Ocho

636 16 5
                                        

"Jusko, Fidel."

Kakatapos lang naming mag-agahan. Para akong tanga habang umiiyak at nanunuod ng Isang Daang tula Para kay Stella. I really admire Fidel for his talent but hindi niya deserve si Stella.

Pero hindi ko naman masisisi si Stella kasi matayog ang ambisyon niya sa sarili. At nakikita kong gusto niya talagang magbanda at maging sikat na bandista.

"If you won't stop crying I will not let you borrow my laptop, again."

Agad kong pinunasan ang aking luha at nakangiti siyang nilingon. Kumunot ang kanyang noo at nilapitan ang pinanood ko.

"I'm not crying, Jack."

Iniject ko na ang flashdrive at agad naman akong napatigil nang makita ko siyang nakatitig sa akin. Para akong giniginaw sa kanyang titig.

"Stupid movies,"

"Sa susunod, huwag mong iyakan ang mga bagay na iyan. Walang saysay. Nagsasayang ka lang ng luha."

Napakurap-kurap ako, "Diba healthy namang umiyak? Tsaka natouch lang naman ako sa movie, e. Naaawa ako kay Fidel."

Kumunot naman ang kanyang noo kaya napangiti ako. Humiga siya sa kama ko at pumikit. Naka-indian seat lang ako ngayon habang siya ay nasa gilid ko nakapikit ang mga mata.

"Kwarto ko 'to, a. Pero malakas ka sa akin kaya okay lang." humalakhak ako sa kanyang reaksyon dahil agad siyang napabangon sa sinabi ko.

"Oy! Ito naman! Joke lang. Balik ka na ulit sa pagkakahiga mo." masungit niya akong tiningnan at bumalik sa pagkakahiga.

Para siyang nairita sa sinabi ko kaya binawi ko na lang. Nakakatuwa ang reaksyon niya. Ang cute.

"I don't like jokes, Von. I'm not attracted to talkative girls but I will exclude you." he said while his eyes were still closed.

"Huh?" hindi ako makapagfocus sa sinabi niya dahil tinitingnan kong mabuti ang kanyang mukha.

"Wala, kwentuhan mo na lang ako sa pelikulang napanood mo kanina." bwesit na sabi niya sa akin.

"Ha? Okay!" doon na ako nagising sa reyalidad dahil sa tono ng boses niya.

"Eto kasi iyon, may isang guy na poetic type na may speech defect at nagkagusto siya sa isang rocker na babae. Opposite silang dalawa dahil iyong babae walang inatupag kundi ang pagbabanda at napabayaan niya iyong grades niya tsaka iyong guy dahil inlove siya sa girl willing siyang turuan iyong girl upang makabawi sa school."

"Alam mo, naaawa ako sa guy dahil hindi niya talaga mavoice out iyong feelings niya at doon na niya navoice out nung hindi na sila pwede. Noong may pamilya na iyong girl."

Tiningnan ko si Jack.

"Pero alam mo ba, parehas kami ng hilig ni Stella, gusto ko rin ang pagkanta."

Dumilat siya at tumingin sa akin ng blangko, "Talaga?"

Tumango ako, "Hindi nga lang ako sumasali sa contest kasi feeling ko ang panget ng boses ko."

Tumingin ako sa malayo. Noong bata pa lang, gusto ko na talagang maging singer. Palagi akong nanonood sa tv noon ng mga singing competition noong nasa bahay ampunan pa ako. Music is one of the stress relievers when I'm struggling during my college days.

"Tell me what's on your mind. Tell me about yourself." sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin.

Parang akong natawa sa kaloob-looban ko. Seryoso ba siya? Is this freaking happening?

"Tell me about yourself, too." at ngayong nakakuha na ako ng tyempo at sinagad ko na ito.

"I graduated in PUP with a degree of Business Administration and fortunately with latin honors." tiningnan ko siya kung ano ang magiging reaksyon niya pero parang wala lang siya.

In Between SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon