Kanina pa ako gising at kasalukuyan akong nandito sa kwarto habang nagbibihis dahil may pupuntahan kami ngayon ni Alisa. Magpapacheck-up daw siya sa doktor and she asked me if pwede ba daw ako kaya um-oo ako dahil wala naman akong ibang lakad ngayon maliban nito. I'm just wearing a plain white v-neck shirt and a navy blue jeans. Nakaputing rubber shoes din ako kaya feeling ko ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon.
Dinala ko ang aking blue na sunglasses dahil sa init ng araw. Masakit sa mata kaya magdadala na lang ako nito upang proteksyon.
Naglagay ako ng kaunting pressed powder at lip tint. Ayoko ng lipstick dahil hindi ako masyadong mahilig noon. Tinali ko ang aking buhok upang maging ponytail ito at humarap ako sa salamin. Natawa ako sa itsura ko ngayon. Ang aliwalas ng mukha ko, ah. First time kong mag-ayos ng ganito.
Nakita ko si Jack na seryosong nagtitipa sa kanyang laptop sa aming dining room. Nakaputing sando lang siya at nakaitim na shorts kaya bakat na bakat ang kanyang malalaking bisig. Tumitig muna siya sa akin bago sumimsim ng kape at nagsalita.
"I'll just finish this. Give me two minutes." sabi niya sa akin at itinuon na ang atensyon sa kanyang ginagawa.
Tumango ako at nag-iwas ng tingin, "Sige, makakapag-antay naman si Alisa."
Sumimsim muna ako ng tubig bago ako lumapit sa kanya. He was very focused on what he was doing. Dumapo ang tingin ko sa malalaki niyang bisig. Siguro, ang bisig na ay iyan marami ng nabiktimang mga babae. Tumikhim ako upang walain iyong mga iniisip ko. Mukhang magkakasala yata ako nito ng wala sa oras.
Tiningnan ko ang kanyang tinitipa at napagtanto kong business report pala ang ginagawa niya. Sana pala ay hindi na siya nag-abala na ihatid pa ako. Nakakahiya sa kanya!
Matapos niyang patayin ang laptop ay agad kaming nagtungo sa kanyang kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nahihiya akong nagpasalamat sa kanya. Hindi ko alam kung ba't naiilang ako sa kanya ngayon. Siguro, dahil sa nahihiya din siya sa akin? Ewan. Hindi ko na talaga alam.
Ang kaninang suot niya sa bahay ay suot niya pa rin ngayon. Kung tutuusin, napakasimple lang ng bilyonaryong ito. Habang nasa byahe ay tinext ko si Alisa na papunta na ako sa bahay niya at ang gaga hindi nagreply. Baka wala lang sigurong load.
"Saan ang lakad niyo ngayon?"
Siya na ang bumasag sa katahimikan."Magpapacheck-up daw si Alisa sa kanyang OB. Buntis kasi."
Nanatiling nasa kalsada ang matatalim na mata ni Jack at seryosong nagmamaneho.
"Uuwi agad ako pagkatapos niyang magpacheck-up. Siguro kakain muna kami bago kami uuwi." dugtong ko.
Hindi siya nakapagsalita kaya itinuon ko nalang ang aking sarili sa mga tanawin sa labas hanggang sa makarating na kami sa bahay ni Alisa. Huminto siya sa gilid at tiningnan ako at bumuntong-hininga.
"Okay, I'll wait for you in our house. Call me if you want me to fetch you."
Agad akong umiling, "Huwag na! No need. Ihahatid naman ako ni Alisa sa bahay pagkatapos ng pupuntahan namin."
Tumango na lamang siya at akmang bababa na ako ng sasakyan nang higitin niya ako pabalik. Hindi naman malakas pero sapat na iyong upang mapabalik ako sa pwesto ko.
Pinaglapit niya ang mukha naming dalawa. Palakas nang palakas ang pintig ng dibdib ko dahil sa posisyon naming dalawa ngayon. Parang hindi ako makagalaw at makahinga.
"May nakalimutan ka yata," his voice was hoarse enough to give me those chills
"U-Uhm... Jack parang late na yata ako,"

BINABASA MO ANG
In Between Spaces
Roman d'amourJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...