Hindi ko namalayan ang mga araw at ito na pala ang huling araw namin dito sa Coron. Marami kaming nasubukan nitong mga nagdaang araw at sobrang nakakapagod pero nakakaenjoy naman. Mamayang tanghalian kami papanhik patungong Tagaytay.
Isa na lang ang natitira naming gagawin ngayon, ang scuba diving. Hindi na kami umorder ni Jack ng pagkain sa labas at kami na lang ang nagluto nito. Tutulong na sana ako ngunit tumanggi si Jack na siya na lang ang magsusugba ng karneng baboy at napakadali lang naman iyon.
Ang ginawa ko na lang ay ang sauce at naglagay ako ng kanin sa mesa. Noong sumilip ako sa terasa ay nakita ko si Jack sa may grilling station at kasalukuyang nakatingin sa akin ngayon. Agad kong sinarado ang kurtina at napahawak sa dibdib ko.
Sobrang lakas ng tibok sa aking puso. Kinalma ko ang sarili sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig. Dahil wala pa naman si Jack, napagpasyahan kong magbihis na para sa diving na gagawin namin mamaya.
Nakikita ko ngayon ang aking repleksyon sa salamin. Hindi ko alam na bukod sa one piece ay babagay din pala sa akin ang two-piece. Napakagaling talaga mamili ni Alisa.
The maroon top and high-waisted bikini gave the perfect compliment to the color of my skin. Para akong dayuhan sa ayos kong ito. Mas naging maganda ang pagkakahapit ng bikini sa bewang kong malapad. My hips are my only asset for me. I don't have big boobs nor booty. Ito lang ang maipagyayabang ko maliban sa mukha at kutis.
I tied my hair in ponytail at sinuot and aking sunglasses. The lens are rectangular in shape that gives more compliment to my little face.
Nang makalabas ako ay nakita kong prenteng-prente habang nakaupo si Jack sa dining area at hinihintay ako.
Nang makalapit ako ay agad siyang tumikhim at habang pinapasadahan pa rin ng tingin ang aking katawan. I gulped.
"Why do you have to wear like that?" seryoso niyang sabi habang kumakain.
"Diving, e. Alangan namang magpajama ako roon." pamimilosopo ko.
Nakita kong biglang umitim ang kanyang awra. Uh-oh! Wrong yata ako.
"Von..." he warned.
"Kidding!"
Agad akong nagpapacute na ngumiti sa kanya at nagpeace sign. Ang hirap pa naman nitong lambingin! Pero alam kong bibigay din ito sa akin. I grinned at that thought.
Hindi niya ako pinansin kaya nagsalita ulit ako.
"Ofcourse I would wear this. Hello, nasa Coron tayo. Mag-enjoy naman tayo Jack! Huwag kang KJ!" natatawa kong sabi sa kanya pero hindi niya alam na kinakabahan na ako sa mga sinasabi ko sa kanya.
"I'll make sure this will be your last for this year."
"Huh?" medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Bobo ako, e dapat talaga klarohin niya!
"Sa susunod hindi ka na makakapagsuot ng ganito kasi ngayon bubuntisin muna kita." he said in a low baritone voice that gave shivers to my spine.
"Kumain ka na nga lang!" natatawa kong sabi kahit halos hindi na ako makahinga dahil may kabayong nagkakakarerahan na naman sa aking dibdib.
Nang matapos kaming kumain ay agad kaming lumabas at sumakay ng bangka patungo sa malalim na parte ng isla. Pinasuot pa rin kami ng wetsuit at ilang pang kagamitang pang scuba diving. May iilan kaming kasama at may mga staff din na gumaguide sa amin. Kadalasan sa mga kasamahan namin ay magbabarkada o hindi kaya ay mag-asawa rin.
Nang nasa malalim na parte na kami ay isa-isa kaming nagtalunan. Naunang tumalon sa akin si Jack at hinintay akong makatalon. Nang makarating na kami sa ilalim ay halos mapanganga ako dahil sa dami ng isdang nakapaligid sa amin.
May iba't-ibang kulay pero isa ang lang ang masasabi ko, wala kong kilalang isda rito. Pati ang mga corals ay napakaganda rin at masasabi kong alagang-alaga nila ang mga ito. May nakit pa akong jellyfish at agad akong napahawak kay Jack. He just tapped my shoulder and held my wrist closer to him.
Matatakutin talaga ako sa jellyfish. Makati raw iyon kapag nahawakan mo at nakakamatay din kasi kapag nasobrahan. Magkahawak kamay kami habang nilalakbay ang napakagandang paraiso sa ilalim ng dagat.
Nagulat ako nang bigla siyang huminto at hinawakan ang aking kanang kamay at idinausdos ang isang diamanteng singsing na hindi ko alam kung saan galing.
Agad akong umahon at nakasunod din pala siya sa akin. Hinubad ko ang aking wetsuit at iba pang kagamitan nang bigla niyang higitin ang aking braso dahil upang mapaharap ako ulit sa kanya. Walang pasubali ay lumuhod siya at biglang naghiyawan ang aming mga kasamahan. Gusto ko siyang sapakin. Nakakainis ka Jack! Umahon ako kasi naiiyak ako!
"Von, we've been together for almost a year. We've been through tough and good times together. And I'm willing to spend the rest of my life with you...and with our future kids." paos niyang sabi.
Habang sinasabi niya iyon ang nanginginig ang kanyang kamay. I can feel how genuine he us right now, kneeling infront of me. God, how lucky I am to find the right man to spend my life with and now he's kneeling at me with unfamiliar people cheering for our happy ever after.
Huminga siya ng malalim at nababatid kong kinakabahan siya, "Will you marry me again for the second time, Mrs. Yvonne Alonzo-Montealegre?"
Lumebel ako sa kanya at masayang tumango. Napalakpakan ang mga kasamahan namin.
"I married you because I'm looking forward for more weddings with you, agápi mou." naiiyak kong sagot.
He wiped my tears and we kissed each other infront of the people. Mas lalong naghiyawan ang mga kasamahan namin dahil sa nasaksihan.
Hindi ko pa rin talaga makalimutan kung paano nagpropose sa akin si Jack. Imagine that? Underwater engagement? Ni hindi ko nga alam na may ganoon pala. Agad akong napabalik sa reyalidad dahil sa malakas na pagkakatampal ni Alisa sa braso ko.
"Ano ba!" natatawa ko habang hinihimas ang aking braso.
"Ano nga ang nangyari sa pagko-Coron niyo? Ano? May kababalaghan ba?" nakangisi niyang sabi habang kumakain kami ng fries sa dining area nila.
Kakatulog lang ni Riven ngayon kaya nagkaroon kami ng oras upang mag-usap. I came here just to give the wedding invitation. Next two months ang kasal at kahit kauuwi lang namin ni Jack kahapon at subsob na siya sa trabaho at ako naman ay busy sa pag-aasikaso sa kasal namin.
"Hindi 'no. Walang nangyari sa amin doon." I denied.
"Weh? Iyang asawa mo? Ewan ko na lang. Tatawa na lang ako, bes." nakangising sabi niya.
"Sige na nga! Oo meron pero isang beses lang." nahihiya kong sabi at itinago ang aking ngiti.
Agad siyang pumalakpak at natatawang nakatingin sa akin, "Namumula ka halatang baguhan pa. Masasanay ka rin niyan." nanunuyang saad niya.
"Gaga ka talaga!" at agad kaming nagtawanan dalawa.
Sinabi ko sa kanya na nagpropose ulit si Jack doon sa Coron at agad naman siyang naglupasay sa kilig. Napakahyper talaga nito kahit kailan!
"Underwater wedding proposal? Naku! Ang chacharot niyo ha! Hmp! Inggit ako."
Tinawanan ko lang siya, "Makakahanap ka rin ng para sa iyo."
"Naku! Dadaan muna siya sa mga kamay ng anak ko 'no!" maarte niyang sabi.
"Ang arte mo!" sabay tapik ko sa kanyang braso.
"Dapat lang maganda ako, e. Dapat paghirapan nila tayong makuha 'no!"
Hindi ko alam kung ilang beses kaming nagtawanan ngayong hapon dahil sa mga pinagsasasabi niya. Ang lakas talaga ng trip noon! Kahit may anak na ang bading pa rin talaga ng bibig niya. Minsan ang sakit sa tenga. Kidding!
Nang makabalik na ako sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko upang magbihis. Mamaya pa darating si Jack. And speaking of Jack, hindi ko nasabi kay Alisa na palihim lang pala niyang inasikaso ang kasal namin including the reception, invitations, at iba pa.
Ang mokong na iyon! Hindi man lang nagsabi na may inaasikaso na pala siya under-the-table. Napakagaling niyang magtago at hindi ko napansin iyon! Dinaan lang pala niya ako sa pa-Coron Coron na iyan! Hmm...takbuhan ko kaya siya sa kasal. Just kidding!
BINABASA MO ANG
In Between Spaces
RomantikJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...
