Ilang araw na akong nandito sa bahay ni Alisa ngunit wala pa rin akong balita kung nandito na ba si Jack.
"Ali, may number ka ni Jack?" tanong ko sa kanya habang nagluluto siya ng almusal namin.
Ayaw ko sana siyang paglutuin ngunit mapilit talaga siya. Ika nga niya, tikman ko raw ang specialty niyang omelet. Eh napakadali lang niyan gawin, e. Ewan ko sa bababeng ito kaya pinabayaan ko na lang.
Lumingon siya sa akin at sumilay ang kanyang ngisi. Alam ko ang ngising iyan. Napakamalisyosa talaga hmp!
"Bakit? Makikipagbalikan ka na ba sa asawa mo?" kitang-kita ko ang kanyang ngisi mula rito kahit nakatuon ang kanyang pansin sa kanyang niluluto.
Napahilot ako sa aking sentido, "May pag-uusapan lang kami tungkol sa annulment."
Nilapag na niya sa lamesa ang kaluluto pa lang na omelet. Bago, ah! Parang tama nga siya may special ata siyang nilagay dito.
"Mayroon akong number sa cellphone ko. Pwede kang makitawag if gusto mo."
Tumango lang ako habang nilalantakan na namin ang pagkain. Tahimik kaming kumain nang bigla siyang nagsalita ulit. Napaangat ang tingin ko sa kanya.
"Pero alam mo, bigyan mo kaya ng chance si Jack. Lahat naman tayo nagkakamali, e. Ikaw, aminin mo may mali ka ring nagawa sa kanya. Nakikita ko naman ang Montealegreng iyon na sincere at may feelings na sa'yo noon pa pero tingin ko indenial pa lang siya."
Tumitig ako sa kanya. Saan ba talaga siya kampi, sa akin o kay Jack? Pero kung sinsero siya sa akin noon bakit hindi ko dama?
"Kumain na lang tayo," pagwawala ko sa usapan.
"Hindi mo lang siguro dama dahil ang mindset mo hinding-hindi ka talaga niya magugustuhan. Diba sabi mo noong nagkita kayo sa Greece na siya na nga ang may sabi na siya ang nahulog sa sariling niyang lambat."
"Pero nasa sa'yo ang desisyon. Sa'yo iyan, e."
Kagabi sobrang galit siya kay Jack ngayon kampi na naman siya nito?
Huminga ako ng malalim. Ayokong pag-usapan ito ngayon. Pero paano kung magkita kami ni Jack? Sigurado akong pag-uusapan namin ito. Basta buo na ang desisyon kong magfifile ako ng annulment. Kailangan ko na lang talaga ng cooperation niya rito.
Ako na ang naghugas pagkatapos naming kumain. Inantok kasi si Alisa. Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay kinuha ko ang cellphone ni Alisa na nasa center table. Good thing wala itong password. Agad kong nakita ang apilyedo ni Jack at dinial ko ito.
Nanlaki ang aking mata nang patayin niya ang aking tawag. Patay talaga itong taong ito kapag hindi niya sinagot ang tawag ko sa pangalawang beses. Dinial ko ito ulit at sinagot na niya.
"What do you want, Mercado?" malamig na sabi ni Jack sa kabilang linya.
Sa boses niya ngayon, nakasisigurado akong kakagising niya pa lang. Tiningnan ko ang wallclock and it's already nine in the morning. Nagulat ako dahil hindi naman ganito kalate siyang gumising noon. Marahil puyat siya kagabi. Ewan ko at wala akong pakialam.
"If you think this is funny then you are definitely—"
"This is Von Alonzo," pinutol ko siya sa pagsasalita at natahimik naman siya sa kabilang linya.
Tumikhim ako dahil hindi na siya nagsalita ulit. Marahil nag-aabang siya sa mga susunod kong sasabihin.
"Montealegre,"
Hindi talaga siya magpapatalo, ah.
"Only Alonzo." buo na sabi ko.
Matinding katahimikan ang bumalot sa aming dalawa nagdesisyon akong magsalita ulit.

BINABASA MO ANG
In Between Spaces
Storie d'amoreJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...