Treinta

531 9 0
                                        

Eksaktong tatlong buwan na ang nakalipas nang hindi na bumalik at nanggulo pa ulit si Sarah. Payapa na kaming nanirahan ulit nang wala siya.

"You want to go the mall?" sabi niya habang kumakain kaming dalawa.

Umiling ako at uminom ng tubig, "We can always watch a movie here."

Tumitig muna siya sa akin at tila ba binabasa ang aking isipan.

Kasalukuyan kaming kumakain ng agahan habang nagdedesiyon kung anong gagawin namin ngayon upang magpalipas ng oras.

Wala kasi siyang pasok ngayon dahil special non-working holiday ngayon. Wala rin siyang maisip na gagawin kaya pagmomovie marathon ang suhestiyon ko.

"What movie?"

"Titanic..."

Katatapos lang naming kumain ng mapagdesisyonan naming manood kaagad. Nandito na kami ngayon sa kwarto niya. Kakasimula pa lamang ng palabas nang bigla siyang magsalita.

"We can watch other movies. I have some." suhestiyon niya.Nilingon ko lamang siya at ibinalik ulit ang tingin sa pinapanood.

Napakalaki ng tv niya rito sa kanyang kwarto kaya imposible hindi mo maiisip na ikaw ang isa sa mga bida ng palabas. Tahimik lang kaming nanonood habang kumakain ng popcorn. Ayaw niya pa sanang kumain kami sa mismong kama niya ngunit naging mapilit ako kaya hinayaan niya na lang.

Ang gwapo talaga ni Leonardo! Walang kakupas-kupas!

Nang nasa kalagitnaan kami ng panonood ay agad akong nagpunas ng aking luha hanggang sa matapos ito. Ang sakit pa rin talaga ng palabas na ito kahit ilang beses ko nang napanood. May bagay talagang kumukurot sa puso ng mga manonood upang balik-balikan ang palabas na ito at maghintay ng pangalawang chance na baka mabuhay muli si Jack.

Tiningnan ko si Jack sa aking gilid at nakita kong nakatingin din siya sa akin na parang wala lang. Ganyan ba talaga ang mga lalaki kahit napakasakit o napakakilig ng palabas ay wala pa rin silang reaksyon?

"We share the same name..." sabi niya habang nakatingin sa akin.

Pinatay na niya ang tv at ngayon ay ilang dangkal lang ang layo namin sa isa't-isa. Hindi ako makatingin sa kanya dahil nahihiya ako na baka pulang-pula na ang aking mga mata ngayon.

Tumango ako at sinubukang ngumiti. Kasing gwapo mo rin siya, Jack.

Nagbuntong hininga siya, "You know what? I am named Jack after that movie. Ang Miguel was my father's choice."

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Kaya pala Jack siya. Baka hilig sigurong manood si Mama Lourdes ng palabas na ito dati habang buntis siya.

27 siya ngayon at sa pagkakaalam ko 1997 pinalabas ang Titanic.

"1997 ka?" tanong ko sa kanya.

Natawa siya at umiling, " March 1998."

Sakto! It's already 2024. Ang amazing naman ng Mommy niya. Naadik pala sa palabas na Titanic.

"Ano pala talaga ang dapat ipangalan sa'yo?" kuryoso kong tanong.

"It was Matthew Miguel but Mommy changed it to Jack. Miguel because of my Dad's twin but unfortunately he died at the age of two because of pulmonary tuberculosis."

Habang nagsasalita siya Jack ay tinitingnan ko siya. Ang dami niya pa lang mga sikreto na hindi ko alam at hindi ko maisip na may ganoon pala siya. Para siyang balon, ang lalim niyang tao tsaka napakamisteryoso.

"How about you? Bakit Yvonne?"

"Ang mga kumupkop sa akin ang nagpangalan ng Yvonne. Dala ko rin ang apilyedo nila ngunit wala pa ata akong dalawang taon ay dinala nila ako sa Bahay Ampunan at doon na lumaki."

In Between SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon