Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo na ngayon. Sa pagkakaalam ko, wala siyang pasok ngayon. Pero diskompyado pa rin ako dahil baka aalis na naman siya.
Maingat akong bumangon at napangiti nang makita ko si Jack na mahimbing na natutulog sa tabi ko kanina. I bit my lower lip while watching him asleep. Marami akong naiisip ngayon ngunit mas nangingibabaw sa akin na baka makahanap siya ng mas karapat-dapat kaysa sa akin. Mas maiintindihan siya at mas aalagaan siya. Mas maganda at mas bagay sa kanya.
"Stop staring,"
Agad akong napabalik sa aking huwisyo nang magsalita siya. Hindi ko namalayang nagising pala siya.
"Uh...sorry kung nagising kita...ipagluluto na kita sandali lang." natataranta akong humakbang palabas upang matabunan ang aking hiya.
He caught me staring at him! Ano na lang ang iisipin niya? Na baka pinagpapantasyahan ko siya? Oo--- I mean no! Hindi! Never!
Matapos akong magluto ay tinungo ko na siya sa kanyang kwarto. Hindi na ako kumatok dahil nakaawang naman ang pinto nito kaya agad ko na itong pinasok. Nalaglag ang panga ko nang sumalubong sa akin ang katawan ni Jack na tanging boxer brief lang ang suot. Agad akong napatili at walang pag-aalinlangang lumabas ng kwarto. I heard him curse after what I stupidly did to him.
Agad akong napatakip sa aking mukha dahil sa katangahan at kahihiyan na naani ko ngayong araw na ito. Hindi pa man nangangalahati ay puno na ng kahihiyan ang araw ko. Malas!
"K-Kain na t-tayo." nauutal kong sabi sa kanya galing sa labas ng kanyang kwarto at matapos ay kumaripas na ako ng takbo sa dining area.
Habang hinihintay ko siya sa hapag ay tumawag si Alisa sa akin. I wonder kung ano na namang kailangan ng babaeng ito.
"Yvonne..."
Her voice was a bit frosty. Bigla akong nag-alala.
"Yes? What happened? May nangyari ba?" sunod-sunod kong tanong.
"Yvonne buntis ako,"
My smile became wider, "Congrats!Ninang ako, ah!"
"Von..."
"May problema ba, Alisa? Hindi ka ba masaya na buntis ka?" seryoso kong saad.
"Joke! Syempre masaya ako 'no kasi magkakababy na kami!" halos mabingi ako dahil pasigaw niyang sinabi ito.
"Anyways, saan ka? Gala na naman tayo, gusto mo?" alok niya.
Umiling ako kahit hindi niya nakikita.
"Day-off ngayon ni Jack kaya bonding time namin ngayon. Hindi pwede." mas lalong lumapad ang aking ngiti.
"Aysus! O sige magpakasarap kayo!" pagkatapos ay humalakhak siya sa kabilang linya.
"Alisa!"
"Oo na, tatahimik na. Bye, I love you beks!" sigaw niya sa kabilang linya buti na lang at hindi nakaloud speaker ang phone ko.
"I love you, too!"
Pagkatapos ay binaba ko na ang telepono. Parang timang talaga ang babaeng iyon. Sobrang cold na akala mo may nangyaring masama sa umpisa kalaunan ay naging hyper naman. Baka bukas, kapag hindi ako busy pupuntahan ko siya sa bahay niya.
"Who's that?"
Agad akong napahawak sa dibdib ko nang bumulaga sa akin ang mukha ni Jack. Huminga ako ng malalim tiningnan siya.
"Kaibigan ko, si Alisa." sabi ko bago ako umupo sa silya.
"Liar," he mumbled with a smirk on his face.

BINABASA MO ANG
In Between Spaces
RomanceJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...