Treinta y uno

507 10 2
                                        

Malungkot na nakatitig ngayon si Alisa sa akin. Kanina pa ako nakarating pero hindi ako nagsalita. Nag-aalala na siya ngayon sa kalagayan ko.

"Sorry if I had to tell you this. Hindi ko naman din alam na hindi mo pala talaga alam."

Bumuntong hininga siya at tumitig sa akin na tila ba inaalala ang mga sasabihin niya sa akin.

"I first saw it on my social media accounts. Unang nagleak ang pictures niyo ni Adrian dalawa..."

Pinakita niya ako sa kanyang phone.
It's a picture of me in Zakynthos! I was wearing a nude one-piece while laughing. Mabuti na lang at hindi nakita si Thunder sa litratong ito!

"So happy I married one of the wealthiest bachelor in town. Spending his money atm."

Nanginginig ang kamay ko habang zinozoom ang picture ko. Kahit saang anggulo ako talaga ito pero sino ang kumuha nito? Wala naman akong kakilala doon sa Greece.

Nislide ni Ali ang isa pang screenshot mula sa internet. It's me and Dian eating something. It's in the noodle house! Noong nagkita kami, nagkwentuhan lang kami noon at wala ng iba pa!

"Sidelines for my husband's too busy for his business."

"WHAT THE HELL?!"

Nanggagalaiti kong sigaw nang makita ang caption. 

"Hindi ako 'to!"

Halos basagin ko na ang phone ni Alisa habang umiiyak. I didn't post this! I didn't write this caption as soon as I can remember!

Hinagod ni Alisa ang likod ko habang galit na galit sa mga nakita ko tungkol sa akin.

Pinakita niya pa ang comments ng ilang tao at mas nadurog ang aking puso sa aking nabasa.

"Gold-digger bitch!"

"I'm sure she's now swimming in a golden tub while browsing the news haha."

"Can't even think that my childhood crush married someone like her eww!"

"Laki sa gutom, patay gutom pa sa pera so gross."

"This is too funny for Jack. Karma is a bitch afterall. This is a karma for breaking Sarah's heart."

"Can you imagine? A reserved, mature and good-looking guy married a pathetic, beggar and less unfornate woman like her?"

"Iba talaga kapag ganda ang pinagana. Makukuha mo lahat."

Hindi ko na binasa pa ang ibang mensahe dahil hindi na ito makakaya ng aking puso. This is not my personal account and it is a poser account made to destroy me, Jack and our family!

"Ito pa ang sinasabi kong iskandalo ni Jack."

Isang litrato ng isang babae at lalaki na mapusok na naghahalikan sa isang comfort room. And it was posted also in my own account! Putangina! Napakawalanghiya kung sino man ang gumawa nito sa akin!

Parang binibiyak ang puso ko habang nakatitig sa litrato. Hindi makita ang mukha ng lalaki ngunit kitang-kita ko kung sino ang babae. And it's fucking her! The bitch! Malamang siya ang may gawan nitong lahat ng ito!

"The video was deleted bago pagpyestahan ng mga tao at ito na lang ang natira." malungkot na sabi ni Alisa habang tiningnan akong umiiyak.

"I saw a various company of a newspaper already published it kaya mas lalong kumalat. Idagdag mo pa ang pagpopost nila sa social media accounts kaya..."

Impit akong napaiyak kung bakit kami dinamay sa isyung ito. Napakaraming sikat at mas kilalang artista bakit kami pa?! Namumuhay lang naman kami ng tahimik tapos gaganyanin kami?! Ang kakapal naman ng mukha ang kung sinong putanginang nagpakalat nito!

"All of this are not true! Putangina Alisa! Ano bang naging kasalanan ko?! Bakit ginaganito nila ako porke wala akong magulang?! Hindi ba nila alam na napakaswerte nila?! Putanginang iyan!" galit na galit kong sigaw dahil hindi na kaya ng puso ko.

Pakiramdam ko ang tanging kakampi ko na lang ngayon ay si Alisa. Alam kong galit na rin sa akin ang mga Montealegre ngayon dahil sa balita. Ang tingin na ng mga tao sa aking ngayon ay mukhang pera!

"Eh kung sana mukhang pera ako, didikit talaga ako kay Jack palagi! Sana kinuha ko na lang ang ATM niya! At sana hindi ako nanghingi ng annulment kung mukha talaga akong pera!"

Naghahabol ako ng hininga habang binibigkas ang bawat salita. Napakawalang-kwenta ko na ngayon. Parang bumalik ulit ako sa Greece na walang kakampi.

Malungkot lang na nakatitig sa akin si Alisa. Galit na galit ako ngayon kasi hindi ako makakapayag na masisira lang ang pangalan nila dahil sa akin. Si Sarah lang ang tanging tao na naisip kong pwedeng gumawa nito sa amin.

"Bes, tama na. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Diba ikaw lang naman ang nagsabi na hindi ito too diba?" alo niya sa'kin.

"Ali ayaw ko na. Sumusuko na ako."
nagsimula na naman akong maiyak.

Ngayon, nakapagdesisyon na talaga ako. Ayokong maging mabaho ang mga Montealegre sa mata ng tao kaya hihiwalayan ko na si Jack. Tutal ito naman siguro ang dahilan diba kung bakit nagkaleche-leche lahat ng ito? Pwes, I gave up!

"Von pag-isipan mo ito ng mabuti. Huwag ka ng aalis ulit nang hindi nagpapaalam tapos ano? Maghihintay na naman ulit kami ng ilang buwan? O kaya taon? Yvonne naman, huwag ka agad susuko. Wala pa ito sa mga problemang kakaharapin ninyo!"

"Ayokong madungisan ang pangalan nila nang dahil sa akin, Ali! Mahal na mahal ko si Jack ngunit ayoka na. Ibibigay ko siya sa kung sino ang karapat-dapat!" umiiyak kong sabi habang umiiling. Ayoko na talaga. Nakapagdesisyon na ako, Jack. Patawad.

"Huwag kang maging makasarili Von! Problema niyo itong dalawa at mag-asawa kayo diba? Edi harapin niyong dalawa! Huwang kang magpakamartyr at aayaw na lang bigla dahil una sa lahat nanumpa ka sa Diyos na magkasama niyong susugpuin ang mga problemang kakaharapin!" umiiyak na rin siya ngayon.

"Ayaw ko na kasi napakahina ko sa ganito Alisa!"

"Ganyan ba ang pagmamahal na alam Von? Iyong mahal mo siya kung wala kayong problema pero kapag meron na nagdadalawang-isip ka na dahil takot ka! Duwag ka!" sigaw niya sa akin.

"Lumaban ka nga! Huwag kang tatakbo kapag alam mong nasa tama ka!"

Napapikit ako dahil sa mura ni Alisa. Agad ko siyang inalo dahil napahawak siya sa kanyang tiyan.

"Ali..."

"Lumayo ka! Wala akong kaibigang ganyan, Von. Simula noong nag Greece ka hindi na kita nakilala. Naging makasarili ka na."

"Alisa..." humihikbi ako habang lumalapit sa kanya.

"Ganyan ba ang pagbabago na gusto mo? Pwes, hahayaan kita dahil desisyon mo naman iyan, e. Baka pagkatapos mong iwanan si Jack...ako...ako naman." humihikbi na rin siya ngayon.

"No, hindi ako ganoon..." pinutol niya ang sasabihin ko.

"Matulog ka na muna at baka mahimasmasan ka. Ako na ang bahala kay Jack kapag pupunta siya rito."

Wala na akong nagawa kundi pumunta na muna sa guest room at doon humiga. Habang nakatitig sa kisame at unti-unti ring dumadaloy ang aking luha.

Hirap na hirap na ako. At hindi ko akalaing magiging ganito kamj ngayom dahil kanina okay pa naman kami. Can someone save me from this mess? Paano kami magpapaliwanag nito na sobrang kalat na ng balitang ito? Paano ko isasalba si Jack— ang relasyon namin at ang reputasyon ng mga Montealegre.

Pumikit ako dahil naisip kong baka ngayon ay pinagsasabihan na nila si Jack na makipag-annul sa akin. Papayag ba ako? Kung papayag ako napakapayapa na siguro ng buhay ni Jack. Wala ng Yvonne na lagi niyang inaasar. Wala ng Yvonne na laging kasabay niyang kumain ng tanghalian. At wala na ring gulo. At siguro iyon ang pinakamabisang solusyon sa problemang ito.



In Between SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon