Quince

642 14 0
                                        

Pabalik-balik akong naglalakad ngayon sa loob ng aking apartment dala-dala ang isang branded na cellphone. Namamawis ang aking kamay dahil kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari. Sigurado akong pagmamay-ari ito ng lalaking nakabangga ko kanina.

Sinubukan kong buksan ang cellphone ngunit nakapatay ito. Ni-on ko ito at laking gulat kong full charge pa pala iyong phone. Baka na-off lang ito dahil sa pagkakalaglag.

Nang mabuksan ko na ito ay dumiretso ako sa messages ngunit wala namang message na nandito kahit isa. Burado lahat. Dumiretso na lang ako sa contacts at wala rin akong nakita na isang nakaphonebook naa numero—maliban sa isa.

Pipindutin ko na sana ang 'call' nang biglang may nagtext sa cellphone.

From: Alisa

Kita tayo sa Feb. 8 sa Miquos Restaurant. I'll be bringing my baby. And please don't surrender this to the police. Alam kong wala kang cellphone and this will be our source of communication.

Nanginginig ang kamay ko habang nagtitipa ng irereply ko sa kanya. It's been months since I left the Philippines and communicating with her made my heart jump because of excitement and thrill. If this is truly her.

To: Alisa

How can I be so sure that this is actually you? As much as I remember, I felt like a random stranger dropped this phone near the bench so I decided to took it with me. But don't worry, if you think you'd scam me I'm telling you that I'll report this to the police right after.

Hindi ko alam kung may load ba ito o wala pero laking tuwa ko na nasend ito. Agad na tumunog ang phone na hawak hawak ko. Ang bilis niyang magreply, ah.

From: Alisa

This is me, your bestfriend and why the hell would I text you if you're not the Von I used to know since college. I will tell you the story when we meet at Miquos Restau next month. It's 9:00 p.m pls. don't forgetti. I had a lot of stuffs to do bye!

Nilagay ko ang phone sa mesa at pinoproseso ang lahat ng nangyari. Nasaan kaya nags-stay ang babaeng iyon? Baka dito siya manganak? O nanganak na kaya siya? Wait, bakit parang ang weird kung dito siya manganak? Siguro kung praktikalan ang nasa isip niya, sa Pilipinas siya manganganak. Ay ewan!

Tinadtad ko siya ng tanong ngunit hindi kagaya kanina kung gaano siya kabilis na magreply, wala ring reply ngayon. Jusko! Next month pa talaga kami magkikita ng babaeng iyon.

Nang matapos akong kumain ng hapunan ay hinalughog ko kung ano ang laman ng cellphone ngunit wala talaga itong laman. Parang nakaformat yata lahat ng files na nandito.

Pinagdikit ko ang aking dalawang paa na kasalukyang nakamedyas at pinicturan ko ito gamit ang cellphone na bigay 'kono' niya. Napangiti ako nang naemphasize ng maayos ang aking paa dahil sa furry na tela ng pajama sa may bandang dulo.

Medyo nakakabawas din pala ng pagkalungkot ang cellphone. Nagselfie ako habang nakapeace sign at sinave ko ito. Medyo lumalaki na yata ang eyebags ko dahil sa pagkakasakit ko at pagod na rin siguro.

Tumungo na ako sa aking higaan at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod.

***

Maaga akong umalis sa bahay kanina. Balik-trabaho na naman ako ngayon. Medyo okay na naman iyong pakiramdam ko at hininto ko na ng pag-inom ng gamot dahil medyo sinusumpong na ako ng allergy dahil sa gamot ininom ko.

"Gurl!"

Agad akong napabalik sa reyalidad nang tapikin ako ng malakas ni Hazel. I eyed her curiously.

In Between SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon