Dalawang araw na akong nandito sa bahay ni Jack. Wala namang nagbago sa tratuhan naming dalawa. Pormal lang. Parang hindi mag-asawa. Minsan nga hindi kami nagpapansinan. Hindi na rin ako nangigialam kapag may mga lakad siya kahit gabi. Ayoko ng mangialam sa buhay niya. Kagaya noon, magkaiba pa rin ang kwarto naming dalawa ngayon.
Kakagising ko lang ngayon at pupunta na sana ako sa kusina nang marinig akong may nag-uusap. Agad akong nagtago sa may malaking vase.
"Manang Linda, please tell my wife to go to my office later for lunch."
Nakita kong tumango lamang si Manang Linda habang patuloy na naghuhugas ng pinggan.
"Opo, ser. Sasabihan ko po si ma'am."
Pagkatapos noon ay lumabas na si Jack sa bahay. Ilang minuto ang nakalipas ay nakarinig ako ng papaalis na sasakyan kaya lumabas na ako sa pinagtataguan ko.
"Gising na ho pala ka'yo, ma'am! Sayang at hindi niyo naabutan si ser." sabi niya sa akin habang nilalagay ang mga pinggan sa lalagyan nito.
Sinadya ko naman talagang hindi magpakita sa kanya manang, e. Iyon ang gusto kong isagot kay manang ngunit hindi na lang. Habang kumakain ako ay pinapanood ko si Manang Linda habang naglilinis sa lababo.
"Manang, kailan ka po kinuha na Jack?"
Lumingon siya sa akin at nag-isip ng matagal, "Dati kasi akong kasambahay ng mga Montealegre. Matagal na akong kinuha ni ser. Mga mahigit anim na buwan na ako rito ngunit ang sabi ni ser noong tumawag si rito na naghahoneymoon pa raw kayo sa ibang bansa noon kaya maghintay lang daw ako ng konting araw pa."
Napatigil ako sa aking pagkain. Anong honeymoon ang pinagsasabi ni Jack? Ano na naman ang sinasabi niya sa ibang tao? He made everything complicated! Sana sinabi niya na lang ang totoo!
Tumikhim ako at nagtanong ulit. Mukhang may makukuha ata akong impormasyon kay manang noong mga panahong wala ako rito, ah.
"Alam niyo ba kung anong bansa kami pumunta?"
It may sound weird na magkasama kaming dalawa ngunit nagtanong pa ako. Kunot-noo niya akong tiningnan. Ang mga linya sa kanyang noo ay mas lalong nadepina. Medyo may katandaan na rin itong si Manang Linda at bakas na sa mukha niya ang pagod ng ginagawa niya.
"Sa Greece. Iyon ang sabi ni Sarah."
Nagsalubong ang aking kilay. Sarah? Sino ang babaeng iyan? Bago na naman ni Jack? At parang narinig ko na ang pangalang iyan pero hindi ko lang maalala kung saan at kailan.
"Sarah po?"
Tumango siya at ngumiti, "Huwag kang magagalit, ah?"
Tinapos ko ang pagkain ko at binigay sa kanya ang aking atensyon. Now, this sounds so interesting. Parang may mga sikretong mabubunyag tungkol kay Jack ngayon, ah.
"Bata pa lamang si Jack kasambahay na ako sa kanila. Nagulat na lang kami nang may isang dalaga ang pumunta sa bahay nila nang magbinata na siya. Isang babaeng may mahaba at straight na buhok. Medyo mestisa rin kagaya mo at galing din sa isang mayamang pamilya."
"Kaya nagulat ako nang malaman na ikinasal na pala siya sa'yo kasi buong akala namin si Sarah ang makakatuluyan niya. Tahimik si ser Jack. At alam namin na may mga sikereto siya at isa ka na pala iyon." ngumiti siya sa akin na tila ba ako ang pinakaswerteng babae sa buong mundo.
Mapait akong ngumiti. Highschool sweethearts pala sila ni Sarah. Edi good for them. Atleast ako noong mga panahong iyon gumagawa lang ng mga gawaing bahay sa bahay ampunan. Hindi pa ako nag-aksaya ng effort sa taong hindi naman ako ang makakatuluyan.
BINABASA MO ANG
In Between Spaces
RomanceJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...
