Pagkatapos bumisita ng magkakapatid na Lord af Fifi sa bahay ay tumahimik na naman ang pagsasama namin. Noong araw na iyon ay napuno ng asaran at pikon na pikon si Jack. Hindi ko alam kung sa ano ipinalihi ang magkapatid na iyon at ang galing mang-asar at mangbwesit.
Kinuwentuhan din namin sila sa gagawin naming bakasyon sa Greece at nagtinginan na naman ang magkakapatid na para bang may something kaming gagawin sa Greece ni Jack.
"Couz, ang payo ko lang sa'yo bro 'wag na 'wag kang gagamit ng condom para magkakaanak na talaga kayo. Tingnan niyo oh, ang tahimik ng bahay niyo pero kapag may anak kayo ang saya na nitong bahay niyo." sabi ni Lord with feelings pa.
"Gago, 'wag mo akong itulad sa'yo na suki ng condom!" naaasar na sagot ni Jack habang tumatawa.
Natawa na rin ako sa sinabi niya. I know, Lord's a playboy at alam ko dahil mararamdaman mo naman ito sa awra niya.
Humalakhak si Fifi, "Sabi ko sa'yo Kuya, e. 'Wag ka na lang magmalinis."
"Pero seriously Migz, hindi ka ba gumagamit ng condom?"
Umiling si Jack at umayos ng upo.
"O baka ikaw, gumagamit ka ba ng pills, Von? Alam ko iyang ganyang edad, e. Ayaw pang magkaanak."
Ngumiti lang ako sa kanila at umiling, "Gusto ko naman mabuntis at hindi ako gumagamit ng contraceptives baka hindi pa iyong tamang oras na magkaanak kami."
"Naku! Iyang ganyang prinsipyo? 'Di talaga magkakaroon iyan ng anak dapat simulan niyo na at pag-igihan niyo gosh Migz!" eksaheradang saad ni Fifi.
Nang tumila na ang ulan ay agad na silang umuwi. Biglang naflat daw iyong gulong sa sasakyan ni Lord kaya kailangang iparepair at tumakbo sila papunta rito. May vulcanizing shop kasi sa labas at medyo malayo pa rito sa subdivision namin. Kaya ayon, pinahiram namin sila ng shorts at t-shirt.
Isa't kalahating buwan na ang nakalilipas pagkatapos ng desisyon namin ni Jack na magbakasyon sa Greece bilang regalo niya sa aking kaarawan.
Sa loob ng isang buwan ay inasikaso namin ang papeles upang makuha ang aming pasaporte sa mas madaling panahon. At nakuha na namin ito noong isang araw.
"Tomorrow's your birthday. What are your plans?" tanong sa akin ni Jack.
Nagkibit-balikat ako, "Wala. Diba sa Saturday pa tayo aalis? Doon na tayo magcecelebrate sa Greece." at ngumiti ako sa kanya.
Handa na ang lahat at sana ay ngayon na kami tutungo sa Greece kung walang trabaho si Jack pero ako ang nagdesisyon na sa Saturday na lang dahil Wednesday pa ngayon. Alam kong kailangan na kailangan siya sa opisina dahil minu-minuto ay may tawag siyang natatanggap. Handa na rin ang tickets naming dalawa at nasa amin na ang aming mga passport at iba pang kakailanganin sa pagbyahe.
"Kakain na lang tayo sa labas," suhestiyon niya.
"Saan naman? Huwag iyong sobrang mahal, ah." inunahan ko na siya sa magiging desisyon niya.
Bumuntong hininga siya at tiningnan ako sa mata, "I'm planning to date— I mean to celebrate your birthday on simple places. You know kwek kwek?"
Date daw? Baka nagkamali lang. Ang sabi niya eh celebrate daw pero baka guni-guni ko lang iyong nasabi niyang date.
Pero ano raw? Kwek kwek? Street food dates are interesting! Parang gusto ko iyon, a. Ang sarap kaya nun.
"Oo ba! Basta kasama kita!" ngumisi ako sa kanya at hinihintay kung ano ang magiging reaksyon niya ngunit masungit niya lang akong tiningnan at alam ko nagpipigil siya sa kanyang ngiti ngayon.

BINABASA MO ANG
In Between Spaces
Lãng mạnJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...