ng… dito ko!” Itinuro ko ang parteng masakit. Baka sa sobrang galit ko ay may sumakit sa akin.

“Natatae ka ba? Nasusuka?!”

Sinabunutan ko si Chonna. “Gaga! Hindi!”

Pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim. Mabagal akong nag-inhal at exhale. Paulit-ulit hanggang sa unti-unti nang nawala ang sakit na naramdaman ko. Nawala ang gusot sa mukha ko. Normal na akong huminga dahil nawala nang tuluyan ang sakit. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit na iyon sa parte ng aking katawan.

“Okay ka na, friend?” Nag-aalalang tanong ni Chonna.

Tumango ako. “Oo. Ang sakit kanina, e…”

“Hindi kaya kinukulam ka ng kabit ni Anjo?!”

“Gaga! Walang ganoon. Subukan lang niya akong ipakulam dahil ipapabarang ko siya. Ipapasara ko ang kiki niya para hindi na siya pakinabangan ng asawa ko!”

CheatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon