Dieciséis

675 16 0
                                        

Medyo nag-aalangan pa ako na sumama ngunit talagang mapilit si Ms. Emma, mommy ni Travis. Birthday niya kasi ngayon at invited lahat ng yaya at pamilya niya maliban na lang kay Sir Gary. Alam kong hindi niya inimbita si Sir dahil hindi na talaga sila nagpapansinan ngayon ngunit nasa iisang bahay pa rin naman sila dahil kay Travis.

Magbebeach daw kami ngayon sa Zakynthos sa Shipwreck Cove. Hindi talaga ako pamilyar sa lugar dahil natural hindi rin naman talaga ako taga rito ngunit sabi ni Ma'am isa raw ito sa pinakamagandang beaches sa buong mundo.

Medyo malayo-layo talaga ang byahe mula Anthens papuntang Zakynthos. Napagdesisyonan ni Ms. Emma na mag-eroplano na lang kami upang mas mapabilis ang pagdating namin doon.

Natulog ako buong byahe at nagising na lang ako nang yugyugin ako ni Jida.

"Von, wake up! We're already here." excited niyang sabi.

Napabalikwas ako sa kanyang sinabi at napabuntong hininga. Akala ko talaga nandito na kami sa mismong beach. Ay teka, may eroplano bang naglalanding sa isang beach? I mean iyong hindi private? Natawa ako sa naisip ko. Ang weird.

Nang nakalabas na kami sa airport ay sumalubong agad sa amin ang dalawang matangkad na lalaking mukhang kasing edad ko lang at isang matandang babae na palagay ko'y nasa mid 60's na. Mga mestiso at mestisa sila kung tutuusin at ang kikinis pa ng mga balat.

Sa palagay ko, mga pamilya ito ni Ma'am Emma mula sa ibang lugar. Lumuwas lang dito para sa birthday niya. Pagkatapos ng kanilang chikahan ay agad kaming tumulak sa sakayan kung saan sasakay kami ng bangka papunta sa Shipwreck Cove.

Buong paglalayag ay natulog si Travis sa aking bisig. Nagchichikahan pa rin naman iyong matandang mestisa at saka si Ma'am Emma. Tingin ko, lola ito ni Travis kasi magkasing hugis sila ng mukha ni Ma'am Emma ngunit hindi magkamukha.

Matapos ang halos isang oras ng pagbabangka ay narating na rin namin sa wakas ang Shipwreck Cove. Simple lang naman ang isla na ito. Para sa akin, walang espesyal ngunit nagiging espesyal ito dahil sa nangyari sa barko rito. At mas nabibigyan natin ng atensyon ang kalikasan sa mga ganitong tanawin.

Nandito ako ngayon, nakaupo sa white sand niyang beach malapit sa dagat. Nakasimpleng t-shirt lang ako na white at pinaresan ko ito ng shorts.

"Von!" malakas na tawag ni Jida sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

Malayo pa lang ay kitang-kita ko na ang iwinawagayway niya sa ere. Is it a...swimsuit?

Nang makalapit siya sa akin ay agad niya akong hinatak papasok sa isang cubicle ng comfort room.

"But I don't want to wear this," pursigido kong saad sa kanya.

"I am too, but Ms. Emma bought this for us. She wants us to wear this." nahihiyang sabi ni Jida.

Isang itim na one-piece ang isinuot ni Jida. Gusto kong makipagpalit sa kanya ngunit nasuot niya na.

"But you know what, this one-piece swimsuit really suits you. You have a slender type of built. So better wear this."

At agad niyang binigay sa akin ang isang nude na kulay ng one-piece. Nang makalabas ako sa cubicle ay agad na pumalakpak si Jida sa akin.

"It really suits you."

Nang makita ko ang aking repleksyon sa salamin ay napasabi ako ng 'ang sagwa pero ang ganda'. Masagwa siya kasi kakulay niya iyong balat ko. Parang wala akong suot at ang ganda kasi umayos ang hubog ng aking katawan. Hindi ko alam na may ganito pala akong hubog kasi hindi rin naman ako nagdidiet o nagcocontrol sa pagkain.

Dumiretso na kami sa cottage namin at kumain. Nakita ni Ma'am iyong suot namin ni Jida at agad niya kaming pinasalamatan na sinuot namin ito. Sinabi sa akin ni Ma'am Emma na siya lang daw muna ang mag-aalaga kay Travis kahit ngayon lang daw. Tumango naman ako at naglakad na lang sa tabing dagat. Ang init dito kumpara sa Athens na medyo maginaw-ginaw na.

In Between SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon