Ilang araw na ang nakalipas simula noong sumugod dito si Sarah. Hindi na naman siya nagparamdam sa akin o kahit kay Jack ngayon. Sana naman natauhan na siya. Sana umatras na lamang siya at itigil na ang lahat ng ito. Masyadong magulo na ang mundo dadagdag pa ba siya?
"Mornin'," he said in a low baritone voice as he kissed my cheek.
Pinilit kong bumalik sa huwisyo upang makapag-usap kami ng maayos ni Jack. He stirred his coffee for awhile before turning his gaze on me. Umawang ang kanyang labi ng makita niyang tahimik ko siyang pinagmamasdan.
"What if...doon na lang tayo manirahan muna sa Greece."
At nanlaki ang mga mata ko sa suhestiyon niya at natawa ng mahina.
"It's okay here, safe naman ako rito." I assured him.
Pagkatapos noong insidente ay dinagdagan niya ang guards sa aming subdivision. Kukuha na sana siya ng guard sa bahay namin ngunit tumanggi ako. Ayokong may special. Kaya ko namang protektahan ang sarili ko habang wala siya kaya't hanggang sa makakaya ko ay mag-iingat ako ng husto.
Nilapag niya ang kanyang sa kape sa mesa at hindi ko mapigilang hindi mabaling ang tingin ko sa kanyang balikat. Yvonne! Nasa oras tayo ng krisis ngayon at hindi ito panahon para pagpantasyahan kung gaano ka kawerte sa asawa mo.
Tumikhim ako upang mabaling ang atensyon ko sa kanya. It's already five in the morning. Kanina pa kami gising dahil hindi na ako makabalik sa pagtulog. Hindi ko alam na hindi rin pala siya makatulog ng matiwasay kaya nagdesisyon kaming mag-usap na lang habang umiinom ng gatas at kape.
"I really want to make sure that you're safe lalo na't nasa trabaho ako lagi."
Hindi ako sumagot sa kanya dahil lumipad ang tingin niya sa aking braso at pinasadahan ang aking suot na itim at medyo lacey na spaghetti strap.
"N-Nakaya ko nga ang sarili ko noong nandoon ako sa Greece mag-isa, e." I managed to utter some words.
"Where did you bought that shirt?" sabi niya habang nakatingin sa aking suot.
Pasimple kong tinakpan ang aking cleavage dahil pakiramdam ko ay nakatitig siya rito.
"Dito lang sa Maynila..." kinakabahan kong saad.
"Bakit gusto mo bang bumili ng ganito?"
At napangisi ako sa sinabi ko. Ang nonsense naman kasi ng question niya! Pwede naman ibang bagay ang itatanong niya at hindi ito. I knew where is this going.
"Huwag mong takpan hindi naman kita."
Agad siyang tumawa sa kanyang sinabi. Palibhasa sanay siya sa mga babae niyang halos puputok na ang dibdib sa sobrang laki! Ang gross kaya noon hindi na balance.
Nang mahimas-masan siya ay agad siyang nagsalita ulit, "Did you wear your bra?" natatawa pa rin siya hanggang ngayon.
Taas-noo ko siyang tiningnan at uminom muna ng gatas bago sumagot. Akala niya magpapatalo ako sa kanya? No way!
"Hindi at ano ngayon?"
"Hindi kasi halata." agad na naman siyang tumawa kaya ininom ko ang natitirang gatas at inilapag ito sa mesa na parang may ipagmamalaki rin akong dibdib.
"Hindi halata? Hindi na lang ako magbabra simula ngayon at tingnan natin kung sino ang mafufrustrate sa ating dalawa." banta ko sa kanya.
Hindi ko naman ito totohanin, 'no! Kahit maliit itong akin ay nahihiya akong hindi magbra. Imagine that kita iyong kaluluwa mo habang naglalakad ka saan-saan.
Naiiyak na siya sa katatawa habang ako ay nakasimangot na.
"Listen here, lil' cup—"
"Anong sabi mo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/201397074-288-k891485.jpg)
BINABASA MO ANG
In Between Spaces
RomanceJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...