Ilang araw na ako rito sa bahay at palagi lang akong natutulog. Pumupunta pa rin naman ako sa opisina ni Jack ngunit bago at pagkatapos kong pumunta roon ay natutulog na ako rito. Hindi na ako gagala dahil pakiramdam ko sobra akong pagod na kahit pagbangon mula sa higaan ay nahihirapan ako.
Nakatitig ako ngayon sa aking kisame nang biglang tumunog ang aking cellphone. Alas diez na pala ng umaga ngunit ayaw ko pang bumangon. Ayokong kumain kasi lahat ng nalalanghap ko ay mabaho. Kanina pa ako kinakatok ni Manang ngunit hindi talaga ako bumangon.
"Hello Ali?"
Inilayo ko ang aking tenga nang bigla siyang sumigaw mula sa kabilang linya.
"Nanganak na ako, Von!"
Agad na lumipad ang aking kamay sa aking bibig. Wow! Salamat naman at safe ang delivery niya! Paano ko nasabi? Dahil sa pagkakasigaw niya. Parang wala ata siyang kahirap-hirao sa panganganak. Iyong iba nga muntik ng mamatay dahil dito.
"Oh my! Congrats Ali!" masayang bati ko sa kanya. She just laughed at me and said thank you.
"Kailan? Babae ba o lalaki?" usisa ko.
"Noong isang araw lang. Lalaki siya Von! Sobrang saya ko!" tumatawa niyang sabi sa kabilang linya.
Gusto kasi ni Ali na lalaki ang anak niya. At noong mga nakaraang buwan ay nagpa-ultrasound siya ngunit sinabi niya sa kanyang OB na huwag na munang ireveal ang gender ng baby. Gusto niyang surprise ito at sng tanging hiling lang niya ay maging malusog ang kanyang baby which is ganoon naman din ang sabi ng kanyang OB sa amin.
Hindi ko maiwasang hindi mapahimas sa aking tiyan. Ano bang gusto ko? Siguro mas gusto ko ang babae. I'm not streotyping but I think girls are more responsible and independent when it comes to things. But that's just my opinion and observation.
Sinabihan ko si Alisa na pupuntahan ko siya kaya binigay niya agad ang address ng hospital at kung anong room siya. Pagkatapos kong kumain ng agahan ay agad akong tumulak papunta roon. I just ate an omelet which is quite weird kasi hindi naman ako mahilig sa eggs dati. I also eat rice pero tiniis ko lang ang mabahong amoy nito dahil gusto kong magkalaman naman ang tiyan ko.
"So what's your plan? Sasabihin mo na ba kay Jack o hihintayin mo lang lumubo ang tiyan mo?"
Nakahiga siya ngayon ngunit okay naman daw ang pakiramdam niya.
"Buntis ka, hija?" tanong sa akin ni Auntie Mildred, nanay ni Alisa.
Ngumiti ako at tumango, "Ilang months na? Hindi pa masyadong kita iyong tiyan mo. Parang belly fat pa." nakangiti niya saad.
"Hindi pa po ako nagpapacheck-up kasi natatakot po ako."
Kumunot ang kayang noo, "Matakot ka para sa anak mo. Magpacheck-up ka upang maabisuhan ka ng doktor kung anong makabubuti sa'yo."
I just nodded. Realization hit me hard. Oo nga bakit naman ako matatakot? Tutal kasal na naman kami at pumasok kami sa ganito kaya handa na talaga kami sa mga kahihinatnan. Nagpakasal kami upang bumuo ng pamilya. Magpapacheck-up na ako. I'll be watching over you baby. Mom's gonna protect you in all odds.
Nalaman ko rin na inilagay sa incubator ang kanyang baby ngunit walang pag-aalala sa mukha ni Alisa.
"Kasi alam kong matapang ako kaya matapang din ang anak ko."
What I really like about her is that she's strong and brave. Siguro, naging magkaibigan kami dahil salungat ang ugali naming dalawa. I just smiled at her at nodded. Oo nga, matapang siya kaya matapang din ang anak niya. Kaya ako, dapat din akong matapang kung gusto kong magmana ang anak ko sa akin.
BINABASA MO ANG
In Between Spaces
Roman d'amourJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...
