Vientesiete

493 9 2
                                        

Nagtext muna ako kay Jack na baka matagal-tagalan ako ng kaunti dahil pupunta akong bahay-ampunan ngayon. Bibisita lang ako sa mga bata. May kakaunting pera pa naman akong naitabi kaya idodonate ko na rin ito. Medyo matagal-tagal nang hindi ako nakakabalik dito, ah.

"Yvonne? Ikaw ba iyan?" sabi ni Mother Superior habang tinitigan ang aking mukha.

Tumango ako at tumawa, "Opo, ako talaga ito."

Humalakhak siya at niyugyog ang aking balikat.

"Mas lalo kang gumanda, ah! Maayos ba ang buhay may-asawa?" nakangiti siya habang pinapaupo ako sa gilid.

Kasalukuyang naglalaro ngayon ang mga bata at ang iba ay hindi mapigilang mapatingin sa akin. Sabagay, hindi na ako nakakadalaw rito kaya ang iba nagtataka kung sino ako.

"Mga bata, ito si Ate Yvonne. Dito rin siya lumaki kagaya ninyo." pagpakilala sa akin ni Mother Superior sa kanila.

"May asawa ka na ho ba ate?" sabi ng isang nakagreen at payatot na bata.

Tumango ako at ngumiti, "Ako na ngayon si Ate Yvonne Alonzo-Montealegre."

"Magdodonate siya sa atin ng malaking halaga kaya pasalamatan niyo siya." sabi sa kanila ni Mother Superior.

Agad silang nagpasalamat sa akin kaya tumango lang ako at ngumiti.

"Walang anuman,"

Syempre, alam ko ang hirap ng buhay dahil galing din ako riyan. May ibang tao kasing hindi makakalimot at may iba rin na hindi na lilingon. Hindi ako makakalimot dahil marami akong natutunan dito sa Bahay Ampunan.

"Ate! Mayaman ho ba kayo?" sabi ng isang batang lalaki na mataba.

Natawa ako pati na rin si Mother Superior.

Umiling ako at lumebel sa kanya, "Ang asawa ko lang ang mayaman. Kaya magpursigi ka upang yayaman ka rin." sabi ko bago kami umalis ni Mother Superior sa kanilang silid.

May bible study yata sila ngayon pero naputol ko lang. Nagpaalam na ako sa kanila dahil may gagawin pa ako. Aalis na sana ako ngunit nakita ko si Dian. Agad siyang lumapit sa akin kasama ang isang morenong lalaki.

"Uy, Yvonne! Nandito ka rin pala!" masiglang bati niya sa akin.

"Oo, medyo matagal na rin kasing hindi ako nakadalaw dito."

"Ah ito nga pala si Sir Almazan. Ito iyong sinasabi kong boss ko."

Nagulat ako kaya agad akong yumuko, "I'm Yvonne Alonzo, sir. Hindi na lang ako nagpatuloy kasi natanggap na ako sa trabaho ko."

Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang madidilim niyang mga mata. Napakamahiwaga. Matangkad din siya at parang model sa isang sikat magasin.

"It's okay. By the way, saan ka nagtatrabaho ngayon?"

Malalim ang kanyang boses at tingin ko sa tindig niya pa lang ay marami ng nagkakagulong babae sa kanya. Parang Jack lang. Basta mga ganito talagang awrahan ay nasisiguro kong maraming reserba.

"Under Jack Montealegre's company po,"

Nanlaki ang kanyang mata at agad siyang tumikhim. Tumango siya sa akin at tumitig sa akin kaya tumikhim  ako.

"Anong ginagawa niyo rito?" sabi ko habang tinitingnan si Dian.

"Magdodonate ata itong boss ko ng malaking halaga sa kaarawan niya." bulong sa akin ni Dian.

Tumango-tango ako, "Ah sige. May pupuntahan pa kasi ako."

I waved at them pero si Dian lang ang tiningnan ko kasi nakikita ko sa gilid ng aking mata na seryoso pa ring nakatitig ang boss niya sa akin.

In Between SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon