Lahat ng plano ko ay naagrabyado. Lahat ng ito ay napalitan dahil sa komprontasyon namin kahapon ni Madamé sa kanyang office.
I really don't mind if she fires me in that restaurant. Alam kong may kasalanan naman ako pero iyong akin lang ay sana kung may nalalaman man siya sa akin ay huwag na lang niya itong sabihin dahil kapag sinabi niya sa akin alam kong sasabihin niya rin iyon sa ibang tao.
Kanina pa ako gising ngunit wala akong ganang bumangon dahil sumasakit ang aking katawan sa katatakbo kagabi. Sinulyapan ko ang aking backpack at maleta sa gilid ng aking kama. Handa na sila. Ako na lang ang hindi pa.
Nagtipa ako ng mensahe para kay Alisa. Sa totoo lang, gusto ko nang tumulak papunta Pinas ngayon ngunit hindi pa kami nakakapagkita. I want to apologize to her, personally. Ayaw kong sa text lang.
Pwede bang bukas na lang tayo magkikita?
Pagkasend kong ito sa kanya ay agad siyang nagreply.
Why?
Nag-isip ako ng palusot at nagdasal na bumenta ito sa kanya. Nagtipa ako sa naisip ko.
Namiss na kasi kita, e. Gusto ko lang din magsorry sa'yo.
Ilang minuto muna bago siya nakapagreply. Bago, ah. Baka may importanteng ginawa.
Sorry I was doing something. Sure, why not. 9 p.m at the Galaxy Restau pls. Don't forget.
Hindi ko na siya nireplyan at nakatingin na lang ako sa kisame. Ano kayang mangyayari kapag nakauwi na ako sa Pinas?
I was planning to open my social media accounts pero naisip kong sa Pinas na lang. Whenever I have time, I'll open it. Alam kong marami na iyong mensahe tungkol sa pagkawala ko.
Medyo matagal-tagal din pala ako rito nang hindi ko namamalayan. Noong una, medyo nabagot ako kasi trabaho at bahay lang ang bisyo ko kahit na noong nasa Pinas ako ganoon lang din. Pero kalaunan, naenjoy ko naman ang trabaho ko kahit na medyo homesick ako noong umpisa.
Bigla akong napabangon nang maisip si Travis. Speaking of trabaho, kailangan ko munang magpaalam kay Mr. and Mrs. Davidson na magreresign na ako. Sa makalawa na ako aalis.
Naligo muna ako at nagbihis bago tumulak sa bahay nila. Nang makarating ako ay agad kong nakita si Jida na naglilinis gamit ang vacuum. Nanlaki ang kanyang mata nang makita ako.
"Why are you here?"
Alam kong nagulat siya dahil mamaya pa naman ang duty ko.
"Where's Travis?" sabi ko habang binalewala ang kanyang tanong sa akin.
"He's sleeping," tiningnan niya ang suot kong makapal at feathery na jacket.
"And Ms. Emma?" patuloy ko.
"Oh! She's in her office."
"Can you please take me there?"
Tumango siya at sumunod naman ako sa kanya. Malaki ang bahay ng mga Davidson. May tatlong palapag ito at nasa isang subdivision na malayo ang mga kapitbahay. Pero kahit na dito ako nagtatrabaho ay dito lang ako nag-s-stay sa ground floor dahil dito rin naman naglalaro si Travis. Hindi gaya ni Jida na full-time worker dito at alam kong alam niya lahat ng pasikot-sikot sa bahay na ito.
"Is something bothering you?" biglang tanong ni Jida habang nakasakay kami ng elevator papunta sa third floor.
Umiling ako at ngumiti. Mas mabuting sabihan ko na lamang si Jida sa plano kong magresign upang makapaghanda siya kay Travis.
BINABASA MO ANG
In Between Spaces
RomanceJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...