Ilang buwan na ang nakararaan simula noong mailibing at mamatay si Mama Lourdes ngunit wala pa ring nagbago sa pagtrato ni Jack sa akin.
Kagabi lang ay umuwi siya ng alas tres ng madaling araw. Hindi ko alam kung saan siya galing dahil agad siyang natulog at hindi sinagot ang tanong ko. Inamoy ko, hindi naman siya lasing.
"Ang alat naman nito!" agad niyang inilayo ang pagkain nang padabog dahilan upang mabasag ito.
Habang pinoproseso ko ang ginawa niya ay padabog niyang nilagay ang baso sa mesa na siyang dahilan upang tumalsik ang kapeng nakapaloob dito.
Natalsikan ako ng kaunti sa may braso ngunit sapat na iyon upang mamula."Ba't sobrang tamis naman nito?" nanggigigil na sabi niya sa akin.
"A-Ah nasobrahan b-ba?"
Kukunin ko na sana ang basong ininuman niya nang agad niya itong ibato sa dingding hindi kalayuan sa akin.
"NAKITA MO IYAN? DAHIL SA SOBRANG PAGMAMAHAL KO SA KANILA KINUHA SILA SA AKIN AT NGAYON BASAG NA BASAG AKO!" napapaos na sigaw ni Jack habang umiiyak.
"ANO BANG KASALANAN KO? BAKIT AKO PINAPARUSAHAN NG GANITO?" sinuntok niya ang gawa sa narra naming mesa at agad na dumaloy ang dugo mula sa kanan niyang kamay.
Dali-dali ko siyang niyakap ng mahigpit mula sa likuran at umiyak na rin. Ramdam na ramdam ko ang pighati niya. Makikita mo talaga sa kanyang mata na may pasan-pasan siyang mga problema ngunit ayaw lang niyang magsabi sa akin.
"Wala ka namang kasalanan at siguro may plano ang Diyos kung bakit niya ginawa sa iyo 'to. Hindi niya rin ito ibibigay kung alam niyang hindi mo ito kaya. Nandito lang ako sa'yo. 'Wag kang magdalawang-isip na sambitin ang pangalan ng asawa mo..." humihikbi kong saad habang hinahawakan ang mukha niya.
Lumipat ako sa katabi niyang upuan. Sobrang lapit namin sa isa't-isa. Agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin at umiling. Hinuli ko ang tingin niya ngunit patuloy pa rin siyang nag-iwas ng tingin.
"Huwag kang matakot magmahal," bulong ko sa kanya.
At ngayon hindi na siya makatingin sa akin. Pinunasan ko ang kanyang luha gamit ang aking daliri at nakita ko ang pamumula ng kanyang mukha.
"Huwag kang matakot mag-open up ha. Nandito lang ako para sa iyo. Tandaan mo iyan." naiiyak ko ulit na sabi.
"Von..." mahina niyang sambit.
"Hmm..."
Agad ko siyang tiningnan ngunit tanging titig lang ang sinagot niya sa akin. He didn't a say a word but his eyes expressed thousand of words enough for me to know.
Biglang nagring ang kanyang cellphone at agad niya itong sinagot ng walang paalam sa akin.
"Aalis ako,"
Agad siyang tumalikod sa akin. Nang tuluyan siyang makalabas ay tinanaw ko na lamang ang malapad niyang likod na pasakay sa kanyang kotse. In a minute, tanging usok na lang mula sa kanyang sasakyan ang nakita ko.
Napabuntong hininga na lamang ako habang nakatitig sa mga basag na plato at baso. Naaawa ako na natatakot sa asawa ko. Naaawa ako sa kanya dahil sinasarili niya ang kanyang mga hinanakit at natatakot ako sa kanya dahil kapag nagagalit siya, nananakit siya.
I tried to call his number but he keeps on ending the call. Baka nasa byahe. Inilapag ko na lang ang aking cellphone sa mesa at kumuha muna ako ng dustpan bago winalis ang mga basag at itinapon sa basurahan.
Kakaiba magalit si Jack, bayolente at nananakit samantalang ako, tahimik. Hindi ko alam kung bakit ko nagustuhan si Jack. Siguro, dahil kay Mama Lourdes. Kung hindi niya sana kami tinutukso-tukso, hindi sana mabubuo itong nararamdaman ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
In Between Spaces
RomanceJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...