Viente

697 13 6
                                        

Medyo matagal-tagal akong bumangon. Nakita kong tirik na tirik na ang araw pagbangon ko. Naligo muna ako at nagbihis bago bumili ng tig-iisang piraso ng ham and egg sa isang karenderia rito hindi kalayuan sa aking apartment.

Ilang minuto ang hinintay ko upang maluto ang kanin. Actually, ako lang talaga ang kumakain ng kanin. Pansin ko sa mga tao rito, hindi sila kumakain ng kanin kapag breakfast.

Tahimik akong kumain nang marinig ko ang aking cellphone na nagvivibrate. Ni-silent ko kasi ito kagabi.

Inaabot ko ito at nalaglag ang panga sa nakitang missed calls.

265 missed calls ulit?!

Dali-dali akong nagtipa kahit na ayaw ko pa sana siyang replyan.

Stop calling me, magkikita naman tayo mamaya gaya ng sinabi mo diba?

Tumawag siya ngunit hinayaan ko lang. Tumunog ulit iyong phone ko para sa isang mensahe.

If you're mad for not letting you meet me last night then I'm sorry.

Maingay kong inilapag ang aking cellphone at kumain ulit. Tumunog ulit ang phone ko kaya binasa ko ulit ito.

Is this your punishment for me? This is going to be crazy.

Reply for me, please. What are you doing right now?

Please update me.

Binasa ko ang kanyang mga mensahe. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Habang tumatagal...parang napagtanto kong parang hindi ito ang bestfriend ko. Hindi ganito magtext si Alisa. Isang tao lang ang naalala ko na ganito...pero imposible. Sobrang imposible halos masuka nga siya sa pagmumukha ko, e.

Umiling ako. Hindi. Si Alisa talaga ito. Siguro, dahil matagal-tagal kaming hindi nagkikita at nagkakausap kahit sa phone man lang, nanibago ako.

Hindi ko na siya nireplyan at hindi na rin siya nagtext o tumawag ulit. Buti naman. The more the nagtetext kami, the more na nagdududa ako.

Nagmukmok ako buong maghapon sa aking apartment. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakatingin ko sa kisame. Nang gumabi ay dito rin ako kumain. Hindi na ako lumabas. Dagdag gastos na naman. Uuwi pa naman akong Pinas.

Pagkatapos kong kumain ay tinanaw ko ang labas. May mga tao pa namang naglalakad sa labas iyon nga lang nagdadala na sila ng payong dahil umuulan na ng konting yelo.

Lumabas ako at dinama ang kakaunting yelo na nalalaglag galing sa taas. Nakasuot ako ngayon ng light brown with feather blends and synthetic fibers. Sumukob ako kabit wala akong payong. Hindi naman ako nababasa kasi sobrang kapal nitong suot ko.

Eksaktong alas nuwebe akong nakarating sa sinasabi ni Alisa na Galaxy Restaurant & Bar. Lahat ng taong papasok ay kumakaliwa. Kadalasan, mga magjowa o magbakarda ang nandito. Iilan lang ang nakita kong kumanan. Kaya nagtanong na muna ako sa information.

"Syngnómi, can you please tell me where is the restaurant here?" I calmly approached.

Excuse me

Mukhang masayahin naman ang receptionist kaya ngumiti siya sa akin bago ako sinagot.

"Kalispera, Madamé. The restaurant is in deksiá while the bar is in the aristerá." tsaka ngumiti ulit.

Good evening.

Right.

Left.

I bowed, "Efharisto."

Thank you.

So iyon pa lang kaliwa ay ang bar at ang kanan naman ay ang restaurant. Tinungo ko na ang restaurant. Hindi naman kalakihan ang espasyo rito. Sakto lang. Mga 20 tables ata ang nandito pero hindi naman dikit-dikit. What caught my attention is their tables that has an amazing view of the Athens' city lights.

In Between SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon