Chapter 24

9.3K 158 10
                                    

Ava’s POV








SINASABI ko na nga ba, hindi mapagkakatiwalaan ang grupo ng mga lalaking ito. Simula kasi nang maranasan ko ang nakakahindik na karanasan na iyon kay Mr. Martin ay parang lumakas na ang radar ko sa mga lalaking hindi mapagkakatiwalaan.

“Bingi ka ba, miss? Ang sabi ko, pa-kiss! Isa lang. Bilis. Ang ganda-ganda mo kasi!” Nakangising turan ng lalaki.

“Wala! Hindi ka niyang iki-kiss!” Kantiyaw ng isa sa mga kasama nito.

Mukhang dini-dare nila iyong lalaki na kumakausap sa akin na halikan ako.

“Sir, kung wala po kayong kailangan or order ay aalis na po ako. Excuse po. Thank you!” sabi ko dahil gusto ko na talagang umalis sa harapan ng apat na ito. Pagtalikod ko ay bigla akong hinawakan no’ng lalaki sa braso ko.

“Sandali. Bastos ka, ah! Kinakausap ka pa namin!” anito sabay tayo.

Pilit akong nagpakamahinahon. “ Sir, ang hinihingi niyo po kasi ay wala sa menu. Kayo po ang bastos, sir, at hindi po ako,” pangangatwiran ko.

“Aba, ikaw ang bastos! Binabastos at ipinapahiya mo ako sa mga kasama ko! Para halik lang. Hindi ka na naman virgin panigurado!”

Kalma lang, Ava. Huwag kang papatol sa walang utak… ani ko sa sarili.

Pilit pa rin akong ngumiti. “Sir, lasing na po kayo. Umupo na po kayo. Baka gusto niyo po ng kape para mahimasmasan po kayo—” Muntik na akong mapasigaw nang agawin niya sa akin ang hawak kong tray at ibinalibag niya iyon sa sahig.

“Ikaw na babae ka, bastos ka! Customer ako kaya dapat ay pinagbibigyan mo ako!” bulyaw niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko nang biglang tumaas ang isa niyang kamay. Sasampalin niya ako kaya napapikit na lang ako. Inaasahan ko na ang paglagapak ng palad niya sa mukha ko pero hindi nangyari iyon. Nang imulat ko ang mata ko ay nakita ko na may isang tao na pumigil sa kamay ng bastos na lalaki.

“Bastos ka na nga, mananakit ka pa ng babae!” Tila tumalon ang puso ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

Anjo?! Tili ng utak ko. Naglakbay ang mata ko sa lalaking iniligtas ako mula sa lalaking nambabastos sa akin at hindi ako nagkamali. Si Anjo nga iyon! Ano naman ang ginagawa niya dito? Bakit siya nandito ngayon?

“Bakit ka ba nakikialam? Sino ka ba?!” galit na turan ng lalaki. Ipiniksi nito ang kamay pero hindi ito nakawala mula sa pagkakahawak ni Anjo.

“Ako lang naman ang asawa ng binabastos mo!”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Anjo. Gusto kong umapela pero kinilig na ako nang bahagya kaya hinayaan ko na lang siya. Saka effective iyong sinabi niya dahil parang mga asong bahag ang buntot na umupo iyong lalaki.

“S-sorry, pare. Akala ko kasi wala pang asawa 'yon,” paghingi pa nito ng paumanhin.

“'Wag ka sa akin humingi ng sorry kundi sa asawa ko!” Impit akong napasigaw nang hapitin ni Anjo ang beywang ko.

“Sorry, misis. Hindi na mauulit!”

“Dapat lang dahil ipapa-ban ko kayo dito para hindi na kayo makabalik!”

Umalis na kami ni Anjo sa harapan ng grupong iyon. Inihatid niya ako hanggang sa counter kung saan ang pinto papuntang kitchen ay nasa gilid lang niyon.

“Salamat, ha. Kung hindi ka dumating baka tuluyan na akong nabastos ng mga iyon,” sabi ko kay Anjo. Nakakapagtaka lang na sa tuwing nasa panganib ako ay palagi siyang nariyan. Sinasadya ba ito ng tadhana? Talagang pinagtatagpo kami?

CheatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon