Nilibot ko ang aking mata sa venue. Napaka engrande, pati na ang mga suot ng mga tao at higit sa lahat ang aking suot. Napangiti ako dahil sa pagbati ng mga tao sa akin habang naglalakad ako papunta sa altar. Nilingon ko si Mama Lourdes at nakita kong nakangiti rin siya sa akin ngayon.
"Ang ganda mo hija," ngumiti siya ulit.
Napatawa ako sa kanyang sinabi, "Salamat po."
Nang malapit na kami sa altar ay natatanaw ko na ang aking mapapangasawa. He's standing in the corner and seriously staring at me. Imbes na maging masaya ay parang may humati sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero iyon ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko kasi napakaswerte ko at tingin ko hindi ko ito deserve lahat. Mayaman sila, galing lang ako sa mahirap na pamilya.
Nagsimula na ang seremonya ng kasal pero wala pa rin ako sa aking pag-iisip. Lumilipad, lumulutang at higit sa lahat hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko ang mga nangyayari ngayon.
"Yvonne, do you take Jack Miguel as your lawfully wedded husband?"
"I do, father." walang pag aalinlangan kong sagot.
Naghiyawan kaagad ang mga tao. Alam na natin kung ano ang susunod na mangyayari kasi ito ang pinaka inaabangan ng mga tao sa kasal.
"You may now kiss the bride,"
Sabay kaming huminga ng malalim. Naiiyak na ako ngayon. Ganoon siguro kahirap, ano. Seryoso siyang nakatingin sa akin ngayon. Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon dahil ang hirap niyang basahin at napakamisteryoso niyang tao. Ngumiti na lang ako at ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa tumulo ang aking mga luha.
He kissed me. I think it wasn't a kiss. It was just a smack. Pagkatapos noon ay naghiyawan ulit ang mga tao. We waved at them as Father announced that we were officially Mr. and Mrs. Montealegre.
"Ba't ganoon lang, Migs? Where's the french kiss you promised?" sigaw ng kaibigan ni Jack mula sa crowd. I think it's Elton. I'm not sure.
Bumaba na kami at in-entertain ang aming mga guests. Pinandilatan siya ni Jack at natawa naman ako sa ekspresyon niya kahit hindi ko alam kung ano ang french kiss. He held my hand and pulled me towards him.
"What's funny, huh?" seryoso niyang saad. There's no humor in his eyes.
Umiiling agad ako, "Wala! Natawa lang ako sa reaksyon mo. Ano ba iyong french kiss?" kuryoso kong tanong.
Tumitig muna siya sa akin at nag-iwas ng tingin at hinila ang kamay ko patungo sa mga kasosyo niya sa negosyo.
Pagod na pagod kaming naupo sa mesa ng pamilya ni Jack. Biglang napawi ang pag-uusap nila at ibinaling sa amin ang kanilang tingin. I felt awkward and shy at the same time. I smiled timidly to them.
"'Wag na kayong magpapagod nang husto, may mamayang gabi pa mas nakakadrain iyon ng energy!" excited na sabi ni Fifi, pinsan ni Jack.
Para akong tinubuan ng hiya sa kanyang sinabi. Mygash. Hindi ko naiimagine ang sarili ko at siya... sa iisang kama... ginagawa ang dapat gawin ng mag-asawa.
"Basta Montealegre madaling makabuo iyan!" sigaw naman ng isang pinsan niya na si Lord.
Nagtawanan ang lahat ng tao sa table namin. Nakitawa na lang ako sa kanila para hindi ako mahiya lalo. Pwera na lang kay Jack na seryosong sumisimsim ng wine at nakatutok ang mata sa cellphone at agad naman itong pinatay nang makita niyang niyang nakatutok din ako sa cellphone niya.
"Business lang," bulong niya.
Sa pagkakabulong niyang iyon ay para akong nasa iisang lugar na ako lang ang tao. His voice was cold and at the same time concerned.

BINABASA MO ANG
In Between Spaces
RomanceJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...