Mahina akong napamura nang makita ko kung anong oras na. Late na ako sa trabaho ko!
Medyo napahaba ang tulog ko dahil sobrang napagod ako kagabi at siguro dahil na rin sa maginaw na panahon dito. Nang matapos akong maligo ay agad akong nagbihis at agad na tumulak sa restaurant. Hindi na ako nag-abala pang kumain. Nang makarating ako ay sakto hindi pa alas syete ng umaga. Narito na lahat ng katrabaho ko pati na ang kaibigan kong si Hazel.
Napahawak ako sa kanya dahil nakaramdam ako ng biglang pagkahilo at napapikit na rin.
"Oh, okay ka lang ba?" medyo nag-aalalang tanong niya at inalalayan akong umupo.
Wala pang customer ni isa kaya dito na muna ako pinaupo ni Hazel.
Umiling ako at ngumiti sa kanya, "Wala, nahilo lang kasi medyo napahaba iyong tulog."
"What do you think you're doing?"
Agad kaming napalingon sa aming likuran at nakita namin ang pagtaas ng kilay sa amin ng aming manager na si Ms. Ashley. Agad akong tumayo at yumuko sa kanya bilang respeto.
"Kalimera, Madamé."
Pagkatapos kong yumuko ay tiningnan ko si Hazel na hindi pa yumuyuko at tila nakipagtagisan ng tingin sa aming manager kaya siniko ko siya bilang hudyat na kailangan siyang magbigay-galang pero hindi siya natinag.
"She almost fainted so I, as her friend decided to let her sat down here and besides we still don't have customers, right? Kalimera."
Hindi pa rin siya nagbobow kaya tiningnan ko ang reaksyon ng manager namin at inirapan niya lang kami at tiningnan mula ulo hanggang paa na para bang nandidiri. Agad akong napayuko dahil alam kong mawawalan na kami ng trabaho ngayon.
Laking gulat ko nang bigla siyang umalis na hindi man lang sinagot si Hazel. I mean, ayaw kong mag-away sila pero sa pagkakaalam ko maldita raw talaga itong manager namin pero ngayon bakit hindi siya pumalag? Siguro, ayaw lang niyang magkagulo dahil umagang-umaga pa at baka makita pa ng mga costumers.
"Bakit mo ginawa iyon?" mangha ko pa ring tanong kay Hazel.
Ngumisi siya, "Akala ko ba magaling siya sa inglesan."
"Paano mo nasabi?"
Tumayo na ako at pumunta na sa kusina. Medyo marami-rami ng mga tao ang nasa labas baka pumasok rito at maabutan kaming mga waitress na nakaupo.
"Wala, gusto ko lang mag-ingles at saka feelingerang palaka kasi iyon wala naman pa lang binatbat. She can't fire us kasi hindi naman siya iyong may-ari 'no!" natatawa niyang sabi sa akin habang binibitbit ang tray papunta sa isang table.
"Sira ka talaga!" napatawa rin ako dahil sa dahilan niya.
Lumipas ang buong maghapon na medyo hindi pa rin stable ang kondisyon ng aking katawan. Pinipilit ko pa ring maglakad habang nahihilo ako papunta sa bahay ng mga Davidson. Pero bago ako nakarating sa kanilang bahay ay pumasok muna ako sa isang grocery store na nasa labas ng kanilang subdivision at doon kumain sa bench ng isang park na nasa tapat ng grocery store.
Agad akong napangiti nang maramdaman kong medyo nawala ng kakaunti ang hilo na aking naramdaman pagkatapos kong kumain ng cup noodles.
Pinagmasdan ko ang medyo makulimlim na langit ng Greece. Paparating na ang winter at may iilan pang mga tao ang narito sa park kahit na malamig na ang hangin.
Nakahoodie ako ngayon dahil magiginawin ako. Iyong iba naka t-shirt pa at parang wala lang dahil sanay na sila sa temperatura rito pero kapag winter na talagang lahat ng tao ay magdedenim jacket talaga.
Pinikit ko ang aking mata at dinama ang ginaw ng talukap ng aking mga mata. Hindi ko akalain na nandito na ako ngayon. Noon, pangarap ko lang na pumunta rito upang mamasyal pero ngayon iba na ang intensyon ko.
Iniwan ko ang buhay ko sa Pinas dahil sa isang dahilan. Nasaktan ako. Sobra akong nasaktan sa ginawa niya at hindi ko akalaing ganoon siya katuso, ganoon katuso ang mga tao sa aking paligid. Hindi ko lubos maisip na sa kabila ng kabutihang ginawa ko sa kanya ay nagawa niya ang pagtataksil. Sabagay sino ba namang hindi magtataksil sa akin, 'di ba?
Dinilat ko ang aking mata at pinunasan ang luha na dumaloy sa aking pisngi. Pilit akong ngumiti. Dapat hindi ko na iniisip ang mga ito. He didn't chased me kaya dapat na akong magmove on at kalimutan lahat ng pagsasama namin noon.
Tumayo na ako sa bench at nagtungo na sa bahay ng mga Davidson. Ilang hakbang na lang at makakarating na ako sa garahe nila nang bigla akong nakaramdam ng pagod at hilo pero mas nangingibaw iyong antok at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
Naalimpungatan ako dahil sa isang haplos sa aking mukha. The touch was minimal enough to think that it was Travis. At hindi nga ako nagkamali. Agad na tumakbo si Travis papunta sa kusina at kasunod nito ang nag-aalalang si Jida.
"Mimi awake!" tumatalon-talon na sabi ni Travis.
Parang hinaplos ang aking puso sa naging reaksyon niya. So I pinched his cheeks gently at hinalikan ang kanyang noo.
"How are you, Von?" agarang tanong ni Jida habang nilalagay ang kamay sa aking noo to check if I have fever.
Bumangon ako at ngayo'y naka-indian seat na. Ngumiti ako sa kanya ng pilit, "I'm fine now. Thanks for taking care of me."
"Thanks God! You fainted earlier and I almost called an ambulance just to fetch you but thanks to your friend who helped me carry you here."
Napahinto ako sa sinabi ni Jida. Friend? Sa pagkakaalam ko, si Hazel lang ang kaibigan ko rito maliban rin kay Jida. So, Hazel dropped here? I mean, for what?
"You mean, Hazel?" kuryosong tanong ko sa kanya.
Medyo naguluhan siya sa sinabi ko, "Hazel?"
"Uh, yeah. Her hair was curly, she's also a morena and she wore a dark lipstick somewhat plum in shade. Am I right?"
Mas lalo siyang naguluhan sa sinabi ko. Ibig sabihin, hindi si Hazel? Kung hindi siya, sino naman ang bubuhat sa akin?
"Sorry," napatawa siya habang tiningnan ako.
"But the one who carried you earlier wasn't a girl. He's a guy."
Sumeryoso ako at tiningnan siya ng maigi. Akala ko tatawa na siya pero hindi. Akala ko biro at naghihintay akong bawiin niya iyon ngunit hindi. Hindi niya ginawa. So who's the guy?
"Describe him,"
"He really looked like a Filipino model but his eyes were different it wasn't black or brown."
Filipino model...moreno...the eyes were different...
Medyo nakaramdam ako ng kakaunting kaba. I cleared my throat and gathered all the strength I have right now.
"Is he tall?" obvious na tanong ko. Filipino model nga raw, e.
She nodded aggressively. Mas nadagdagan ang kaba na aking naramdaman. Masamang magduda pero hindi imposible na makarating siya rito. Pero bakit dito naman siya dadayo? Maraming malalapit na bansa at dito niya pipiliing magbakasyon? Napakaimposible knowing na busy siyang tao.
"And oh, he also has a blond hair." dagdag niya pa bago pumunta sa kusina at iniwan ako sa sala.
Sa pagkakaalam ko hindi blond ang buhok ni...ng asawa ko. At hindi rin siya mahilig sa ganoong bagay kagaya ng pagdadye ng buhok. Simple lang siya at walang arte.
Napaisip ako habang tinitingnan si Travis habang nag-dadrawing ng kung anu-ano sa isang sketchpad.
Naisip ko rin na baka kapwa Pilipino ko lang din na dito nagtatrabaho. I heard some stories and I learned na kapag nagtatrabaho ka sa isang bansa kapwa Pilipino ang tutulong din sa'yo kahit na hindi kayo magkaibigan o gaano ka close.
Napailing ako sa mga iniisip ko kanina. Ayaw kong mag-assume pero parang nature na sa tao na may malawak at malikot na imahinasyon.
Iniisip natin ang mga bagay na imposible namang mangyari.Itinuon ko na lang ang pansin ko kay Travis at binigay na sa kanya ang isang box ng crayola at tinuruan siyang magkulay.

BINABASA MO ANG
In Between Spaces
RomanceJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...