Hindi pwedeng palagi na akong magtatago. Kailangan ko itong harapin. Kailangan namin itong harapin ni Jack ano man ang maging kahihinatnan nito.
Huminga ako ng malalim bago nagdoorbell. Isang araw akong hindi umuwi rito dahil kailangan kong makapag-isip-isip at sobrang nagpapasalamat ako na nandyan si Alisa na gumagabay sa akin.
Bubuksan na sana ako ni Manang Linda nang bumalik siya sa loob at pagbalik ay kasama na si Jack. He looked so stress and worried at the same time. Nag-iwas ako ng tingin dahil naluluha na naman ako.
Tahimik niyang binuksan ang gate at saka pumasok ako. I made my way to my room at nang isasarado ko na ay ginawa niyang harang ang kanyang kamay upang pumasok dito.
Tiningnan ko lang siya habang nakatitig din sa akin. Marahil marami rin siyang gustong sabihin pero sa dami ay wala na sitang masabi. Hindi niya alam kung saan mag-uumpisa. Ipinikit niya ang kanyang mata at nagulat ako ng may dumaloy na luha sa kanyang pisngi ngunit agad niya naman itong pinunasan.
"I saw it all..." panimula niya.
Umuga ang aking kama nang umupo siya sa tabi ko. Nakatitig lang ako sa aparador habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"I know it isn't your account. But the pictures of you and that Adrian Gilbert weren't... photoshopped."
Bumuntong hininga siya na para bang nahihirapang magsalita. Nanginginig ang aking labi at parang may nagbara sa akin lalamunan nang tiningnan ang nahihirapan niyang ekspresyon.
"Alam mong wala akong pakialam pera basta't kasama kita ngunit ang litrato niyong dalawa...it broke me, Von." pumiyok ang kanyang boses at nag-uunahan na ngayon ang aking mga luha sa pagpatak.
Umiling ako, "It wasn't a date, Jack! I was just eating at nakita ko siya sa mall kaya nag-uusap kami kasi magkakilala kami noong college pa!"
Agad siyang tumango sa akin at malungkot na ngumiti, "I know." he whispered.
Akala ko ay lalabas na siya dahil tumayo siya ngunit laking gulat ko nang bigla siyang lumuhod sa aking harapan dahilan upang mapatayo ako.
"Tumayo ka nga!" umiiyak kong sabi habang tinitingnan siya.
"Von, please hear me out. Please don't leave me again."
"I was hundred percent sure I'm not the guy in the leaked photos. It was Sarah but the guy wasn't me..." nakayukong sabi niya ngunit batid kong umiiyak siya dahil basang-basa ang kanyang shorts na suot.
Lumebel ako sa kanya at nakita kong pulang-pula siya ngayon. God, I'm really smitten to this man. Napaswerte ko sa kanya kahit hindi kami perpektong dalawa.
"Jack...I knew it wasn't you..."
"Sorry for giving up easily and for making shallow decisions in this relationship. I cannot afford to lose you, again..." humikhikbi at pabulong kong sabi.
He cupped my face and smiled, "I can do everything with you and for you, agápi mou." paos na sabi niya at hinalikan ang noo ko.
"You served as my anchor when I lost myself during my mom's death."
Pinikit ko ang aking mata habang ang mga noo naming dalawa ay makadikit. I saw him also closed his eyes.
"You showed me what love is. That love can be that genuine, pure and innocent."
Mas lalo akong napakahikbi sa sinabi niya. Parang hinaplos ang puso ko sa kanyang mga sinabi sa akin. Jack, why are you doing this to me?
"You don't how I was devastated at that night after you left."
BINABASA MO ANG
In Between Spaces
RomanceJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...
