Doce

603 13 0
                                        

Isang buwan na ang nakalipas nang lumisan ako. Pagkatapos ng insidenteng iyon ay agad kong tinext si Alisa na magpapalamig lang ako at pagkatapos noon ay binali ko na ang sim card ko at itinapon sa basurahan.

"Kalimera, here's your order Sir." magalang kong bati sa isang lalaking nakaitim na suit at mukhang eleganteng-elegante sa kanyang suot.

Good day.

"Efharisto, omorfi kyria." ngumisi siya sa akin at binigyan ako ng tip.

Thank you, beautiful lady.

Nagulat ako sa kanyang binigay na tip sa akin dahil medyo malaki-laki ito. He gave me 15 euros kaya agad akong nagpasalamat sa kanya at nagbow.

"Parakalo," sambit niya bago ako umalis.

Welcome.

Nagpapasalamat din ako dahil nakapasok agad ako sa restaurant na ito. Hindi basta-basta ang mga pumapasok dito dahil ang restaurant na ito ay pangmayaman at high end kaya napakamahal ng mga pagkain dito.

Isang buwan na ako rito sa Greece at nakakapagsalita na ako ng kakaunting mga greek words pero mga basic lamang. Hirap na hirap ako sa pagsasalita ng greek words ngunit hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil naaaral din naman iyon.

Nang pumasok na ako sa kusina ay sumalubong sa akin si Hazel, isang Pilipinang nakilala ko sa isang grocery store at siya ang isa sa mga nagrekomenda sa akin dito sa restaurant na ito.

"Kita mo iyong businessman kanina na pinagservan mo ng pagkain?" she giggled while looking at the guy.

Tumango ako, "Oo naman. Bakit kilala mo ba siya?"

Agad na nanlaki ang kanyang mga mata sa akin. Niyugyog niya ako na parang ako ang pinakabobong tao sa balat ng Greece.

"Mygosh, Yvonne! Siya lang naman ang isa sa pinakamayamang bachelors dito sa Greece." kinikilig na sabi niya.

Sinusundan niya ako habang ako ay papunta sa aming lockers. Alas dose na ng tanghali kaya labas ko na. Nilingon ko siya at nakita kong malapit ng mapunit ang kanyang bibig kakangiti.

"Good for him." tipid na sabi ko.

"I saw your reaction. Ilang euros ba?" nakangising usisa niya sa akin.

Humalakhak ako at umiling tsaka pinulot ang aking itim na backpack.

"Sira! Hindi naman kalakihan." pagsisinungaling ko.

"Yia sas," nagwave ako sa kanya bago lumabas ng kusina.

Goodbye.

"Kapag babalik iyan dito at bibigyan ka ulit ng tip naku may interes talaga iyan sa'yo. Mind you!" pahabol ni Hazel sa akin ngunit tumawa lang ako sa naging sabi niya.

Okay lang naman magtagalog kami rito kasi wala namang makakaintindi kundi kami lang. Well, except lang kapag may Pilipinong pupunta sa restaurant at that's rare kasi kadalasang costumer namin ay mga foreigner. Minsan pa nga naaabutan ko pa silang nagsesession o 'di kaya ay nagmemeeting sa kalmadong paraan.

Nakajacket ako ngayon dahil medyo malamig pa rin. Hindi naman sa balot na balot ngunit sakto lang upang tabunan ang lamig na dumadapo sa aking katawan. Papunta ako ngayon sa aking apartment na hindi kalayuan dito. Ang nakakatuwa kasi rito, walang traffic at napakapeaceful. Mind your own business ang mantra ng mga tao rito. Kahit na maghubad ka pa riyan ay wala silang pakialam basta't kakayod sila upang kumita ng mas malaking halaga.

Nang makarating ako sa aking apartment ay napahiga ako dahil sa pagod. Limang oras lang ang duty ko sa restaurant na iyon. 7 to 12 in the morning lang ang pagiging waitress ko at one to five in the afternoon naman ay nagiging baby sitter ako.

In Between SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon