Chapter 04

12.5K 228 12
                                    


Ava’s POV








IGINALA ko ang aking mata sa buong bulwagan ng hotel hanggang sa nakita ko si Renzo na nakaupo at may hawak na baso. Nag-excuse ako kina Oprah at sa asawa nito upang puntahan ang asawa ko. Umupo ako sa tabi niya at ngumiti kahit na nakabusangot ang gwapo niyang mukha.

“Bakit bigla ka na lang nawala sa tabi ko? Gusto ka sanang makilala ni Oprah. Siya 'yong nag-organize ng ball night na ito at—”

“Wala akong pakialam!” pabalang niyang sagot. Pigil ang paglakas ng boses niya.

Nagtataka akong natigilan. “May problema ba?”

Sinaklit niya ang braso ko. Natakot ako na baka may makakita sa amin na sinasaktan niya ako. “Akala mo ba ay natutuwa ako sa ginagawa mo, Ava? Isinama mo lang ba ako dito para gawing trophy? Ipinapakilala mo ako sa lahat para ano? Para inggitin sila na may asawa ka na katulad ko?” Pag-aakusa niya sa akin. Mas dumiin pa ang pagkakapisil niya sa aking braso.

“N-nasasaktan ako, Renzo—”

“Sumagot ka!” gigil niyang wika.

“Hindi, Renzo. Nagkakamali ka…”

“Kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo, hindi na ako sumama sa iyo dito!”

Gusto kong umiyak ng sandaling iyon pero alam kong hindi iyon tamang lugar para ilabas ang aking luha. Ayokong malaman ng mga kaklase ko na sinasaktan ako ni Renzo. Ayokong maging masama ang tingin nila sa asawa ko.

“Picture naman diyan, mga lovebirds!”

Binitawan ako ni Renzo nang dumating si Cheska habang may hawak na camera na nakatutok sa kanila. Inakbayan ako ni Renzo at ngumiti ng peke habang nakatingin sa camera. Ako naman ay ngumiti na rin at pilit na pinasaya ang mukha. Tatlong shots ang kinuha ni Cheska.

“'Ayan… Beautiful couple! Hindi na rin nakakapagtaka na lalo kang gumanda, Ava.” Kung alam lang ni Cheska ang pinagdadaanan ko sa mga kamay ni Renzo ay paniguradong babawiin niya ang kaniyang sinabi. “Oo nga pala, nandito na ang lahat kaya mag-start na ang program. Diyan lang kayo, ha. Ako kasi ang host and everything! Bye!” anito sabay alis.

Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa umakyat ito ng stage.

Umusog si Renzo palapit sa kaniya. “Uuwi na ako after one hour. Hindi ko na kayang mag-stay pa dito na kasama ka,” bulong niya.

Hindi ko na tiningnan si Renzo. “Ikaw ang bahala. Magko-commute na lang ako pag-uwi. Salamat…” sagot ko naman.

Upang hindi ako masyadong malungkot dahil sa naging asal ni Renzo sa akin ay nakinig na lang ako kay Cheska. Ipinakilala muna si Oprah na siyang gumastos sa lahat. “At siyempre, hindi ko naman makakalimutan ang reason kung bakit nagkaroon tayo ng ganitong event sa batch natin, 'di ba?” Pagpapatuloy ni Cheska. “Iyong kinita natin sa tickets ay ibibigay natin sa isa nating kaklase na nangangailangan ngayon. Oh, 'di ba? Nag-enjoy na kayo, nakatulong pa kayo!”

Nagpalakpalakan ang lahat.

Curious na talaga ako kung sino ba ang kaklase namin na tutulungan namin.

“Okay. Bago magsimula ang party-party ay sasabihin ko na kung sino ba ang tinutukoy ko. Ang ating tutulungan ay walang iba kundi ang class escort ng batch natin, ang gwapong-gwapo, ang makisig at super yummy na si Anjo Chavez!”

Anjo Chavez?! Tili ng utak ko.

Pagkadinig ko sa pangalan na iyon ay awtomatikong bumalik ang utak ko sa nakaraan. Sa panahon kung saan naramdaman ko ang una kong pag-ibig...


CheatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon