NOTE: Finally! 'Eto na ang last part ng CHEATERS. Gusto ko lang mag-thank you sa mga readers ng kwentong ito, sa matiyagang naghihintay ng update at walang sawang nagko-comment at nagbibigay ng votes. Sobrang thank you! Dahil sa inyo ay ginanahan ako na ipagpatuloy ang kwentong ito. Sa totoo lang, noong una ay nag-alinlangan ako kung isusulat ko ba ang ganitong uri ng nobela. Dalawang bida kasi ang magchi-cheat na hindi pangkaraniwan. Pero itinuloy ko pa rin kasi curious ako sa kung paano tatanggapin ng readers sina Anjo at Ava. At nakakatuwa lang na marami sa inyo ang apektado sa katangahan ni Ava, kademunyuhan ni Lally, sa pagiging mapusok ni Anjo at sa pabago-bagong ugali ni Renzo at sa mga naging desisyon nila sa buhay. Alam ko, hindi lahat ay magugustuhan ang ENDING ng istoryang ito pero sana kahit papaano ay may makuha kayong LESSON sa isinulat kong ito. Enjoy reading!
Renzo’s POV
EXCITED akong umuwi ng bahay dahil makikita ko na sa wakas pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho ang aking mag-ina. Alam ko, buo na ang desisyon ni Ava na ipa-annul ang aming kasal pero umaasa pa rin ako na kapag nagbago ako ay magbabago din ang isip niya. Kaya kahit mahirap sa akin ay pilit kong binabago ang aking sarili. Kahit madalas ay gusto kong magalit sa tuwing binabalewala niya ako ay pinipigilan ko ang aking sarili. Matinding pagko-kontrol sa emosyon ang aking ginagawa. Natatakot din kasi ako na masaktan ko siya gaya ng dati. Katulad na lang noong isang gabi. Medyo nakainom ako kaya nawalan ako ng kontrol lalo sa aking kilos. Muntik ko na siyang pwersahin na makipagtalik sa akin. Mabuti na lang, kahit papaano ay nagawa kong tumigil. Patuloy pa rin naman ang medication at therapy session ko sa aking doktor at umaasa ako na sooner ay gagaling na talaga ako.
Finally ay nakauwi na rin ako. Kaya lang, bakit kaya patay ang ilaw sa loob ng bahay nang pumasok ako. Inisip ko tuloy na may surprise si Ava sa akin pero nang buksan ko ang ilaw ay doon ko nalaman na wala pala. Wala sila ni Eris sa buong kabahayan.
Tinawagan ko siya pero nagri-ring lang ang cellphone niya.
Sa pagkakataong iyon ay naisip kong tawagan ang mga magulang niya. Nakausap ko ang nanay niya at ang sabi nito ay hindi pa sinusundo ni Ava si Eris sa bahay ng mga ito. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
Hindi na ako nagpalit ng damit at umalis din agad ako ng bahay. Ang una kong naisip na puntahan ay ang clinic kung saan ko siya inihatid kanina. Doon ako mag-uumpisa sa paghahanap kung nasaan siya. Pagdating ko doon ay naka-closed na pero bukas pa ang ilaw sa loob. Pagsilip ko pa ay may nakita akong isang lalaki. Kumatok ako nang kumatok hanggang sa pagbuksan ako ng lalaki.
“Sorry pero closed na ang clinic ko,” sabi ng lalaki na sa tingin ko ay si Dr. Mario. Nasa may pinto kasi ang pangalan niya.
“Hindi naman po ako magpapa-check up o ano. May hinahanap lang akong tao, sir.”
“S-sino?” Napansin ko ang pagkabulol niya. Halata din ang pagkabalisa niya. Nararamdaman ko ang malamig hangin dahil sa aircon pero pinagpapawisan siya. Dahil doon ay parang nagkaroon ako ng pagdududa sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Cheaters
RomanceNaghiwalay noon sina AVA at ANJO dahil sa kagustuhan ni Ava na makapagtapos sa pag-aaral. At sa paglipas ng maraming taon ay muli silang nagtagpo. Ngunit hindi na pwede ang lahat sa kanilang dalawa. Kapwa sila nakatali na ngunit hindi masaya sa kani...