Diecisiete

550 12 0
                                    

Pagkatapos ng dalawang nakakapagod na araw ay nakabalik na kami sa Athens at kasama ko pa rin sila hanggang ngayon.

Nandito kami ngayon sa Megálos Elegancé Restaurant na medyo malayo-layo sa Taffeta Hall kung saan ako nagtatrabaho.

Nakita ko si Thunder sa aking harapan na kasalukuyang nagtetext kagaya rin ni Jida. Si Morgan naman ay nakatanaw lang sa labas habang hinihintay namin ang aming order. Sina Ms. Emma dala si Travis at kasama ang kanyang mama ay bumili ng ice cream para kay Travis kasi kanina pa ito umiiyak. Sinabihan naman ako ni Ms. Emma na siya na munang mag-aalaga kay Travis ngayon.

Nabasag ang katahimikang namayani sa aming apat nang biglang nagsalita si Jida kaya napalingon kaming tatlo sa kanya.

She cleared her throat, "I'm Jia Dane Kraft, 25, from Nigeria. Nice meeting you both."

At ngumiti si Jida sa dalawa. Tiningnan ko ang reaksyon ng dalawang Hughes at nakita kong nakangiti si Thunder habang si Morgan naman ay blangkong nakatingin sa kanya.

Nakaramdam ako ng siko galing kay Jida. I eyed her at parang sinasabi niya na magpakilala ako sa dalawa. Bigla akong kinabahan kaya napatingin ako kay Morgan. I felt intimated by his gaze towards me.

"Uhm...I'm Yvonne Alonzo from the Philippines." ngumiti ako sa kanilang dalawa at nakatanggap ako ng ngiti pabalik ni Thunder pero si Morgan hindi man lang ngumiti.

"Bro, she's gorgeous. Isn't she?" nakangising tanong ni Thunder kay Morgan.

Nagulat ako sa tanong ni Thunder. Napapikit na lamang ako sa kahihiyan at kaba na naramdaman ko ngayon.

"Yes, she is." mababang boses na sabi niya.

Napatingin ako kay Morgan at nakita kong mataman niya akong tinitigan. I cleared my throat to ease the awkwardness I felt in his stare towards me.

"And she's single by the way." nakita kong nakangisi akong tiningnan ni Thunder.

Nag-iwas ako ng tingin nang mapagtanto ko kung ano ang balak ni Thunder at saan papunta itong pinag-uusapan namin ngayon.

Tumikhim si Jida at nakita kong nagpipigil din siya ng ngiti ngayon.

"Just kidding! She's already married!" he jokingly said.

Sa aming apat ay siya lang ang tumawa. I gave a faint smile para hindi naman siya magmukhang awkward. Nakita ko ang pagkapawi ng ngiti ni Jida sa nabanggit ni Thunder at napatingin siya sa akin. Walang reaksyon na nakatitig sa akin si Morgan. Ano pa ba ang inaasahan kong response sa kanya?

"Are you seriously married?" nanlaki ang mga mata sa akin ni Jida at niyugyog ang aking balikat.

"Ops," sabi ni Thunder na para bang may sekreto siyang nabunyag.

Dahil sa kanyang sigaw ay napatingin lahat ng tao sa amin at parang natapunan ako ng hiya ng naghagikhikan ang dalawang babae hindi kalayuan sa amin habang nakatingin dito sa banda namin at para bang nangungutya.

Biglang pomormal si Jida at magtatanong pa sana siya sa akin nang biglang dumating sina Mrs. Davidson and Mrs. Longhurst.

Naudlot ang aming pagkukwentuhan nang biglang dumating sina Ms. Emma. Hindi na kami nakisama ni Jida sa kwentuhan nilang magpamilya kaya tumahimik na lang kami hanggang sa dumating ang order naming lahat.

Nang matapos kaming kumain ay bumalik kami sa bahay ni Ms. Emma at tinulungang mag-impake sina Mrs. Longhurst at ang mga Hughes. Pagkatapos noon hinatid na namin silang tatlo sa airport. Tutulak na sila ngayon dahil may emergency daw trabaho ni Morgan. Ayaw pa sanang umuwi ni Thunder pero hindi naman pumayag si Madamé Hughes na hindi sasama pauwi ang kanyang isang apo kaya napilitan na lamang si Thunder.

Isang oras kaming naghintay nang tuluyan na nga silang nakasakay ng eroplano.

Nakauwi ako sa apartment ng alas siéte ng gabi. Medyo napagod ako ngayong araw na ito kahit na kumain lang kami at hinatid lang sila sa airport. Siguro, dahil na rin ito sa dalawang araw namin doon sa Zakynthos. Sobrang nakakapagod ang mga araw na iyon dahil palagi kaming nasa dagat.

Kinuha ko ang aking tuwalya at pumasok sa banyo. Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay nagpalit ako ng damit na medyo makapal-kapal dahil papalapit na ang winter at damang-dama na rin namin ito ngayon. Ni-on ko iyong heater para maibsan ang ginaw na nararamdaman ko ngayon.

Sa totoo lang, mura lang talaga ang renta ko rito sa apartment na kasalukuyan kong tinutuluyan dahil bukod sa maganda ito may heater pa ito. Iyong ibang apartment na nandito ang mamahal kapag may heater at maswerte ako na napadpad ako rito.

Nasulyapan ko ang cellphone ko sa aking bedside table. Medyo matagal-tagal na ring hindi nagtetext si Alisa, ah. Binuksan ko ang aking phone pero hindi ko ito mabuksan dahil lowbatt. Napasapo ako sa aking noo nang mapagtantong hindi ko pala ito nadala noong nasa Zakynthos kami at kahit kanina hindi ko ito nadala.

Malamang drained na drained ito. Baka may text si Alisa! Dali-dali kong hinagilap ang aking charger na binili ko na nakalagay sa left pocket ng aking backpack at nicharge ito. Pagkabukas ko ay nabigla ako nakita ko ang bilang ng missed calls galing kag Alisa.

110 missed calls?!

Ang grabe naman nito! Baka may importanteng sasabihin si Alisa o ano? Nagtataka rin ako kaya sinubukan kong tawagan si Alisa ngunit pinapatay niya kaagad ito. Nanlaki ang aking mga mata nang maisip ko na baka...baka masama ang loob niya sa akin o 'di kaya may masamang nangyari sa kanya sa Pinas!

Ang the though that she turned off the call immediately so it means naghihintay talaga siya na tumawag ako o baka ginagamit niya kasalukuyan ang cellphone niya.

Sorry talaga, Alisa. Hindi ko kasi nadala ang phone ko, e. Nag-outing kasi kami ng amo ko. Please, sorry na.

Ni-send ko na ito sa kanya. Hindi pa nakakaabot ng minuto ay nagreply siya. Dali-dali ko itong binuksan para makita ang mensahe niya.

My heart is still sad. Please don't talk to me right now.

Muntik ko nang maibato ang aking phone. Ang tanga ko talaga! Bakit ko ba kasi nakalimutan dalhin iyong phone na binigay niya sa akin ns ang main purpose noon ay para makapagcommunicate kami. Bobo mo, Yvonne!

Please naman, Ali. Forgive me. Nawala talaga sa isipan ko na dalhin ang phone ko.

Pinagsisihan ko talaga na hindi nadala iyong phone ko. Naiiyak na ako. Kasi naman, e! First time naming may alitan ni Alisa sa buong friendship namin at dahil pa sa akin!

Ilang minuto na ang nakaliaps ngunit wala pa rin akong matanggap na reply   kaya nagtipa ulit ako.

Ano ba iyang importante mong sasabihin?

Nahintay ulit ako ng ilang minuto ngunit wala pa rin. Siguro bibigyan ko na lang muna siya ng oras na makapag-isip dahil alam ko namang masama pa rin ang loob niya sa akin ngayon. Tatlong araw yata siyang tumawag kaya ang dami.

Nakaramdam na ako ng antok at pagod habang tinitingnan ang cellphone kong hindi pa tumutunog. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang biglang itong tumunog.

Mabilis pa sa alas kuwatro kong kinuha ang aking cellphone nang bumingad sa akin ang message galing sa sim card ko. Napasimangot ako dahil dito.

Akala ko pa naman si Alisa iyon. Baka bukas, magtetext iyon. Bukas ko na lang siya poproblemahan at kukulitin ulit.

In Between SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon